Ch. 13 -- Popularity

45 1 0
                                    

“This is your very first day on duty and you’re late? And you’re telling me na sumama ang pakiramdam mo so you have to stay in the clinic? O baka naman tinatamad ka lang so you’re making an excuse? Ayokong ng ganyang mga reasoning niyo. It is your responsibility as an SA, to take care of your health so that you can perform well on your duty. I was told that you are under an observation for your admittance as an academic scholar, but it doesn’t mean that I will be giving you a special treatment. Kung unang araw mo palang ganyan na, pano pa kaya in the long run?”

“Sorry po ma’am.”

“You may now get out. I think you know your lesson. This should not happen again. Ok?”

“Yes ma’am.”

Nakakainis talaga. Hindi na ako naka-attend ng 1st day of class, nalate pa ako ng isang oras sa duty ko. Hindi ko naman kasi akalaing bigla na lang akong hihimatayin kanina. Kumain naman ako, di naman ako pagod, but why?

Pagkalabas ko ng office ng chief librarian eh kinuha ko na yung SA ID ko and pinned it on my blouse. Nag-ikot ikot na rin ako nun. Ang gagawin ko lang naman eh shelve books, mag-shelf read, mag-ayos ng mga upuan, entertain student’s queries, at gawin kung may ipinapagawa ang librarian. Medyo nafamiliarize ko naman na ang sarili ko kagabi sa library. Yung 6th floor, theses, periodicals, review materials, reference books, fiction and multimedia ang meron. Dito naman sa 5th floor, general circulation at Filipiniana section. Hiwahiwalay naman ang books dito sa 5th floor per department. Engineering and Architecture, Business Education and Accountancy, Hospitality Management and Tourism, Education, Political Science, Communication, and Information Technology. May mga computers naman with OPAC (Online Public Access Catalog). Hightech ang Library dito. Sosyal.

Kaya nga nung may mga 1st years na nagtatanong sakin kanina kung saan makikita yung ganito at ganyang book, hindi naman ako nahirapan. Pinag-aralan ko na rin kagabi kung paano gamitin ang OPAC kaya tinuruan ko rin sila. Madali kasing maghanap gamit yun. Ittype mo lang yung keyword o mismong title ng book tapos lalabas na dun yung call number ng book tsaka kung saang section siya makikita. Di naman ako masyadong nahirapan nun kasi disciplined naman yung mga estudyante dito. Marunong naman silang magbalik ng mga librong kinukuha nila sa shelves. Nung tiningnan ko naman yung mga cart eh wala namang books na kailangang ishelf. Medyo naduduling nga lang ako sa pagsheshelf read kasi kailangan naka-ayos talaga yung mga libro. Una kasi sa shelves eh yung 5 years recency, tapos yung 1990-2008, then yung 1989 pababa.

Four hours and duty ko sa library everyday. Ngayon, dapat 1-5pm ang duty ko. Since nalate ako ng almost one hour, extended yung duty ko hanggang 6pm. Buti na nga lang isang oras lang akong nalate eh, kasi hanggang 8pm lang nagseserve ng free dinner sa cafeteria sa dorm.

Nakapaglunch naman ako kanina. Nung nagising kasi ako sa clinic may binigay na pagkain yung kambal sakin. Bumili sila sa school cafeteria after ng klase, tapos binalikan nila ako. Yung clinic naman eh within the school ground kaya hindi rin malayo-layo sa building 4. Nung natapos akong kumain eh napansin kong late na pala ako, kaya nagmadali akong pumunta dito sa library. Hinatid naman ako nung dalawa dito pero umalis din sila agad. Hiningal hingal pa ‘ko nun kasi ang taas eh wala pang elevator.

Tatlo lang kaming SA ngayon dito sa library. Yung isa nasa baggage counter, ako sa 5th floor, tapos yung isa naman nasa 6th floor. Hindi ko pa nga sila nakilala eh. Kainis naman kasi nalate pa ako. Magdidilim na nun kaya binuksan ko na lahat ng ilaw. Half lang kasi yung nakabukas. Alternate na mga ilaw. Sinara ko na rin yung window blinds.

6:05pm na ako nag-out. High-tech din ang log-in and out namin, electronic. Inenter ko naman na yung student number ko, tapos nag-appear sa baba yung red text na “57minutes late”.

Mabagal lang akong naglakad nun pabalik sa dorm. Medyo nananakit na kasi yung paa ko nun eh. Tumakbo ako hanggang 5th floor tapos apat na oras akong nakatayo at nag-iikot sa loob ng library. Medyo nahilo din ako sa pagsheshelf read. Unang araw pa lang ‘to. Dapat masanay ako.

ShuffleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon