"Ma'am, I would never do such thing. Imposible po yung mga accusations niyo sakin."
"Ms. Fernandez, alam mo naman siguro yung punishment ng ginawa mo kapag napatunayang totoo nga yun.
Di ka lang mawawalan ng scholarship, you can be expelled too! At di ka na rin makakapag enroll sa iba pang universities."
"Mrs. Arsolon, baka po pwedeng magconduct muna tayo ng investigation about this matter.
I know Carla, and we're always together. Di niya po magagawa yung sinasabi niyo."
"Mr. Aquino, to be honest with you, yung answer key sa loob ng locker niya is an enough evidence to say that she cheated on the exams!
We know Ms. Fernandez na mataas talaga ang scores mo sa exams kahit nung 1st year ka pa. pero ano bang malay natin kung nandaya ka lang pala that time? To think na kailangan mo talagang mag maintain ng mataas na grade and be in the Dean's List para maretain mo yung scholarship mo."
Nagiging mainit na yung discussion naming nun. Hindi ko magawang umiyak sa harap ng guidance councilor nun at gusto kong ipaglaban ang karapatan ko na mapatunayang inosente ako.
Nag-effort ako para mataas ang makuha kong grades, but cheating? No. it's always a big no.
"Ma'am, I think she deserves a chance para iprove na di niya yun nagawa. We all have the rights to undergo due process. It's in our constitution." Nagsmile lang siya nun sa councilor at tumingin samin ni Carlo.
"Ms. Valdez, nandyan ka pala. Oh sige, Ms. Fernandez, bibigyan kita ng tatlong araw. After nun, kapag wala kang napatunayan, we have no choice but to expel you."
Bakit ba nagyayari 'to sakin ngayon? Maeexpel ako? Hindi naman talaga ako nandaya. Paano ba nangyari yun? Bakit kung kelan kini-clear out na yung lockers tsaka naman may lumitaw na ganun sa locker ko? I'm pretty sure naman na bago ako umuwi nung Tuesday eh wala ng laman yun. Lahat ng books ko at iba ko pang gamit eh nadala ko na sa bahay pagkatapos ng exams.
Kinausap naman ako ng Department Student Government President namin/ anak ng isa sa school board. Buti na lang at naconvince niya yung guidance counselor na bigyan ako ng chance para mag-imbestiga.
Mabait naman si ate Mylene. Graduating na siya sa course niyang Marketing Management. Hindi naman kami ganun kaclose, nakilala niya lang ako nung sumali ako ng quiz bee sa Math with Gerald and someone from the other section nung 1st year kami.
Humble naman siya. Hindi niya pinagyayabang na anak siya ng isang school board. Marunong siyang lumevel sa kapawa niya students. And like what she have shown us today, concerned siya sa mga estudyante.
Sabi niya sain ni Daniel bumalik na lang daw kami sa school bukas para masimulan namin. Si Daniel naman nagprisinta na ihatid ako as usual. Kaso parang di ko talaga kayang umuwi samin ngayon.
"Ano na lang ang sasabihin ko kay Mama? Tiyak magagalit sakin yun! And for sure natawagan na siya ng school about dito.."
Umiyak na talaga ako nun. Isang tao lang ang naisip kong gagawa nito sakin, but to think that she has to go this far para lang sirain ako? Ganun ba talaga kalaki yung galit niya sakin?
"kung di ka uuwi ngayon sa inyo, ano na lang ang iisipin ng mama mo? Iisipin niyang nandaya ka nga. Na guilty ka.
Prove them wrong, be strong Carla. Huwag kang matakot dahil wala ka namang ginawang kasalanan."
Sinubukan ko naming lakasan ang loob ko nun. Actually yung Mama ko strick pagdating sa studies ko. Consistent honor student ako since elementary hanggang high school at scholar naman ako ngayon. Hindi naman kasi kami kasing yaman nina France para makapag-aral ako sa school na 'to na halos rich kids ang pumapasok. Officemates ang mga tatay namin pero mas maganda naman ang trabaho ng mommy niya compared sa mama ko. Her mom is a lawyer. Kaya naman for me to enroll in the same school as her I have to be a scholar.
BINABASA MO ANG
Shuffle
Não FicçãoShuffle *** Alam mo yung super nag-eeffort ka? Tapos di naman pala magiging sayo? Nakakaasar diba? Yung ginawa mo na lahat para sa kanya pero di niya pansin? Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Parang yung kwento ko. Yung tipong binigay ko na lahat...