Chapter 1- Supportive GF

138 5 3
                                    

***1***

Pag may bagay akong gusto, ginagawa ko lahat para makuha yun. As in kahit gaano kahirap ginagawa ko, 'coz I believe that without effort, nothing would change kahit mangarap ka man ng mangarap.

Everyone knows what kind of person I am. Pag narinig nila yung name na 'Carla Fernandez', iisa lang ang nasasabi nila. Si Carla yung tipong pag alam niyang tama siya, ipaglalaban niya. Pag gusto niya, she'll do everything just to have it. At siya rin yung tipong wala sa vocabulary ang salitang pagsuko.

Consistent Dean's Lister ako ng school. Well, di naman talaga ako ganun katalino, I just love challenges and competitions at yun ang nagiging motivation ko. Yung tipong Hikari ng Special A. siyempre kung ako si Hikari, may Takishima din sa buhay ko.

Hindi naman as in katulad ni Hikari na hindi siya aware na may gusto siya kay Takishima. Ako alam kong gusto ko si Gerald, though nakikipagcompete ako sa kanya, di ko parin kinakalimutan na gusto ko siya.

Ganun talaga ako eh, nakikipagcompete lagi sa crush. Pero di niya alam yun, kasi ang alam niya 'rival' ang tingin ko sa kanya.

Pero alam niyo, super manhid ng taong yun. Buong klase alam ata na may gusto ako sa kanya, siya na lang ang hindi.

Minsan nga nasasabi ko sa best friend ko, 'ang tanga tanga talaga ni Ghe.'

Aminado naman akong di ko talaga matalo-talo si Ghe sa kahit na anong subject. Matalino tlaga siya at laging pangalawa lang ako sa kanya. Ano pa nga ba, eh Miss Rank #2 lang naman si Hikari diba?

Lagi ring naiissue sa room na love team nga daw kami ni Ghe. Pero kaya siguro hindi niya alam na gusto ko talaga siya, eh kasi sa tuwing nababanggit yun dinadaan ko naman sa biro.

Everytime na nakakantyawan kami, sinasabi ko sa kanya,

'Joke lang yun Ghe ah. Baka naman seryosohin mo.'

Parang wala lang din naman sa kanya, kaya di siya nagrereact. Naging hobby ko na nga ata  na gawing biro yun eh. Pero everytime na nagbibiro ako tungkol dun, deep inside gustong gusto kong sabihin sa kanya na totoo talaga yun. But I don't have tha courage to do so.

In every competition na sinasalihan niya, todo suporta ako lalo na sa mga pageants. Yung tipong gagawa pa ako ng banner at magchicheer ng pagkalakas lakas para lang sa kanya. Sabi nga ng classmates ko, supportive girlfriend kuno. Si Ghe naman kahit simpleng 'Thank you' wala. Siguro dahil nasa isip niya biro-biro ko lang yun. Nakakainis nga pag ganun eh.

Nag-effort kaya ako. Ginagandahan ko yung banner ko at namamalat ako.

Pero di ako nag-eemote ng dahil dun. Kaya lang ang best friend kong si France napapansin lagi yun.

Minsan nga sabi niya sakin,

'Alam mo kung ako si Ghe, matatouch ako sa ginagawa mo. Yung dapat gumagawa ka na ng assignment sa bahay niyo, pero nandito ka nagchicheer para sa kanya.'

Napaisip din naman ako sa sinabi niyang yun. Pero hindi parin ako susuko. Mapansin niya man ako o hindi, hindi ako magsasawang suportahan siya. Pero siguro nga matatalo ko siya sa academics kung yung pagchicheer ko dito eh inirereview ko na lang sa bahay.

No, magchicheer parin ako. Di baling #2 lang ako sa academics. Kulit ko rin noh? Naisip ko nga rin minsan, para saan ba 'tong ginagawa ko? Wala naman atang patutunguhan 'to. Nababaliw lang ata ako.

But there came a time na bigla kong nabuklat ang salitang 'pagsuko' sa dictionary ko.

It started nung nakausap ko yung best friend niya, and he asked me kung gusto ko ba daw talaga si Ghe. Of course inamin ko. Then sinabi niya kilala niya daw yung crush ni Ghe sa room. According to the descriptions, she's cute, maliit, dark ang complexion.

ShuffleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon