"Sa dami ng tao sa mundo, hindi mahirap maghanap taong mamahalin. Alam mo kung anong mahirap hanapin? Yung taong deserving..."
____________________________________________________________________________________Franzine's POV
"Ano magtitinginan na lang ba tayo dito?" Parang masungit na tanong pa sa akin ni Gail, ano ba kasi! Ayokong pumayag pero may parte sa akin ang nanghihinayang. 600,000 won, kung tutuusin ay pwede na kong hindi mag trabaho nun...
"Since ayaw niyo ata ng offer namin ni Gail sa inyo, ayos lang. Parang sinabi niyo na din na kaya ayaw ninyong pumirma ay dahil natatakot kayong aminin sa isa't-isa na may feelings na kayo..." Parang gatol pa ni Jedrick sa amin...
"Okay, maiwan na namin kayo sister! Bye!" Paalam pa ng dalawa pero agad hinatak ni Jungkook sa kamay ni Gail ang papel at ballpen at pumirma dito...
"Ayan na pumirma na ko..." Sabay balik niya ng papel sa dalawa na hindi makapaniwala, kahit ako rin naman ay hindi makapaniwala. Pumirma siya? Bakit?
"Saglit nga lang! Bakit ka pumirma?! Nababaliw ka na ba?" Nagtatakang tanong ko lang sakanya, pero sinamaan niya pa ko ng tingin na parang sinasabi niya sakin na ang tanga ko at ang hina kong maka gets...
"Pwede bang iwan niyo muna kami? Mag-uusap lang kami ni Franzine..." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng tawagin niya sa unang pagkakataon ang pangalan ko, madalas kasi ay Ms. Gomez o kung ano anong pambwisit na tawag ang sinasabi niya sakin...
Umalis naman ang dalawa pero hindi nakaligtas sa akin ang pagngiti ni Gail, kung ano ano talaga ang naiisip ng babaeng yun...
"Ano? Bakit ka pumirma? Di mo ba nakita blanko lang yung papel, paano kung ano pala yun?" Tanong kong muli sakanya...
"Hindi ko alam kung nagmamaangmaangan ka lang o sadyang wala kang alam, 600,000 won ang kapalit nun tapos tatanggi ka pa? Saka may tiwala ako sa kapatid ko, kung ang pagpapanggap lang pala ang kailangan nating gawin para makuha yung pera bakit hindi?" Paliwanag niya pa sa akin...
Sabagay hindi na siguro sakanya mahirap ang pagpapanggap...
"Ganyan ka na ba talaga kadesperadong makakuha ng pera?" Nagtatakang tanong ko sakanya, jusko naman kasi! Ang yaman yaman ng lalaking 'to pero sabagay ikaw ba naman ang putulan ng allowance at credit card ng mga magulang mo...
"Di ka ba talaga nag-iisip? Makinig kang mabuti Ms. Gomez, sobrang dali lang ng gagawin natin. Aarte lang tayo na as couple sa harap ng maraming tao, pero of course kapag tayong dalawa na lang. Pwede na tayong hindi magpansinan, tatlong buwan lang naman hindi naman mahirap yun. Kailangan ko ng pera at ikaw kailangan mo ng scholarship mo, kaya ano payag ka na ba?" Muling paliwanag na naman niya sa akin bago ako tinitigan na malalim, agad akong napaiwas sa mga tingin niya Lord naman! Bakit ba ang gwapo ng lalaking 'to?
Wait! Sinabi ko ba na gwapo siya? Oh no Franzine! Naduduling ka lang!
"Sige basta hati tayo sa pera ha? Tig 300,000 won tayo ha? Loko ka pag ako inutakan mo hahampasin talaga kita ng combat shoes!" Banta ko pa sakanya...
"Oo nga, you have my words Ms. Gomez. Ano puntahan na natin sila?"
Tumango ako sakanya at sabay kaming nagpunta sa Gym kung saan nandun sina Jedrick at Gail...
"Pumapayag na ko..." Bungad ko sakanila, pagkatapos ay agad kong kinuha ang blankong papel at pumirma din rito...
"Okay! Saglit lang! Mag-intay lang kayo dyan ha! Saglit na saglit lang talaga 'to!" Sabi pa sa amin ni Gail at sabay silang tumayo ni Jedrick at umupo muna ako sa may court...
BINABASA MO ANG
Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)
FanfictionBTS Series #1: BTS Jeon Jungkook's Side Story Si Jeon Jungkook ay isa sa pinakabatang bilyonaryo sa buong Korea. He was born with a gold spoon in his mouth, lahat na ata ay nasa kanya na. Yaman, kasikatan, perpektong pamilya, mga kaibigan at kagwapu...