"Hindi lahat ng tawa ibig sabihin masaya ka na. Minsan, tumatawa ka na lang para makalimutan ang sakit na pinadama niya..."
____________________________________________________________________________________Franzine's POV
"Jungkook! Ang tagal mo naman!" Sigaw ko pa sakanya mula sa kwarto, paano ba naman siya ang nagsabi sakin na sabay na daw kaming pumasok. Pero eto at malelate na kami dahil sa kabagalan ng lalaking 'to...
"Eto na, ano tara na?" Tanong niya pa sa akin bago kunin ang bag ko at alalayan akong sumakay ng kotse niya...
Saglit nga, bakit mukhang good mood 'tong lalaking 'to ngayon? Di kaya sinasapian na 'to ng masamang espirito? O baka naman naumpog na 'to kung saan...
"Hoy, ayos ka lang ba? Bakit bigla ka atang bumait dyan?" Nagtatakang tanong ko pa sakanya...
"Bakit? Ayaw mo ba? Buti nga bumait ako sayo eh! Wag ka na nga lang makialam dyan!" Naiiritang sagot na naman niya sakin...
"Bakit ba? Nagtatanong lang naman ako ha? Ang init na naman ng ulo mo dyan!" Sagot ko rin pabalik sakanya...
"Mas mabuti pa na wag ka na lang magsalita dyan..." Masungit na naman na sabi niya, bwisit na 'to. Kung makapag sungit naman akala mo naman eh napaka gwapo niyang tao...
Pagdating namin ng University ay parang ayoko na atang bumababa, sino bang gusto? Maraming babae ang nag-aabang kay Jungkook at sigurado akong kapag nakita ko ng mga babaeng 'to eh baka mapadali ang buhay ko ng wala sa oras...
"Ano pang tinatanga mo dyan? Bumababa ka na kaya?" Sabi niya pa sa akin ng pagbuksan niya ko ng pinto, psh! Pakitang tao naman 'to...
"Ayoko ngang bumababa, bakit hindi ka na lang kaya mauna?" Tanong ko pa sakanya...
"Bumababa ka na dyan pwede? Wala naman silang gagawin sayo, saka kung meron mang mantritrip sayo. Mas mainam yun diba? Makikita kitang pinagtritripan amazona..." Nakangising sabi niya sa akin...
"Bakit naman ako papayag na pagtripan ng mga fans niyo? Psh, lumayas ka dyan sa harapan ko at kaya ko ang sarili ko..." Sabay tabig ko ng kamay niya bago tuloy tuloy na bumababa...
Bwisit na yun! Akala naman niya papatakot ako sa mga fans nila? Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin kaya naman nilingon ko ito at muli ko na naman nakita yung lalaking medyo matangkad na may kulay orange na buhok, Jimin ata yung pangalan niya?
"Hi miss beautiful! Gusto mo sabayan na kita sa paglalakad? Ako nga pala ang si Park Jimin! Pero dahil maganda ka, Chimchim na lang ang itawag mo sakin!" Nakangiting sabi pa nito sakin...
"Jimin hyung, back off. Wag mo ngang akbayan yung girlfriend ko, dun ka..." Sabay tulak sakanya ni Jungkook sa lima pa na nasa likod namin...
"Ang possessive naman ng maknae namin! Ikaw ha, totohanan na ba yan?" Biro pa sakanya ni J-Hope...
"Kailan ba ko di nagseryoso sa babae?" Nakangising tanong niya sa mga ito, bago ako hapitin sa beywang. Agad kong tinampal ang kamay niya, sumosobra eh!
"Baby naman! Ang sadista mo talaga, inaakbayan lang kita eh..." Sabay tawa niya, pero nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sakin...
"Makisakay ka na lang okay? Tandaan mo yung rule #3 at 8..." Mahinang bulong nito sa akin...
Oo nga pala yung be sweet to each other sa public at yung bawal itago ang relasyon sa harap ng maraming tao, leche bakit ba kasi pumirma pirma pa ko sa kontratang yun eh!
BINABASA MO ANG
Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)
Hayran KurguBTS Series #1: BTS Jeon Jungkook's Side Story Si Jeon Jungkook ay isa sa pinakabatang bilyonaryo sa buong Korea. He was born with a gold spoon in his mouth, lahat na ata ay nasa kanya na. Yaman, kasikatan, perpektong pamilya, mga kaibigan at kagwapu...