Dedicted to @xxelmusiceraxx
"BIAS- A PERSON YOU LOVE, BUT WILL NEVER BE YOURS..."
____________________________________________________________________________________Franzine's POV
Nang makarating kami sa bayad ay agad ko siyang hinatak sa peryahan, kanina ko pa pinag-iisipan kung saan ko siyang dadalhin. At naisip ko na bakit hindi na lang sa perya? Wala namang ganito sa Korea kaya okay na maranasan niya kung paano magperya diba?
"Nandito na tayo! Welcome sa peryahan!" Masayang sabi ko pa sakanya sabay taas ng dalawang kamay ko, at nakita ko naman na napangiti siya bago ilibot ang paningin niya sa paligid...
"It looks like an amusement park..." Komento niya pa bigla sa akin...
"Hindi ah! Pang sosyal lang ang amusement park! Dito mas masaya! Yun nga lang talagang sobrang daming tao..." Masayang sagot ko pa agad sakanya, namiss ko rin kasi ang pumunta sa mga peryahan...
"I see, pero sigurado ka ba na safe ang mga rides dito baby? Baka kasi mamaya mapahamak ka pa..." Parang nag-aalalang bulong niya pa sa akin...
"Hindi 'yan! Saka simula bata pa lang ako dito na kami pumupunta! Tignan mo naman buhay pa ko! Takot ka no?" Sabay ngisi ko pa sakanya...
"No way, bakit naman ako matatakot sa mga rides? I'm not J-Hope hyung..." Sagot niya ulit sa akin, pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Sabagay unang beses niya pa lang naman makapunta ng peryahan...
"Tara na? Mamaya dadalhin naman kita sa tyanggihan!" Sabay hatak ko muli sakanya...
"Tyang... What? What's that name?" Curios na tanong muli nito sa akin...
"Tyanggihan! Parang Night Market sa inyo! Kaya lang mas mura ang mga damit sa tyangge, saka marami ding street foods dun! Masarap yung mga isaw, beta max saka yung balot at penoy rin!" Parang batang kwento ko pa sakanya, then I saw amusement in his eyes...
"Okay baby, kakain tayo ng mga sinasabi mo mamaya. Para kang bata..." Tuwang-tuwa na sagot niya sa akin...
Pero agad napawi ang mga ngiti ko ng biglang may mga nakakilala kay Jungkook at agad niyang nabitawan ang kamay ko dahil sa mga humihigit sakanya...
"Wahhh!!! Sabi na nga ba ikaw si Jungkook ng BTS eh!"
"Grabe! Totoo nga yung balita na nandito ka sa Pilipinas!!!"
"Nandito din ba yung ibang members?! Gusto ko rin silang makita!!!"
"Bias ko!!! Wahhh!!! Ang gwapo-gwapo mo talaga! Kookie!!!"
"Pakasalan mo na ko please?! Wahhhh!!! My God!!!"
Samantalang si Jungkook ay nandun lang at nakangiti, oo nga pala kilalang tao ang kasama ko ngayon. Bakit ba palagi kong nakakalimutan na sobrang sikat nga pala nila Jungkook, eh ano naman ngayong ang inaarte mo Franzine?
Kasi ayokong may ibang mga babae ang humahawak sakanya! Nagseselos ako okay?! O sige na! Wala naman akong karapatang magselos, pero nagseselos pa rin ako! Napatigil muli ako sa mga naiisip, at kailan pa ko natututong magselos?
"Hey, you're spacing out..." Biglang sabi ni Jungkook sa akin, napatingin ako sakanya at nakita ko pa rin ang mga babae na nasa likuran niya. Ang ilan ay nakangiti at ang ilan naman ay umirap pa sa akin...
"Hmm... Wa-wala naman, nag-iisip lang naman ako kung ano yung una nating pwedeng gawin..." Pagpapalusot ko pa sakanya, bago umiwas ng tingin...
BINABASA MO ANG
Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)
FanficBTS Series #1: BTS Jeon Jungkook's Side Story Si Jeon Jungkook ay isa sa pinakabatang bilyonaryo sa buong Korea. He was born with a gold spoon in his mouth, lahat na ata ay nasa kanya na. Yaman, kasikatan, perpektong pamilya, mga kaibigan at kagwapu...