BC: Chapter 13

173 12 18
                                    

"Alam mo ba yung salitang pagmamahal? Hindi ko yan pinag-aralan, pero sayo ko yan natutunan..."
___________________________________________________________________________________

Franzine's POV

"Anak, sigurado ka ba na kaya mo nang mag-isa yan?" Tanong pa sa akin ni inay, habang naggagayak na para sa pagpunta sa palengke...

"Opo nay, ako na pong bahalang maglako ng kamote. May ipapagawa pa po ba kayo?" Tanong ko pa ulit rito...

"Heto ang mga listahan ng mga may utang sa atin ng isda, singilin mo na rin sila anak..." Sagot sa akin ni inay, bago nagpaalam at umalis...

Binuksan ko ang cellphone habang nagluluto at hindi ko napigilan na hindi mapasayaw, kaya naman habang nagluluto ako ay kumekenbot-kenbot ako. Pero napatigil ako sa pagsasayaw ng bigla may pumalakpak sa likod ko...

"Grabe ate ang galing mo talaga!" Nang-iinis na sabi pa ni Francis sa akin, kaya tinignan ko siya ng masama at nakita ko na katabi lang niya si Jungkook na ngayon ay parang nagpipigil pa ng pag ngiti...

"Hoy Francis! Doon ka nga! Sumbong kita kay itay dyan eh!" Naiinis na sigaw ko pa sakanya...

"Ano na naman ang ginawa ko sayo ate? Nahihiya ka lang kasi nandito si kuya Jungkook..." Nang-aasar pa rin na buyo niya sa akin...

"Dun ka na nga! Bwisit na 'to!" Sabay bato ko pa sakanya ng tsinelas na agad niyang nailagan...

Nang makaalis na si Francis ay agad akong tumalikod muli kay Jungkook, kainis naman kasi! Nakita mo nang may bisita ka sa bahay ninyo tapos sasayaw-sayaw ka dyan!

"Ang sexy mo pala kapag sumasayaw ka..." Narinig ko pang komento ni Jungkook sa akin...

"Pwede ba? Laitin mo na lang ako kung lalaitin mo ko, hindi yung nangbwibiwsit ka pa dyan..." Mataray na sagot ko pa sakanya, sa totoo lang ay hiyang hiya talaga ako sakanya...

"Bakit naman kita lalaitin? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ha, kahit na payatot pala pwedeng maging sexy..." At alam ko na sa pagkakaton na 'to ay nakangisi na ang damuhong 'to ngayon...

"Alam mo ang ya---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong humarap sakanya at nakita ko na sobrang lapit namin sa isa't-isa!

Jusko po! Konting galaw na lang at maglalapat na ang mga labi namin, bigla akong napatitig sa mga mata niya. Heto na naman yung nakakadala niya mga mata...

Ni hindi ko alam kung bakit hindi ako makaiwas ng tingin sa mga mata niya, bakit ba nagkaka ganito ang sistema ko pag dating kay Jungkook? At mas lalong hindi ko na intindihan ang sarili ko ng bigla ko na lang ipikit ang mga mata ko at inaantay na lumapat ang labi niya sa labi ko...

And Jungkook didn't disappoint me, when I felt his lips touch mine I feel like I'm in a Cloud 9. He bit my lower lip and I started to moaned, nawala ata lahat ng kahihiyan ko sa katawan ko ngayon. Pero natigilan lang ako ng may maamoy akong nasusunog...

"Oh sh*t!" Mahinang mura ko ng makitang nasusunog na ang camote que, yari ako kay inay neto!

"Sh*t, sh*t, sh*t!" Sunod-sunod na mura ko at natigilan ako ng biglang may humawak sa magkabilang balikat ko...

"Wala na yan, sunog na..." Bulong pa ni Jungkook sa akin, bakit naman kasi nakalimutan ko na may niluluto ako?

"Eh paano na yan? Yari ako kay inay pag nagkataon..." Parang batang sumbong ko pa sakanya, pinihit niya ko paharap sakanya at siya na rin mismo ang nagpatay ng kalan...

Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon