***2***
Dumaan kami sa office ng department namin para mag-attendance then dumeretso kami sa congregating area.
Nanood kami ng mga activities. Pati pageant pinanood namin. Ginabi na nga ako but thanks kay Daniel, hinatid pa niya ako sa bahay namin.
Pinalit ko yung roses sa flower vase ng study table ko. Kahit papano, naging peaceful ang tulog ko nung gabing yun.
The next days si Daniel lagi ang kasama ko. Si France naman napansin ko rin na lagi niyang kasama si Gerald.
Di ko alam kung nagtetext pa ba sila sakin dahil nagpalit na 'ko ng sim. Si Daniel lang ang nakakaalam ng bago kong number sa buong section.
Daniel is a kind and smart guy. Ang sipag niya rin, dahil may part time job siya every Saturday. Nagdodorm lang siya malapit sa school. Di naman siya self supporting dahil regular naman na nagpapadala yung parents niya na both nasa ibang bansa.
Nakakatuwa naman siyang kasama, yung feeling na walang araw na di niya 'ko napapatawa. I could fall for him, sa sobrang caring and understanding niya. I almost forgot about Gerald ng dahil sa kanya.
Nalayo na talaga ako sa ibang classmates ko nun, but it doesn't matter dahil nga kay Daniel. Yung tipong ayokong mahiwalay lagi sa kanya. Tulad na lang nung isang activity namin.
Gagawa kami ng journal sa Sociology by pairs. About family yung journal na yun. Mag-iimbento lang naman ng family tapos may kung anu-anong ilalagay.
Ginroup kami ng class representative then supposed to be Ghe is my partner. Umiyak talaga ako at nakiusap na makipagpalit sa iba, kaya lang kahit anong sabihin ko ayaw niya talaga.
Lumapit si Daniel and told me,
"Don't worry princess, we'll be partners. Ako'ng bahala."
Ewan ko kung anong ginawa niya. Basta naging partner ko talaga siya. Super natuwa ako nun. Alam mo yung gusto kong kiligin pero pinipigilan ko.
Ayokong maulit uli yung kay Ghe. Ayokong mag-assume. It would be better if I see him as a friend.
Ayokong maging love interest si Daniel. Ayoko kasi ng rejection. Mabait lang talaga siya, and nothing more. Di ko dapat bigyan ng meaning yun.
Nagpapakanega lang naman ako. Pero wala din yun.
Weekend nung biglang nagyaya si Daniel na sumama ako sa province nila, two hours travel galing samin.
Sabi niya maghapon lang naman daw kami dun kaya pumayag na ako.
Well natulog lang ako sa byahe, then pagdating namin sa kanila, parang nashock ako na ewan.
Ang ganda kasi ng view, refreshing yung place. Medyo malayo sa kabihasnan. Province na province.
Nagpahinga kami saglit sa bahay nila, naglunch, then niyaya niya ako na pumunta sa batis.
Kaya pala pinagdala niya ako ng extrang damit, kasi maliligo kami sa batis. Akala ko nga isasama niya yung mga pinsan niya, pero kami lang pala. Tapos habang naliligo kami ang dami niyang inalok sakin.
Una umakyat siya ng mangga, kinain namin ng di binabalatan. Sabagay bagong pitas naman.
Umakyat din siya ng buko, humigop kami ng sabaw nun. Nakakatuwa nga kasi yung meat kinamay lang namin. Ewan ko nga kung pano ko nagawa yun.
Umakyat din siya ng makopa at namitas ng bayabas.
Alam mo yung feeling na parang sa gubat kayo nakatira?
Super naenjoy ko talaga yung mga pinaggagagawa namin dun. Then maya-maya sinundo na kami ng pinsan niya na di ko naman nakita sa bahay nila kanina.
'Kuya Daniel, naluto na. Happy birthday nga pala.'
Birthday niya? wehh? Wala akong alam. Kaya pala.
'Daniel, birthday mo pala? Happy birthday.'
'Haha, thanks.'
'Di mo man lang sinabi. Di tuloy ako nakapagprepare ng gift.'
'To have you celebrate with me is more than enough a gift.'
'What?'
'Nevermind. Tara, kain na tayo?'
'Ok.'
Parang di ko na talaga mapigilan ang sarili ko na mafall sa kanya. Sa sweetness ba naman na pinapakita niya. Well, bat ba di ko pagbigyan ang sarili ko? Sabi nga diba love is sweeter the second time around? But, no, Carla, huwag kang masyadong padalos dalos. Baka nadadala ka lang ng sitwasyon.
So ayun, bumalik na kami sa bahay nila. kumain muna kami before magpalit ng damit. After namin kumain, namasyal kami sa palayan.
For the first time ang tahimik namin pareho, as in wala akong mahugot sa utak ko na pwede naming pag-usapan.
Malayu-layo na yung nalakad namin nung nagsalita siya.
'Carla, are you trying to avoid Gerald? Or, should I ask, do you still love him?'
Medyo nagulat ako sa tanong niyang yun. But I do know how to answer him.
'Actually, medyo nakakalimutan ko na yung feelings ko sa kanya. Parang wala na nga sakin pag naririnig ko yung name niya.'
'Really?'
'Yah, why ask?'
'uhm.. Wala lang.'
Pagkatapos nun ang tahimik na naman namin. Then we reach a field of flowers and fruits. May mga tagak na bumaba dun. Dun na siya nagsalita ulit. Sabi niya talaga daw'ng may mga tagak na bumababa dun. Ang dami niyang pinakita sakin dun sa place na yun.
'Dito ako naglalakad lakad pag nalulungkot ako. I wanna share this place with you, so, kung nalulungkot ka, we can come here anytime.'
I don't know how should I interpret his acts. Well I don't even know if I would interpret it or not. And since nung araw na yun, halos lahat na ng kilos niya pinapansin ko.
Hindi kaya na fall na 'ko kay Daniel? It could be. He added colors to my life, and saved me from a tragic chapter of my own story.
I wish it would stay like this forever. I won't assume na he does feel the same way for me. Even if we remain friends until the end, that'd be enough for me. Enough that I have someone who cares for me. A friend that is always there for me.
Yeah, a friend. I think I'm now falling in love with a friend. But this time, I won't assume anything. Kung close kami ngayon, eh di masaya. He doesn't need to know. This is enough. And as I said, ayoko siyang maging love interest. I really wanted to keep him as a friend.
The next days medyo naging busy na ang class dahil finals na. Maraming projects and activities na kailangang tapusin so medyo nakakastress din. Hindi lang kasi paper works, may school presentations and stage play din. Obviously, pag may stage play kami, si Gerald and Daniel ang pagpipilian for the lead roles.
If I remembered it correctly, si Daniel ang gumanap na prince ng klase nila for stage play ng Sleeping Beauty last year, pero ung princess di namin classmate ngayon. I thought he'll accept the role, but he didn't. He gave it to Ghe.
'Hey, why did you turned it down?'
'I'll just help you making the script. Will you allow me?'
'Sure, pero pano yung classmates natin? Baka magalit sila.'
'Ok lang yun, nandyan naman si Ghe eh. Tsaka ayaw mo yun? Magkasama parin tau. Haha.'
'Baliw, kahit naman maging character ka ng story magkasama parin tayo sa practice.'
'It's not what I mean. Uh, nevermind.'
Nakakaloka. Di ko na talaga alam kung anong tumatakbo sa isip niya. But anyway, I'm enjoying this. This chapter of my life is turning out to be a better story than the previous one.
BINABASA MO ANG
Shuffle
Non-FictionShuffle *** Alam mo yung super nag-eeffort ka? Tapos di naman pala magiging sayo? Nakakaasar diba? Yung ginawa mo na lahat para sa kanya pero di niya pansin? Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Parang yung kwento ko. Yung tipong binigay ko na lahat...