BC: Chapter 2

228 12 15
                                    

"I was always heartless...
But after you broke my heart... I started using my heart less..."
_______________________________________________________________________________________

Franzine's POV

Pumasok na ko sa classroom na sobrang badtrip, bakit ko ba kasi nakita pa yung Jungkook na yun? Dapat pala ay hinayaan ko na lang na masira ang motor ko kaysa makilala ko pa yung mayabang na yun...

"Goodmorning class!" Bati sa amin ng professor namin at sa likod niya ay kasunod lang niya sina Gail, Jedrick at ang lalaking kanina ko pa kinaiinisan...

"Grabe dito rin pala sila Jungkookie! Ang gwapo talaga niya diba?! Makalaglag panty eh!" Maharot na sabi pa ng mga kaklase kong babae...

"Alam niyo ba? Nakita daw sina Samantha at Jungkook na nag memake out sa may party ni Hyun Jin..." Tsimis pa ng isang babae na parang nagseselos pa ata...

"What do you expect to Samantha? Bitch naman talaga yun..." Sagot naman ng kausap niya...

Sino ba yung Samantha na yun? Ang dami ko nga atang hindi alam, paano ba naman ang tanging inaatupag ko lang naman ay ang pag-aaral at pagsunod sunod ko kay Jedrick...

"Hoy Miss Flat Chested, bakit ka nag walk out kanina? Pasalamat ka nga kinantahan pa kita..." Mayabang na sabi niya pa sakin, tss pake ko naman kung kinantahan niya ko? So utang na loob ko pa sakanya na kinantahan niya ko?

"Pake mo kung umalis ako? Eh sa ang panget ng boses mo eh. May magagawa ka?" Pagsisinungaling ko pa sakanya, para atang boses ng anghel yung narinig ko kanina...

"Ang taray mo naman Miss Flat Chested, kaya walang nagkakagusto sayo..." Parang dismayadong sabi niya pa sa akin, at dahil sawa na kong makipag-asaran sakanya ay inirapan ko na lang. Bwisit kaklase ko na nga sa wakas si Jedrick, pero kaklase ko rin naman 'tong mayabang yang kakambal!

"Okay class let's have a three person in reporting for our thesis!" Sabi agad ng teacher namin, ano ba naman 'to? First day of class reporting in thesis agad?

"Jeon Jedrick, Jeon Jungkook and Gomez Franzine..." Sabi ng prof namin, ayos na sana dahil kapartner ko si Jedrick pero kailangan ba talagang kapartner pa namin 'tong kapatid niyang hambog?

"Alam mo bro, ayos na sana pero bakit kasama pa natin 'tong amazona na 'to? Di ka ba natatakot dito kay Miss Flat Chested, akala mo namang napakaganda niya, crush lang naman ako..." Mayabang pa na sabi niya pa sa kakambal niya. Eh kung sapakin ko kaya ulit 'to? Sumusobra na yung hangin sa katawan, akala mo namang napagwapo niya...

"Alam mo ikaw napaka hangin mo rin talaga, saan ka ba ipinaglihi ng nanay mo? Saka hindi nga kita crush bakit ba napaka kulit mo?" Naiiritang sagot ko sakanya at lalo lang siyang napangisi! Hindi ko alam kung trip lang ba niya kong iritahin o ano...

"Mag-aaway na naman ba kayo?" Pigil sa amin ni Jedrick at agad akong patahimik, mahirap na baka maturn off pa sakin 'tong crush ko. Pero sadyang pinupuno talaga ako nitong bwisit na lalaking 'to...

"Talaga hindi mo ko crush? Kaya pa ako yung nakatattoo sa balikat mo..." Nakangisi pa ring sabi niya sa akin...

"Hindi nga ikaw 'to! Huwag ka ngang feelingero dyan! Kahit itanong mo pa kay Gail!" Naiinis na sagot ko sakanya, agad na napatahimk ang buong klase at kay Gail napatingin ang lahat...

"Ah... Actually it was really you Jeon Jungkook, matagal ka nang gusto ni sister eh. And I bet masaya siya at napansin mo na rin siya..." Pagsisinungaling pa nito na lalong ikinahiyaw ng buong klase at ikinangisi naman nitong si Jungkook!

Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon