Dahil Finals na rin, bukod sa practice ng play, halos lahat din busy sa pagrereview. After ng practice namin, dumederetso na kami ni Daniel sa library. Well, unlike the other days, nakikipag-usap na 'ko sa iba naming classmates. Pero kay France at Gerald, hindi pa rin masyado. Medyo naiilang parin talaga ako.
Kahit anong pilit ko, andun pa rin kasi ung guilt ko which restrains me from talking to them. Pero paunti-unti siguro, magagawa ko rin. Maayos ko rin yung sarili ko. Mababalik ko rin yung samahan namin ni France. At makakapagdecide na rin ako about Daniel at Ghe.
Pababa na kami ni Daniel nun ng library (kasi nasa 2nd floor ng 1st building ang library ng school namin), nakasalubong namin sina France, Ghe and Ayexia. Upon seeing us, tinawag kami ni Ayexia.
"Carla! Alam mo ba si France at Ghe na?" then nagtawanan lang sila.
Para akong lalamunin ng lupa nun, I was speechless pero pinilit ko ang sarili ko na maging expressionless.
Ewan ko kung totoo o hindi, ganyan naman kasi ang classmates namin eh, seryoso o hindi ang usapan, pabiro lagi ang dating sakin.
Well, ano nga naman kung sila na? Nasasaktan ba ako? Oh my, obviously, yes.
Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Daniel ang kamay ko.
"Wow, ang galing namn Ghe! Kelan pa yan pre? Well, kami naman ni Carla.. Uhm.. "
Tinitignan ko lang siya nun. Ano kayang sasabihin niya at kailangan niya pang mag-isip ng matagal? Ang awkward talaga ng scene na yun. Bat ganun? Sa harap pa ni Ghe hinawakan niya yung kamay ko? Teka, bakit naman ako magwoworry? As if naman may pakialam si Ghe samin. Well kay Daniel siguro meron, kasi nga diba best friends sila. Eh sakin? Na-uh.
At last, nagsalita din si Daniel.
"Best friends kami." -daniel
"Best friends?! Tapos magkahawak kamay agad?!" -gerald
----
Hindi ko talaga maimagine yung itsura niya kahapon. Hanggang sa pag-uwi ko nun, naiisip ko yun. Kinulang pa tuloy ako sa tulog.
It can't be. Ayokong mag-assume. He can't be jealous. Sila na nga ni France eh. Kung totoo nga yun.
I can't focus myself on the discussions that day. Wala rin ako halos sa sarili nung papunta kami ng Auditorium.
"Ok ka lang ba?" -daniel
"Yup. Stress lang 'to."
Practice na naman. Medyo napeperfect na namin yung play. Bagay naman sila. Maganda naman si France, morena, mahaba ang buhok. Pwede na pang-pageant height lng ang kulang. Tsaka, mabait naman si France eh. You can easily fall for her.
Pero as usual, hindi ko pinapanood ng buo yung practice, yung parts lang na kaya kong panoorin. Ang bitter ko pa rin ba? Eh mahirap kasi talaga eh ..
People get hurt, and it takes time to move on. Hindi ganun kadali yun. Kahit sabihin nating may nagpapasaya sakin ngayon, there's still a part of me na na kay Gerald.
After ng practice for the play, nagpaalam si Daniel na hindi muna niya ako masasabayan pauwi kasi may report sila ng groupmates niya sa Rizal tomorrow. So ayun, mag-isa muna ako ngayon.
Since wala rin naman akong gagawin, naglibrary na lang muna ako para magreview. Nandun din pala si Ghe sa library. Wala siyang kasma. Ayoko namang lumapit sa kanya. Bakit naman ako lalapit diba ??
Pero ayun, unexpectedly, siya yung lumapit sakin. Seryoso yung itsura niya nun, and parang may sasabihin siya.
"Hey Carla, hindi totoo yung sinabi ni Ayexia kahapon ah."
BINABASA MO ANG
Shuffle
Non-FictionShuffle *** Alam mo yung super nag-eeffort ka? Tapos di naman pala magiging sayo? Nakakaasar diba? Yung ginawa mo na lahat para sa kanya pero di niya pansin? Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Parang yung kwento ko. Yung tipong binigay ko na lahat...