Ch. 8 - Exams and Disaster

22 1 0
                                    

One week na rin yung lumipas simula nung play. Medyo nasanay na rin ako sa mga chismis tungkol sakin.

Kami ni Daniel ganun pa rin, laging magkasama. Si Gerald, di ako kinakausap.

Si France? Ewan ko kung anong tumatakbo sa ulo niya. Medyo naiinis na rin naman ako. To think na siya ang ganitong treatment sakin kaya nagging mala-impyerno ang buhay ko sa school.

Sunday nga pala ngayon. Start na ng final exams bukas.

Sana hindi masayang yung pagrereview ko. Kailangan kong pagbutihin dahil ayokong mawala yung mataas kong rank sa klase.

I’m still aiming to be number 1. Sa tingin ko kasi kaya ko ng talunin si Gerald dahil ‘di na ‘ko nagsasayang ng oras para sa kanya.

Monday. Maaga akong nagising dahil 1st day ng final exams.

Chineck ko na naman yung phone ko and as usual, si Daniel lang ang may message.

>ei.

>paalis na ‘ko samin.

>tulog ka pa ba?

>dito na ‘ko sa labas.

Oras ng last message. 6:42am.

Teka! Anong oras na ba? 6:57am.

Buti nakaligo na ‘ko at nakapagbihis na rin. Ang aga niya naman masyado eh 9am pa naman ang start ng tests. Half hour lang naman ang byahe papuntang school.

“Carla! May sundo ka anak!”

Mukhang nagulat ata si Mama. 1st time kasing sinundo ako ni Daniel pero lagi niya naman akong hinahatid pag uwian. Ah basta..

Muntik pa ‘kong madulas nung pababa ako ng hagdan.

“Bat ba nagmamadali kang bata ka? Akala ko ba 9am pa simula ng exam niyo? Kumain ka muna dyan.”

“Opo ma. Daniel, nagbreakfast ka na ba? Ang aga mo ah..”

“Yup. Kumain na ‘ko bago umalis ng bahay. Hahanapin pa po kasi natin yung room natin.”

 Ay oo nga pala. Sa school kasi namin alphabetical ang arrangement per program/course so tiyak di kami roommates ni Daniel dahil Aquino siya at Fernandez ako.

Natapos ko naman agad yung pagkain ko then nagkiss ako kay mama at umalis na kami.

Madali niya naming nahanap yung room niya. Sa 1st building kasi kami naassign. 12 rooms ang na-occupy ng program namin from 1st to 5th year. Sa year namin, 3 rooms lang ang nagamit. Si Daniel nasa 1st room, at ako naman sa pangalawa.

ShuffleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon