Ch. 11 - The Mansion

12 1 0
                                    

a/n : tagal ko mag-update.. sorry po talaga. pero it'll gonna be exciting this time :)

thanks for reading :) may ibang POVs na po pala ang story :)

------------------------

[ Daniel’s POV ]

Nakarating na rin kami sa mansion in 5 hours. At dahil di ko naman namention sa kanya mansion nga yung pupuntahan namin, tila nakaglue na ata yung paa niya sa harap ng gate.

“Daniel, y-yung totoo, gaano kayo kayaman? Woa… Di ko akalaing… Wala na nahiya na ‘ko. Balik na lang tayo ng Manila.”

“Ui ano ka ba! Haha nandito na nga tayo eh. Tsaka natawagan ko na yung lolo ko, ok lang naman talaga sa kanya.”

“Baka katulad to ng mga teleserye ah kunwari ok lang sa kanila pero dahil mukha kang mutsatsa aapi-apihan ka tapos.. Waahhh..”

“Kakapanood mo ng mga palabas sa TV kung anu-ano naiisip mo. Haha. Tara na nga, inaantay na nila tayo sa loob. Sige ka, ayaw mo bang magpahinga? Ayaw mong kumain? Naku ikaw pa. Sa tagal nating magkasama alam kong di mo matatanggihan ang pagkain lalo’t pagod ka.”

“Oo na sige na eto na po. Haixt.”

Sa nakikita ko kay Carla mukhang medyo nakaget over na siya sa mga nangyari. Nalinis na rin naman ang pangalan niya. Pero malungkot pa rin ang mga mata niya. Sobrang mahal niya talaga si France. Alam kong kahit na anong nagawa ni France sa kanya hindi niya parin magawang magalit dito.

Pero yun lang ba talaga? Yun lang ba talaga ang dahilan kung bakit may lungkot sa mga mata niya? Hindi kaya naiisip niya pa rin si Gerald?

Ay Danny ano ba yang iniisip mo. Nagseselos ka lang. Stop it will you?

“Daniel, ikaw naman ang naglue dyan! Tara na ah!”

Ano ba yan, natulala na rin pala ako.

Pinindot ko naman yung doorbell at nagsalita yung guard.

“Good afternoon po, sino po sila?”

“Manong, si Danny po ito.”

“Ay Senyorito, kayo ho pala. Pasok ho kayo. Ipapasundo na ho sana kau ng lolo niyo sa terminal ng bus.”

“Ayos lang po. Tsaka Danny na lang ho Manong, parang di naman po kayo nasanay sakin.”

[Carla’s POV]

Senyorito? Waaaahhh.. I can’t take this anymore haha. OA. Overwhelming yung mansion nila Daniel. Pagpasok namin sa gate kitang kita mo agad yung napakalaking garden. Yung mansion mga 20meters pa ata mula sa gate. Yung garden naman puno ng iba’t ibang flowers. May round table North, South, East and West. Each table may four chairs. Yung mansion, parang, parang palasyo… Napakalaki. Mas malaki pa ata sa main building ng dating school namin. Tapos sa harap ng mansion may napakalaking fountain.

Pagdating namin sa entrance ng masion, mas lalo akong nalula. Nakapila lahat ng maids and butlers, tapos sabay sabay silang yumuko at bumati.

“Welcome home po, Senyorito Danny.”

Tapos biglang may sumulpot na babae, tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

“Danny! I missed you soooo muuuch!! Bakit di mo naman sinabi sakin na babalik ka na? Kung di pa nagtext si Ric—“

Hindi na natapos nung babae ang sinasabi niya dahil inalis ni Daniel yung pagkakayakap nung babae.

“Please Jane. Pagod ako. Gusto kong magpahinga.

Sheena,” tapos lumapit agad yung isang maid sa kanya. “naihanda niyo ba yung kwartong gagamitin ni Carla?”

“Opo senyorito. Yung pinakamalapit po na guest room sa kwarto niyo, as you instructed over the phone.”

ShuffleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon