Hello po my dear readers!! I'm really sorry for the SUPER LATE update..
naging busy po masyado sa studies.. Third year na ee. At tsaka, working scholar na ee.
Anyways, di ko kayo bibiguin ngaun :) 'll post a chapter every two weeks :))
--
[ Carla's POV ]
"Oh? Ano ng nangyari sa Carlang palaban dati? Tameme ka na lang ngayon? Akala mo anghel ako? May sungay din ako girl, pareho lang tayo."
"France, ano bang pinagsasasabi mo.. Di ka naman ganyan aa."
Di ko na talaga napigilang umiyak. Di ko akalain na masasabi ni France yang ganyang mga bagay. Di na siya yung dating France na kilala ko. I never expect her to do such things.
"Huh. Bat di mo ilabas ngayon yang tapang mo? Natatakot ka bang makita nung dalawang lalaking nilalandi mo?"
PAAK!!
"Carla!"
"Ghe?"
France started to cry at tumakbo siya palapit kay Gerald. I don't really know what to say that time. I was stucked there and can't even move my lips. Then narealize ko na lang na nag-iisa na lang pala ako dun.
Kung anu-ano na naiisip ko that time at feeling ko magkakaemotional breakdown ako. This might be the worst nightmare I never thought would come.
--
"Carla! Hey! Carla!"
"She'll be fine. Stressed lang siguro siya. She needs a rest."
"Sige po. Thanks."
"Sayang at hindi siya nakasali sa play. But I guess it turned out nice naman kahit na-omit ung isang scene."
Play? Stressed?
What happened? Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko mahabang panahon akong nakatulog. Ano ba talagang meron?
"Carla! How do you feel? Ano bang nangyari kanina?"
"Ha? Anong nangyari? Ano nga bang nangyari? Tsaka, bakit nasa clinic ako?"
"I found you sa school ground. Hinimatay ka dun. Buti na lang at nadala kita dito, nakapagpahinga ka ng maayos."
"Hinimatay ako?! Teka, anong oras na ba?"
"5:00pm. Ihahatid na kita sa inyo.
Sabi ng school doctor kulang ka raw sa tulog. Sabi ko naman sayo wag mo munang isipin yung nangyari diba?"
Kakaiba yung tingin niya sakin. Para siyang galit na sobrang concerned. Pero parang hindi nagpprocess sa utak ko yung sinasabi niya. Medyo Naguguluhan ako.
"Hindi ka pwedeng magkasakit lalo na ngayong malapit na yung final exams."
"Bakit di niyo ko ginising?! MAghapon ako dito? Anong nangyari sa play? Si France? Gerald? Answer me Daniel!"
"Easy ka lang. I don't know what happened okay?
First of all, tapos na yung play kanina pa. Ok naman kahit wala na yung scene mo so you need to worry about it. And regarding the two..
Wait, you should be the one to tell me what really happened."
Then tsaka ko naalala ang nangyari kaninang umaga. Narealize ko na wala palang alam si Daniel. Bigla ko na lang siyang iniwan tapos sia pa pala ang magdadala sakin sa clinic.
Ang rude ko. I should thank him.
Kinuwento ko naman sa kanya kung ano talaga ang nangyari. Sa side niya naman, nakasalubong niya raw si France at Gerald nung palabas siya ng room and Ghe told him kung nasan ako.
"Bilisan ko nga daw sabi niya, kasi baka daw may mangyari sayo."
After nung mahaba-haba naming usapan, nagpaalam na kami sa doctor at sa nurse na uuwi na ako. Pinakiusapan naman nila si Daniel na kung pwede raw eh ihatid niya ako sa bahay. Ok naman kay Daniel since gusto niya rin naman.
Hindi na siya nagtagal pa samin at umuwi rin agad. Kung anu-ano pa ngang binilin sakin bago umalis.
"Matulog ka ng maaga ok? Sabi ko naman sayo wag ka munang masyadong mag-isip. Tutulungan naman kita eh."
"Thanks Daniel. I owe you alot."
Nagwave lang siya sakin then umuwi na siya.
Pagpasok ko sa bahay di naman na nagtanong ng kung anu-ano sina Mommy at Daddy. Alam ko namang halata na mukha akong problemado, but I think they choose not to ask.
Kumain naman ako pero konti lang. Nagpatimpla ako ng gatas kay Mommy. I think it will help me calm myself.
Inakyat ko yung milk sa kwarto ko at dun ako nagsimulang magmuni-muni. I checked my phone's gallery. Puro pictures namin ni France.
Even yung bulletin ko sa bahay, yung nakita ni Daniel nung umakyat siya dito, puro kami. Mga pictures namin since we we're kids.
Her smile is so sweet, charming.. So innocent.. Di niyo 'ko masisisi why I can't believe she has done such things.
I don't want to end up our friendship. KAhit anong mangyari, kailangan kong ayusin 'to.
Si France lang ang naging kaibigan ko ever since. Sa totoo lang may attitude talaga ako dati kaya walang gustong makipagkaibigan sakin maliban sa kanya. Palaban talaga ako nun ee. Pero lately alam kong malaki ang pinagbago ko. Malaking malaki. Pero hindi naman nabago ang social life ko. Loner parin ako.
Pero noon mayroon akong bestfriend na laging nandyan sa tabi ko. I needed no one but her before. Pero ngayon, ganito na kami.
What am I supposed to do? France, do you intend what you did? Dahil ba 'to sa ginawa kong pag-iwas sayo noon? France.. Tell me France..
I don't care kung final exams na in two weeks.. I just wanna get Frace back..
---
Done na rin sa wakas..
haaay. Antok na po ako.
And just as I promised :)) After my exams :))
Hala!! Hindi po tibo si Carla ahh.. Ganyan talaga ka-OA minsan pag wala kang ibang friend..
May nakakarelate ba??
Next week na lang po yung next chapter aa??
Comment na rin po kayo :)) Para po sa improvements :)) Thanks.
Mwahh..
BINABASA MO ANG
Shuffle
No FicciónShuffle *** Alam mo yung super nag-eeffort ka? Tapos di naman pala magiging sayo? Nakakaasar diba? Yung ginawa mo na lahat para sa kanya pero di niya pansin? Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Parang yung kwento ko. Yung tipong binigay ko na lahat...
