"To love someone is nothing, to be loved by someone is something. But to be loved by someone you love is everything..."
_____________________________________________________________________________________Franzine's POV
"Captain mag break muna tayo! Kanina pa tayo nagpracpractice dito!" Nagrereklamong sigaw sakin ni Gail...
"Gail, do a 10 squats now!" Mariing utos ko sakanya at agad nanlaki ang mga mata niya...
"Grabe ka sakin sister! Bibigay na ata yung mga binti ko!" Sabay palo niya ng dalawang hita niya na nakapagpailing sakin...
"Okay guys mamahinga muna tayo..." Utos ko sakanila at agad naman silang nagsihiyawan...
"Oh!" Sabay bato ko kay Gail ng ointment...
"Kung alam ko lang na ganito kahirap maging volleyball player di na sana ako sumali sister!" Nagmamaktol na sabi niya sa akin...
"Tiisin mo na, ngayon ka pa ba aangal? Last year na natin dito sa college..." Sabi ko naman sakanya...
"Nako! Kapag naagaw ko talaga sayo ang pagiging captain ng volleyball! Papahirapan talaga kita sister!" Banta niya pa sa akin...
"Manahimik ka na nga dyan, akala ko ba sumasakit yang mga binti mo?" Sabay tayo ko...
"Sabi ko nga masakit yung mga binti ko! Hay grabe!" Sagot nito bago hilutin yung mga binti niya...
Sabi na nga ba nagkukunwari lang 'tong babae na 'to eh, ayaw lang talaga niyang natatapat sa araw...
"Sister hindi mo ba namimiss si Jungkook? Ikaw kasi eh! Kung hindi ka nagpatawag ng training ngayon edi sana nandun ako sa concert nila sa Vietnam!" Paninisi niya pa sa akin...
"So kasalanan ko pa ngayon na hindi ka nakapanuod ng concert nila? Saka gaga ka ba? Mag-aaksaya ka ng pera papunta ng Vietnam para sakanila? At paanong hindi ako magpapatawag ng training? Sa isang linggo na kaya yung laban natin..." Sagot ko pa sakanya...
"Ganun talaga pag fan girl ka sister! Pero ikaw ha bakit hindi mo sinagot yung isang tanong ko sayo? Namimiss mo na si Jungkook ano? Ayieeee! Sabi na may pagnanasa ka rin kay Jungkook eh!" Pang-aasar na naman niya sa akin at agad ko naman siyang binatukan...
"At bakit ko mamimiss yung hambog na yun?! Mabuti nga ay natahimik ang buhay ko ng isang linggo! At pwede ba? Wala nga ako sinabing pagnanasa sa Jungkook na yun! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!" Naiinis na sabi ko sakanya...
"Kunwari ka pa eh, alam mo sister ayos lang naman na magpakipot! Dapat talaga tayong mga babae nililigawan at sinusuyo! Pero huwag ka namang masyadong mainis dyan kay Kookie! Kaya nahahalatang may gusto ka eh!" Ayaw niya pa ring tumigil na sabi sakin...
"Mukhang di effective sayo ang batok, sapak gusto mo? AYOKO NGA SA LINTEK NA JUNGKOOK NA YUN! MAGUNAW MAN ANG MUNDO NGAYON! NEVER AKONG MAGKAKAGUSTO SAKANYA!" Mariing sabi ko sakanya...
Bwisit na buhay 'to! Ang dami daming pwede iasar sakin yung Jungkook pa talaga na yun!
"Hahahahahahaha! Grabe sister pulang pula ka sa inis! Hahahahahaha! Ang epic ng mukha mo!" Tuwang tuwang sabi niya pa sakin...
Nabwibwisit na nilayasan ko siya doon na tuwang tuwa pa rin, nakakainis! Hindi ko naman talaga gusto yung Jungkook na yun! Ipaputol ko man ang mga daliri ko ngayon ay hinding hindi ako magkakagusto sakanya! Bakit ganun ba siya kagwapo?! Oo gwapo siya pero hindi pa rin siya ganun kagwapo!
Napatigil ako sa pagsasalita sa isip ko ng bigla na lang may bumangga sa akin, lintek ka talaga Franzine! Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?

BINABASA MO ANG
Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)
Fiksi PenggemarBTS Series #1: BTS Jeon Jungkook's Side Story Si Jeon Jungkook ay isa sa pinakabatang bilyonaryo sa buong Korea. He was born with a gold spoon in his mouth, lahat na ata ay nasa kanya na. Yaman, kasikatan, perpektong pamilya, mga kaibigan at kagwapu...