Puro theories lang naman yung quiz namin sa accounting. Sabi ng prof namin, sa Thursday another set of quiz puro problem solving naman about cash and cash equivalents.
Mabilis ko naman natapos yung quiz kaya nagpasa na agad ako ng papel. Yung prof namin eh masyadong masipag, nagcheck agad ng papel at nagrecord agad. Naka-48/50 naman ako kaya ok na.
Bago ako bumalik sa upuan ko, nakita ko sa likod ng papel ko ung papel niya, nahagip ng paningin ko yung score ni Richard. Tae! Perfect siya! Mamaw talaga tong taong ‘to.
Natapos naman lahat after ng isang oras so may time pa kaming magdiscuss. Yung kambal naman eh hindi na ata natakot sa prof kasi hikab ng hikab sa harap pa man din kami nakaupo.
Nakinig talaga akong maigi sa prof namin dahil nafrustrate ako sa score ko. Dapat next time perfect din ako.
Pagkatapos ng klase namin sa stat, bumalik agad ako sa dorm para makapagpahinga. Magrereview pa ako mamayang gabi at may quiz kami sa econ bukas. Habang nakahiga ako dinukot ko yung wallet ko sa bulsa ng palda ko.
Grabe, nacoconscious ako sa gastos ko. Magkano lang naman kasi yung allowance as an SA.
Nahihiya naman akong tumawag kina mama para lang manghingi ng pera. Ang dami ko pang kinain pagkatapos ng accounting sa sobrang frustration. Eh ayoko namang magtipid sa pagkain.
Ano kaya kung mamili ako ng mga tinapay tsaka biscuit? Uhm, tsaka ilang fruits na rin para makatipid ako. Nakakainis naman kasi ‘tong tiyan ko maya’t maya nagrereklamo eh alam namang ginto ang paninda sa cafeteria. O siya, sige sa Sabado maggrocery ako.
Dahil wala naman akong duty, I decided na panoorin saglit sina Joy at Mae na nagppractice with the pepsquad. Kung titignan sa malayo, hindi mo malalaman kung sino ang sino sa kanila. Pero kung close mo sila at palagi mo silang nakakasama, mapapansin mo rin ang pinagkaiba. Si Mae kasi mahinhin, samantalang si Joy may pagkaboyish.
Naupo naman ako sa pinakataas ng bleachers habang nanonood sa kanila. May isa’t kalahating oras pa naman bago yung dinner sa dorm so may time pang magpahinga. After na rin siguro ako ng dinner magrereview.
Maya-maya naman eh napansin kong may lalaking naka-jersey ang umupo sa may harapan ko. Teka, si Kenneth ba yun? Yung naggigitara at magaling kumanta? Pinapanood niya rin sina Mae.
Mukha namang nag-eenjoy siya. At ang amo ng mukha niya. Sayang naman, bagay sila ni Mae kaso taken na eh. Haaayy..
“Hi Kenneth! We’re you watching?”
Ay hindi, umupo lang siya diyan and looked into the space, tanga. Pano ba naging top 2 ng buong year level ang babaeng ‘to eh halata namang puro kalandian lang ang nalalaman?
“Yeah. Medyo katatapos lang ng meeting namin for the sports fest.”
“Ah. So, wanna join us for dinner?”
Umiling si Kenneth, with matching prince-smile. “Sabay-sabay na kami ng mga players.”
“Ganun ba. Next time siguro?”
“Sure.”

BINABASA MO ANG
Shuffle
Non-FictionShuffle *** Alam mo yung super nag-eeffort ka? Tapos di naman pala magiging sayo? Nakakaasar diba? Yung ginawa mo na lahat para sa kanya pero di niya pansin? Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Parang yung kwento ko. Yung tipong binigay ko na lahat...