[ Daniel's POV ]
Napatagal ata si Carla ah. Bakit di niya sinasagot ang tawag ko? Dala niya kaya yung phone niya?
"Danny, ano na? Wala pa rin ba?" Pati sina Kenneth nag-aalala na rin yata kay Carla. Bago lang kasi siya dito at baka may mangyari sa kanya.
"Hindi niya sinasagot eh. Baka hindi na naman niya dala yung phone niya."
"Oo nga. Sa pagkakatanda ko hindi niya talaga dinadala ang phone niya pag nagduty siya. Hindi na siya dumaan sa dorm kanina eh."
Tama si Joy. Nitong nakaraan mukhang wala sa isip ni Carla ang phone niya. Sabagay, ako lang at ang parents niya ang nasa contacts niya. Gabi-gabi lang din siya kung tumawag sa kanila.
Kasi naman Danny! Dapat talaga nagpumilit pa ako kanina.
"Baka maligaw siya."
"Ano ka ba kambal, masyadong matalino si Carla para maligaw. Marunong magtanong yun. Si Richard nga kinaya niyang pagtiyagaang daldalin eh, pagtatanong-tanong pa kaya."
Si Carla pa naman, pag may gustong gawin talagang gagawin niya. Baka kung ano na naman naisipan nun kaya hindi agad nakabalik. Naman Carla, nasan ka na ba?
[ Carla's POV ]
Stalker mode on na naman ako. Nakakatuwa naman kasi siyang pagmasdan. Para siyang takot sa sales lady. Yung totoo? Ngayon lang ba siya namili mag-isa? Ano naman kayang binibili nun? Malapitan nga.
Iniwan ko muna sa baggage counter lahat ng dala ko at binitbit ko lang yung wallet ko. Nung papalapit na ako sa kanya, mukhang nakita yata ako at parang nag-iba ang expression ng mukha niya. Binaba niya ulit yung hawak niyang kung ano man yun dun sa display at naglakad pa-exit ng NBS.
"Huy! Sandali! Hindi ka ba bibili? Richard!" Kinlaim ko agad yung gamit ko sa baggage counter and followed him. Nung nakalapit na ako sa kanya, he signed silence.
"Ssssh! Ano ka ba? Wag ka ngang sigaw ng sigaw nakakahiya ka! Pinagtitinginan na tayo oh!"
"Bago? Eh you've got all the attention in school ah?"
"And I hate it! So please, wag mo na akong sundan?"
Kung ano naman ang sigaw ko, yun din ang bulong niya. Talagang ayaw niyang mapansin siya ng ibang tao sa mall. So ayun, huminahon naman na ako sa kakulitan ko at sinabayan ko yung hina ng boses niya pati na rin yung lakad niya.
"Ok. Papakabait na ako. So anong ginagawa mo dun sa NBS? May bibilhin ka ba dapat? Tara sasamahan na kita. I'll behave. Promise."
"Uuwi na ako."
"Agad? Eh wala ka namang binili eh."
"Nakakairita kasi yung sales lady, nakatitig sakin. Parang ikaw, nakakairita. Hanggang sa mall sinusundan ako."
"Oy feeling ka ah. Nagkataon lang na nakita kita dun sa NBS no. Ah! Alam ko na! Ayaw mo ba na nagpapapansin sayo yung sales lady para mabili mo yung bibilhin mo?"
"Di na Miss Stalker. Tsaka ayoko rin yang pagpapapansin mo sakin."
"Ay ang kapal talaga nito. Siya na nga ang tutulungan eh taas noo pa rin. O sige, bahala ka dyan. Hindi naman ata importante yung bibilhin mo eh."
Napatigil naman siya nun sa paglalakad so tumigil na rin ako. Inaasar ko pa nga siya nun ng ngiti ko at pagtaas baba ng kaliwa kong kilay. Hanggang sa napabuntong hininga na lang siya at hinila ako pabalik sa NBS.
"Ok. Hahawakan ko lang yung kamay mo, wag kang maarte na parang naiihi, ok? Ngayon lang ako bibili ng gamit ko dahil actually may supplies kami sa mansion. Kaso naubos na yung post-it notes ko and highlighter and mas malapit ang bayan kesa sa mansion."
Tahimik naman akong nakinig sa mga pinagsasasabi niya nun hanggang sa nakarating kami ng NBS. Nung nakita nung sales lady na nakahawak sa kamay ko si Richard, napabuntong hininga na lang siya at sumimangot. Nabili naman ni Richard ang dapat niyang bilhin.
Paglabas namin sa NBS, nagsalita na naman siya. Ang daldal naman pala nito, ang sungit lang talaga.
"Huwag na huwag kang magkakamaling ikwento sa iba 'to, kundi lagot ka sakin."
"Ok."
Ngumiti lang ako na gaya ng kanina, at tiningnan ko yung kamay namin habang nakangiti. Nung napansin niya yun, binitawan na niya ako sabay tulak sakin.
"Ay grabeng kabastusan naman. Ni hindi nga nagthank you tapos nanulak pa. hmf!
Oy Mr. Ice Prince, sige I'll keep it as a secret... Pero sa isang kondisyon."
Nagbago naman ang expression ng mukha niya nung sinabi ko yun.
"Condition? Meron pa nun?"
"Yup. You have to beat me in all of our prelim exams."
"Oh... That'll be easy."
"Hep hep hep. Huwag kang pakakasiguro. I might beat you."
"Oh? Huh. Masyado atang matayog ang pangarap natin ngayon Ms. Stalker."
"Hindi lang yan pangarap dahil mangyayari talaga yun."
"Ows? Ok. At para may thrill, lagyan natin ng twist 'tong deal na 'to."
"Anong klaseng twist naman?"
"If you win, you can tell anyone about this. Do whatever you want with me for the entire midterm period. But if I win, you have to keep this whole thing and you'll follow my commands for the entire midterm too."
"It sounds fun. I like it."
And for the first time, we agreed with each other.
"Carla! San ka ba nanggaling? Sobrang nag-alala kami sayo! Anong oras na oh? Hapon na!"
"Ah, di ko na kasi kayo naabutan kanina sa sports store. Kaya naggrocery na lang ako."
"Naku naman kasi Carla, kung anu-ano na tuloy naiisip naman.
Si Daniel mamatay-matay na sapag-aalala. Si kambal naman akala naligaw ka na.
Sa susunod kasi dalhin mo yung phone mo ha? Or kung gusto mo everyday ako na mismo maglalagay ng phone mo sa bag mo para di mo makalimutan."
"I'm really sorry guys. Sorry talaga."
Past 6pm na nung nagkita-kita kami. After kasi ng deal namin n Richard umalis na agad siya. Ako naman nagpaikot-ikot sa mall at ayun nakita ko rin sila. Pero sa sobrang pagod ko, di na kami nakapag-arcade so nagdinner na lang kami at umuwi.
Sabagay, ok na rin. May nabili naman sila. May nabili rin ako. At di lang yung nabili ko ang napala ko. May deal kami ni Richard na sobrang ikinaeexcite ko.
BINABASA MO ANG
Shuffle
Literatura FaktuShuffle *** Alam mo yung super nag-eeffort ka? Tapos di naman pala magiging sayo? Nakakaasar diba? Yung ginawa mo na lahat para sa kanya pero di niya pansin? Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Parang yung kwento ko. Yung tipong binigay ko na lahat...