BC: Chapter 6

216 13 27
                                    

"Immature love says: 'I love you because I need you.' Mature love says 'I need you because I love you..."
____________________________________________________________________________________

Jungkook's POV

Madaling araw na at hindi pa rin ako makatulog, hindi kasi ako sanay na natutulog sa isang napakaliit na kwarto at napakainit pa...

"Bwisit naman na buhay 'to..." Bulong ko sabay palo ng lamok na dumapo sa braso ko, may electricfan na nga tapos malamok pa rin...

Ano na kayang nangyari sa amazonang 'yun sa sala? Baka mamaya ay pinapapak na ng lamok 'yun dun. Pake mo naman sa amazonang 'yun Jungkook? Ganti mo yan sa mga pamamalo, pananampal at pagsapak niya sayo...

Pero mabait pa rin naman ako, at sigurado ako na baka mabulyawan ako ni Gail kapag nalaman niyang pinababayaan ko ang kaibigan niya rito...

Kaya naman dahan dahan akong bumaba habang may dala dalang unan at kumot, pati na rin yung electricfan ay dinala ko. Kawawa naman kasi yung babaeng 'yun dito...

Dahan dahan ko siyang nilagyan ng unan at kinumutan, napatingin ako sa mahimbing na mukha niya na natutulog. Kung titignan siya ngayon ay mukhang ang bait at ang hinhin nyang babae...

"Maganda ka sanang amazona ka eh, kaya lang ay mukha ka talagang bungangerang babae. Tsk, ang malas lang ng magiging boyfriend mo pag nagkataon..." Bulong ko sakanya bago ko buksan ang electricfan at sabay punta na rin ng kwarto...

Pagbalik ko ng kwarto ko ay sinubukan kong matulog pero di ata talaga ako makakatulog! Bakit ko ba binigay sa amazonang 'yun yung electricfan? Ang lamok lamok dito! Ang init-init pa!

Naisip kong kunin ang cellphone ko at bulabugin si V hyung...

"Tarantado ka Jungkook, siguraduhin mo lang na importante 'yang sasabihin mo ha! Ang ganda ganda ng tulog ko dito!" Magandang salubong niya agad sakin...

"Tumayo ka dyan! Buksan mo yung pinto ng dorm! Dyan ako matutulog!" Sabi ko pa sakanya habang pinapalo ang mga lamok dito...

"Nag-utos ka pa! Hindi pwede! Kapag nalaman ni Tito Ethan na dito kita pinatulog baka madamay pa ko sa parusa mo! Kaya manahimik ka dyan!" Sagot nito agad sakin...

"Wala ka talagang naitulong sakin na maganda hyung..." Naiiritang sabi ko sakanya...

"Aba! Ikaw 'tong tatawag tawag sakin eh! Tuktukan kita dyan eh! Mag-enjoy ka na lang kay amazona mo dyan ha? Bye na! Letcheng 'to!" Huling sabi nito bago ako babaan ng cellphone...

Bwisit naman! Paano ko matutulog nito? Bakit kasi nakonsensya ka pa Jungkook? Dapat talaga hinayaan ko na lang na lamukin yung amazonang 'yun dun eh! Haist!

Franzine's POV

Tanghali na ng magising ako at napansin ko na may nakakumot sakin at may unan na ko, hindi lang 'yun may electricfan pa ko! Mabait naman pala yung Jungkook na 'yun eh!

"Mabuti naman at naisipan niya na bigyan ako ng kumot at unan, akala ko naman wala na talagang puso yung lalaking 'yun eh..." Bulong ko sa sarili ko bago ako bumangon at magligpit...

Naghilamos muna ako bago dumeretso sa kusina at maghanap ng maluluto. Dahil naging mabait siya sakin kagabi! Ipagluluto ko siya ng almusal!

Dahil namimiss ko na ang luto ni nanay, ay nagluto ako ng itlog at pritong isda! Wala naman kasing tuyo dito kaya pritong isda na lang. Pagkatapos noon ay nagsangag ako at nag-init ng tinapay at kape, tapos ay hiniwang kamatis! Namimiss ko na talaga yung sinangag at tuyo sa umaga!

Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon