BC: Chapter 11

159 13 17
                                    

"I'm selfish, impatient and a little insecure. I make mistakes, I am out of control and at times hard to handle. But if you can't handle me at my worst, then you sure as hell don't deserve me at my best..." -Marilyn Monroe
____________________________________________________________________________________

Franzine's POV

"Ladies and gentlemen we are about to land in the Philippines, so please fasten your seat belts. Thank you and have a good trip..." Agad akong napatingin sa bintana ng makita kong pababa na ang sinasakyan naming eroplano, halos apat na araw rin akong nanatili sa embahada at naghintay bago makauwi...

Nakauwi na ko, hindi ba dapat ay masaya na ko? Makakasama ko na ulit sila inay, baka nga hindi sa Korea ang tadhana ko. Pero para akong tanga na ni wala man lang akong maramdamang saya ngayon, bakit ganun? Bakit pakiramdam ko hindi ako kompleto ngayon?

Napailing na lang ako sa pinag-iisip ko at pilit inalis sa isip ko ang lalaking yun. Pagkatapos kong makuha ang bagahe ko ay pilit akong ngumiti habang lumalabas ng Kim International Airlines...

Jungkook's POV

"Matagal pa ba?" Naiinip na tanong ko kay Jin hyung...

"Teka lang kaya diba? Inaantay ko pa yung e-mail, kumalma ka nga dyan..." Sabay balik ng tingin nito sa laptop niya...

Kaya naman kaysa madaliin ko na naman siya ay umupo na lang ako at nag-isip, tangina apat na araw na kong nababaliw dito kung paano ko hahanapin si Franzine...

"Eto na, kaninang 6:00 AM nakapag land na sa Pilipinas ang eroplanong sinasakyan niya. Ano na nang plano mo?" Tanong pa nito sa akin...

"Plano? Ano pa ba? Edi susundan ko siya sa Pilipinas..." Sabay tayo ko kaagad, kailangan ko siyang makita. Damn it! Kailan pa ko naging ganito kadesperado para sa isang babae?

"Tsk, para ka kasing gago eh. Pag nalaman ni appa na pinakealamanan ko ang e-mail account niya, ikaw talaga ang isasabihin ko. Lumayas ka na nga dito..." Pagtataboy muli nito sakin, pero agad ko siyang nilapitan ulit ng may naisip muli ako...

"Jin hyung, pwede bang ilagay sa airport ninyo yung private plane ko? Para mapabilis yung pagpunta ko dun, saka ikaw na din ang magsabi kayla PD- Nim at kayla Manager noona..." 

"Oo na! Sige na at lumayas ka na! Pasalamat ka at hindi ako kagaya ni Suga!" Sabay bato nito sakin ng isang black card...

"Ano namang gagawin ko dito?" Nagtatakang tanong ko pa sakanya...

"Gago ka ba? Card mo yan diba? Pupunta ka ng ibang bansa ng wala kang pera? Umalis ka na nga, may gagawin pa ko!" Pagtataboy na naman nito sakin...

"Sige, Saranghaeyo hyung!" Sabay ngisi ko pa sakanya bago ako lumabas ng pinakamamahal niyang kusina...

Bago ko tumuloy sa airport ay tinawagan ko muna si Suga hyung, I need his help too...

"Siguraduhin mo lang na may maibibigay ka saking pera pagkatapos nito, Sa Visayas Avenue malapit dun yung Mariveles sa Pangasinan..." Salubong niya agad ng tawag ko...

"Magkano?" Tanong ko pa sakanya...

"Dahil mabait ako ngayon, 800,000 Dollars. Itransfer mo sa account ko, sige bye na..." Sabay baba nito ng telephono niya...

Papaalis na sana ako ng biglang nag text sa akin si V hyung...

"Hey Jungkookie! Napadala ko na kay Jimin hyung yung kotse mo sa barko, makakarating yun sa Pilipinas within an hour. And yung mga butler nina Rapmon hyung at J-Hope hyung daw yung maghahatid sayo sa Pangasinan, good luck dude! Love- Ang pinakagwapo mong bestfriend" 

Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon