"To you, I'll always just be another fan girl in the sea of millions. Another fan girl in the crowd, you may not know about me. Not even my name, my favorites or even the food that I like. You might just smile when you see me, but for me that will be the most unforgettable day in my life. I might not be that important person for you, maybe someday you might forget about me. But for me, I will never forget even a little details about you. You've been my inspiration, you always makes me smile when I felt so tired. I might never be your world, but for me you will always be my world. Thank you for everything :)" -My quote for my husband Jinnie! (Ayieee! Drama ko! Hahahaha I love you Seokjin!)
____________________________________________________________________________________Franzine's POV
"Anak, anong plano niyo ngayon ni Jungkook?" Tanong sa akin ni inay, nang makauwi na kami. Nga pala nanalo ako kanina sa paligsahan at may nag-aalok pa sa akin na maging isang singer daw sa ibang bansa, pero tinanggihan ko. Mas gusto kong makapagtapos ng pag-aaral kaysa mag-artista...
"Maghahanap na lang po ako ng scholarship sa Korea, sapat pa naman po yung ipon ko para makabalik ng Korea..." Mahinang sabi ko kay inay, bago ngumiti...
"Sigurado ka ba anak?" Nag-aalalang tanong sa akin ni inay...
"Opo nay, saka mahirap po kasi kapag dito pa ko nag-aral. Paano na lang po yung mga requirements na kailangan..." Sabay buntong hininga ko pa, mamimiss ko naman talaga sina inay eh. Pero wala akong magagawa, kailangan kong mag-aral...
Hinalikan lang ako sa noo ni inay at pumunta sa may cabinet at may kinuha na pera...
"Nay?" Nagtatakang tanong ko pa sakanya nang iabot niya sa akin ang pera...
"Idagdag mo sa naipon mo anak, tutal ay maayos naman ang kita ng itay mo..." Nakangiting sagot pa nito sa akin...
"Nay' ayos lang naman po kung sa inyo na 'to..." At nang tangkang ibabalik ko na sakanya ang pera ay agad niya kong pinigilan...
"Anak, ayos lang. Basta mag-iingat ka dun ha? Saka alam naman namin na nandun si Jungkook para alagaan ka..." Nakangiting sabi pa nito sa akin na ikinangiti ko din...
Ang sarap lang sa pakiramdam na boyfriend ko na si Jeon Jungkook...
Jungkook's POV
"Kuya! Congrats sa inyo ni Ate ha!" Masayang bati pa sa akin ni Francis habang tinutulungan ko siyang mag-igib...
"Salamat Francis..." Nakangiting sagot ko sakanya at agad niya kong tinapik sa balikat...
"Basta kuya, ingatan mo si ate Franzine ha. Kapag 'yun pinaiyak mo ulit, ewan ko na lang..." Panbabanta niya pa sa akin na ikinangiti ko pa, kahit naman inaasar-asar lang niya si Franzine ay halata pa rin na protected siya dito...
"Hinding-hindi na mauulit 'yun Francis, pangako..." Sabi ko pa sakanya ng deretso, maya-maya pa ay dumating ang Tay' Isco...
"Francis, tulungan mo si France dun na mag-urong..." Utos niya pa kay Francis na agad namang sumunod...
"Jungkook, pwede ka bang maka-usap sandali?" Kalmadong tanong pa nito sa akin, agad akong tumango at pumunta kami sa isang upuan dun na nasa ilalim ng puno ng mangga...
"Bukas na kayo babalik sa Korea, sana alagaan mo ang anak ko. Mahal na mahal ko ang batang 'yan at hindi lang talaga ako sanay kapag aalis na siya. May tiwala ako sayo Jungkook, nakita ko sa mga mata mo 'yung paraan nang pag tingin ko sa asawa ko. Mahalin mo siya at wag mong lolokohin, kung hindi iitakin talaga kitang bata ka..." Kalmadong banta niya pa sa akin, agad akong tumango sakanya at nakita ko ang pag-ngiti niya...
BINABASA MO ANG
Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)
FanfictionBTS Series #1: BTS Jeon Jungkook's Side Story Si Jeon Jungkook ay isa sa pinakabatang bilyonaryo sa buong Korea. He was born with a gold spoon in his mouth, lahat na ata ay nasa kanya na. Yaman, kasikatan, perpektong pamilya, mga kaibigan at kagwapu...