Hindi mo naman siguro ieexpect na sa loob ng dalawang lingo eh makakapag-adjust agad ang isang tao sa isang drastic change. I mean, ewan ko kung paano ni Cinderella na-adopt ang buhay prinsesa after niyang mapangasawa si Prince Charming. Yung tipong galing ka sa isang maliit na bahay, yung tipong ilang ikot mo lang eh nalibot mo na yung buong bahay niyo, yung kapag may kailangan ka eh you have to do the job yourself. Pero dito sa kung nasaan man ako ngayon, na dati sa anime at sa mga teleserye ko lang napapanood tong mga ganito, nasa state of shock pa rin ata ako.
After nga nung madugong pagtatagpo namin nung Jane (madugo talaga dahil parang may kuryente sa pagitan ng mga dila namin nung first night ko dito), tinour nga naman ako ni Daniel. Para nga akong bumalik sa elementary nun na manghang mangha sa una kong field trip. Hindi naman natuloy ang pag-uwi ng lolo niya ng bansa that week dahil bigla daw may inasikasong family matters sa Japan. Tapos three days after pumunta na kami sa Edison University para mag-enroll. Dumating naman na pala dun yung referral letter na galing sa dati naming school. Ang masaklap nga lang eh hindi daw kasi sila basta basta tumatanggap ng scholar kaya itetest daw muna nila ako sa loob ng isang sem. Magiging student assistant muna ako to cover my school expenses, at may hourly allowance. Kapag naman daw maganda ang grades ko at performance ko as an S.A, magiging official na academic scholar naman na ako.
I kind of like the idea, challenge din para sakin to. Time management, yun ang kailangan ko. May dormitory naman sa university para sa mga academic scholars at S.A so di ako mahihirapan. So hindi ako totally magsstay dito sa mansion which is good, kasi nakakahiya masyado sa pamilya ni Daniel.
Actually medyo kinakabahan na ako, kasi naman nag-aayos ako ng gamit dito sa dormitory ngayon.
Alam mo yung feeling na, ang laki laki ng Edison. Pagpasok mo ng gate eh bubungad yung main building ng campus. Apat na building lang naman to na parang naging pinakabakod ng university. Hindi naman bakod actually, ang hirap naman kasi iexplain. Para kasi silang nakabox na ang nasa center eh yung school open ground.
Wala namang espesyal sa katawagan ng mga building. Numbered lang sila. Building 1 is the one facing the gate. Going clockwise the next one is two, and so on. Di ko pa naman kabisado kung anu-anong meron sa building na yun, but I think I have to. Sabi kasi nung S.A na nagtour sakin. Basta ang natandaan ko na lang eh, sa building 1, nandun yung administrative offices. Sa ground floor naman nun School Cafeteria. Sa building 2, ground floor niya eh yung gymnasium, sa building 3, 5th and 6th floor, library. Taas noh? Hihingalin ka kung mag-aaral ka pa. And to my luck, sa library pa ako nakaassign. Tapos, yung classrooms ko, and of couse yung building kung saan naka-assign yung course/program/department ko, is 3rd and 4th floor ng building 4. Swerte ko rin eh noh? Sana buhay pa ako at the end of the semester.
Ang dorm naman nasa loob lang din ng campus. It’s actually within the borders of the university, and a kilometer behind the 3rd building. That one’s very compensating.
Medyo sosyal naman yung dorm kahit papano. Two buildings yun, facing each other. The one on the west side is the regular students’ dormitory. The one on the east is for the scholars, academic and SAs.
3rd floor naman ako nailagay. 1st to 3rd floor kasi ang female then yung males sa remaining 3 floors. Magkaiba yung entrance and exit and there’s no way na magcoconnect sa divided floors. Swerte ko lang I got the one nearest the shower room, thanks God. Sa isang room dalawa ang occupants, at sabi nung nagtour sakin eh nagbakasyon daw yung roommate ko.
Si Daniel naman eh hindi na nakatulong sa paglilipat ko. Bigla kasi siyang pinatawag nung school chairman. Hindi ko alam kung bakit, tsaka wala naman kasi akong time na magtanong pa sa kanya.
After nung paglilipat eh inorrient na rin ako nung SA about the do’s and don’ts ng SAs at pati na sa dorm. Medyo mahigpit, ang daming bawal. Pero sabi ko nga, this is a challenge so I have to deal with it.
BINABASA MO ANG
Shuffle
NonfiksiShuffle *** Alam mo yung super nag-eeffort ka? Tapos di naman pala magiging sayo? Nakakaasar diba? Yung ginawa mo na lahat para sa kanya pero di niya pansin? Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Parang yung kwento ko. Yung tipong binigay ko na lahat...