BC: Chapter 12

196 13 23
                                    

"Yeah we're gonna fight everyday, but my love will increase every time after our fight is over..."
____________________________________________________________________________________

Franzine's POV

"Jungkook, ayusin mo ang sarili mo. Baka mamaya magkasakit ka na niyan..." Wala sa sariling sabi ko muli sakanya, hinila ko ang suot niyang sapatos at medyas dahil baka mamaya ay naiinitan na siya. Lalo na at hindi pa naman biro ang init dito sa Pilipinas...

Pero nakaramdam ako ng pagkailang ng maramdaman ko ang malalim na pag titig niya sa akin, ano ba Franzine! Umaayos ka nga! 

"Hubarin mo yang t-shirt mo pati na rin yang pants mo, eto yung mga damit ni itay. Doon ka na lang magpalit sa palikuran..." Utos ko sakanya habang inaabot ang mga damit ni itay na kinuha ni Francis, bahala na nga. Kung ayaw nga talaga ni itay na patuluyin si Jungkook dito sa bahay ay bahala na talaga, minsan ay hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Kahit na may galit sa puso ko ay hindi ko pa rin siya matiis...

Pagkatapos niyang magpalit ay pinaupo ko muna siya sa kahoy namin na sofa, binuksan ko ang electrifan at kumuha ako ng bimpo at malamig na tubig. Kung nandito lang siguro si Tita Claire ay baka maya't mayang alaga si Jungkook, pinunasan ko ang braso niya at ang gwapo niyang mukha ng sa gayon ay mahimasmasan ang mainit niyang katawan...

Ngunit napakunot noo ako ng mapansin kong may pilit siya sa gilid ng labi niya, anong nangyari sakanya? Ni hindi ko namalayan na hinahaplos ko na pala ito...

"Franzine..." Mahinang tawag niya sa akin at doon ko lang napansin na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa...

"A... Ano... Pasensya ka na..." Nahihiyang tugon ko sakanya bago ako lumayo...

"Franzine... Pwede ba kitang kausapin?" Pakiusap niya pa sa akin, pero hindi pa ko handa...

"Uminom ka muna ng tubig..." Pag-iiba ko ng usapan namin, bago ko siya ipagsalin ng tubig...

"Hindi ba ang sabi ko ay huwag ninyong papasukin ang lalaking yan dito?!" Napapitlag ako nang marinig ko ang malakas na boses ni itay, na ngayon ay mukhang kakarating lang...

"Eh kasi... Itay... Kawawa naman po si kuya..." Sagot agad ni France dito...

"Ano namang pake ko kung kawawa siya?! Ikaw ba ang nagpapasok sakanya France?!" Galit na tanong ni itay dito...

Humarap ako kay itay at nakita ko ang galit sa mga mata niya, napabuntong hininga ako. Buong buhay ko ay hindi ko sinuway si itay, ngayon lang...

"Itay, pasensya na po. Ako po ang nagpapasok kay Jungkook sa bahay natin, nakakaawa naman po kasi siya..." Paliwanag ko pa sakanya, at napakunot ang noo ni itay nang mapatingin siya sa balikat ko na may tattoo ng pangalan ni Jungkook! Agad ko iyong tinakpan pero agad ding inalis ni itay ang kamay ko. Kung bakit ba naman kasi nag sleeveless pa ko!

"At bakit may tattoo ka ng pangalan ng lalaking yan?! Nababaliw ka na ba Franzine?!" Hiyaw sa akin ni itay, at para akong bata na nanginginig ang tuhod. Sigurado naman ako na hindi maniniwala si itay kapag sinabi kong aksidente lang ang pagkakalagay ng pangalan ni Jungkook sa balikat ko...

"Isco! Huwag mo namang pagtaasan ng boses ang anak mo!" Pagsuway sakanya ni inay at pagkatapos ay marahas na binitawan ni itay ang kamay ko...

"Bahala ka sa buhay Franzine, sa susunod na saktan ka ulit nyan. Huwag na huwag ka na ulit lalapit sa amin ng inay mo..." Malamig na sabi sa akin ni itay at saka ako tinalikuran at lumabas ng bahay, bigla na lang napatulo ang mga luha ko. Peste kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari kapag nagmahal ako sa isang lalaki, edi sana pala binakuran ko na lang ang puso ko...

Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon