"Araw-araw kasama kita, araw-araw nagkikita tayo. Araw-araw pinapadama mo sa akin na mahalaga ako sayo, sana araw-araw ganito na lang tayo. Kasi hindi ko na alam kung paano mabuhay ng wala ka..."
____________________________________________________________________________________Franzine's POV
Kanina pa ako nag mamadaling maglakad at ni hindi ko pinapansin si Jungkook na kanina pa ko tinatawag, Franzine! Bakit ba ang bagal bagal mong maglakad?! Tumakbo ka! Sigaw na sabi ko pa sa sarili ko. Pero dahil nga sadyang maliit nga ako at maikli ang mga biyas ko ay naabutan ako pa ako ni Jungkook...
"Bakit ba? Nagmamadali ako, may ipapamasa pa kong report kay prof..." Dahilan ko agad sakanya ng mahawakan niya ang braso...
"Bakit ba iniiwasan mo ko? May problema ba tayo?" Napatingin ako sa mga mata niya ng malambing niya kong tinanong, putsang buhay 'to! Magbigti ka na Franzine!
"Wa-wala tayong problema ha!Pa-paano? Ma-mauna na ko!" Nauutal na sagot ko pa sakanya, at nang tangkang aalis na ko ay hinatak na naman niya ako paharap sakanya...
"Kung may problema tayo, sabihin mo naman sakin. Nahihirapan ako kapag iniiwasan mo ko, pakiramdam ko mababaliw ako..." Tuloy tuloy pa na sabi niya sa akin, aatakihin ata ako ng wala sa oras dahil sa sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko...
"A-ano, sige mauna na ko..." Sagot ko sakanya ng hindi nakatingin sa mga mata niya...
"Ito, hindi ka kumain kanina. Kaya naisipan ko na gawan ka na lang ng para sa recess at sa lunch, hindi tayo classmate ngayon. Kaya susunduin na lang kita sa room niyo mamaya, take care okay?" Sabi niya sa akin bago ako halikan sa noo...
Napatingin ako sa lunch box na inabot niya sa akin, ang sabi ko noon magugunaw muna ang mundo bago ako mainlove kay Jungkook. Malapit na bang magunaw ang mundo? Kailangan ko na bang ipaputol ang mga daliri ko?
Oo na! May gusto ako sakanya! Gusto ko lang siya! Parang crush lang! Yun lang 'yun! Hindi ako nahuhulog sakanya okay? NEVER.
Jungkook's POV
Hindi ko alam pero wala ako sa mood na mag-aral ngayon, bakit ba iniiwasan ako ni Franzine? Ayos naman kami nitong nakaraan ha? Hindi ko kaya na hindi man lang niya ko kinakausap! Masyado niya kasi akong sinanay sa kadaldalan niya!
"Hoy! Earth to Jungkook?!" Sigaw sa akin ni Suga hyung...
"Anong ginagawa niyo dito?" Bored na bored na tanong ko sakanila, bigla akong binato ni V hyung ng sapatos na suot niya na agad ko namang naiwasan...
"Kanina pa kami dito at tapos na ang klase mo! Problema mo at tulala ka?" Nagtatakang tanong nito sakin, tumingin ako sakanila at napabuntong hininga...
"Hindi ko maintindihan ang kinikilos ni amazona..." Problemadong problemadong sabi ko sakanila, agad silang lumapit sa akin at humatak ng upuan para makinig...
"Baka naman may ginawa ka na namang kagaguhan sakanya?" Seryosong tanong pa sa akin ni Rapmon hyung...
"Wala akong ginagawang kahit ano sakanya hyung, maayos na nga kami nitong mga nakaraang araw eh!" Frustrated na pagkakasabi ko sakanila...
"Bakit ba kasi apektadong-apektado ka? Ano naman ngayon kung hindi ka niya pansinin? Parang dati lang ganyan naman kayo ha? Mas madalas pa nga kayong mag-away kaysa magpansinan..." Naguguluhang tanong sa akin ni Jimin hyung...
Bakit nga ba apektadong-apektado ako ngayon sa pagtrato niya sakin?
"Hindi ko alam hyung..." Tanging naisagot ko na lang sakanila, napatingin ako kay Jin hyung ng tapikin niya ko sa balikat...
BINABASA MO ANG
Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)
FanficBTS Series #1: BTS Jeon Jungkook's Side Story Si Jeon Jungkook ay isa sa pinakabatang bilyonaryo sa buong Korea. He was born with a gold spoon in his mouth, lahat na ata ay nasa kanya na. Yaman, kasikatan, perpektong pamilya, mga kaibigan at kagwapu...