Ch. 5- Best Friends

78 3 8
                                    

After ng gabing yun hindi na talaga ako makapag concentrate. Hindi ko na maintindihan ang mga pangyayari.

As usual hinahatid pa rin naman ako ni Daniel Sa bahay pag may time siya. Sa school naman, sumasabay na rin samin maglibrary si France and Ghe after ng practice namin ng play. Dahil dun I had time na mag-apologize kay France.

"I'm really sorry France. I ignored you. Naging selfish ako. Ni hindi man lang kita kinausap kung anong problema ko."

"It's ok. Nangyari na eh. What's important now is we're still friends. Nothing changed."

France and I are friends since elementary, though hindi kami sa same school nag-aaral. Dating officemates yung dad niya at ang daddy ko.

I met her during the anniversary celebration ng company na pinapasukan ng mga dad namin. She was fighting with a kid that time. Nag-aagawan sila dun sa give-aways na manika, kasi namigay yung company nun ng toys para sa mga anak ng employees.

"Ano ba! Sakin sabi yung blue ang hair eh!"

"Akin 'to! Ako nauna dito eh! Akin na Frang!"

Nakakatawa nga siya nun dahil ayaw niya talaga bitiwan yung manika. So ayun, binigay ko na lang yung sakin, since di naman ako mahilig sa dolls.

Dahil nga naging close kami, sa same high school na kami nag-aral. Then ngayong college, we enrolled for the same course at the same school.

Never kaming nag-away ni France, so I was so selfish to ignore her. Dahil lang sa isang guy, isinantabi ko yung pinagsamahan namin.

Buti na lang ok na kami ngayon.

Maganda naman yung flow ng play namin. Bumagay sa kanya yung role ng maid na maamo yung mukha. Bagay naman sila ni Ghe.

Akala ko talaga sila na. Buti na lang sinabi ni Ghe sakin na di totoo yun.

Medyo nag-eenjoy naman akong panoorin si France sa play. Nasa part na kasi na ung maid, she went on a quest para humanap ng lunas para dun sa curse na binigay ng witch. Bale yung quest na yun ang magtatake ng pinakamahabang part ng play.

Habang nag-aact sila on stage, dumating naman si Daniel na may dalang burger and fries with fruit shake.

"Oh, mukhang maganda ang mood natin ngayon ah? Did something happen?"

"Wala naman. Sadyang natutuwa lang ako sa play."

"Yun lang ba talaga?"

"uh, Daniel.. Ano, kasi..."

"Kasi??"

"He confessed to me."

"Gerald?"

"Yeah."

"Well, I'm happy for you. Huwag ka lang niyang paiiyakin ulit, kasi pag nangyari yun di na talaga kita ipapaubaya sa kanya kahit best friend ko pa siya."

"Ano ka ba, pasaway ka talaga."

"I'm serious. Look, I really do love you Carla, pero alam ko namang di ko mapapalitan si Gerald dyan sa puso mo eh. And willing akong magparaya, for you, at para na rin sa best friend ko. Pero kung hindi ka naman niya mapapasaya t sasaktan ka lang, I'm willing to do everything, just to have you."

"Huwag mo nga akong papaiyakin. Tsaka anong paraya ka dyan. Tama na ngang drama."

I could see how serious Daniel is. Kung wala lang Gerald sa buhay ko, siguro si Daniel na talaga ang minahal ko. But sad to say, I'm choosing Gerald over him. I wanna be honest with myself now. Si Gerald talaga.

ShuffleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon