Ch. 18 -- Love and Hate

11 1 0
                                        

[ France’s POV ]

Mukha na talaga akong tanga. Bakit iniistalk ko yung parents ni Carla? Well, gusto ko kasing malaman kung ok lang sila. Pero kasi, ang weird. Dati pag pumupunta ako dito nandun ako sa loob ng bahay nila at nakikipagtawanan sa kanila. I felt so welcome sa bahay na yun. I felt true happiness pag nandun ako.

Pero ngayon, eto ako, nagtatago sa poste.

Haay. Kumusta na kaya sila?

“Oh ija, anong ginagawa mo dyan?”

Shocks, nasa labas pala si Tita. Ayoko sanang magpakita sa kanila kasi di ko alam kung paano sila haharapin.

“Ah, eh, ano po. Napadaan lang po ako.”

“Ganun ba? Pumasok ka muna. Sakto magluluto pa lang ako ng lunch. Kumain ka na ba?”

“Ah hindi na po tita. Sa bahay na lang po ako kakain.”

“Naku, huwag ka ng mahiya. Hindi ka na iba samin. Tsaka, ang tagal mo ring di nadalaw dito.”

So ayun nga, napilit nga ako ng mama ni Carla na pumasok sa kanila.

Actually namiss ko talaga dito. Yung amoy, yung ambiance. Ibang iba sa bahay namin.

“Kumusta ka naman? Kumusta ang pag-aaral mo?”

“Ok naman po tita.”

“Mabuti naman.”

“Tulungan ko na po kayo.”

Naghiwa naman ako nun ng sibuyas, bawang at luya. Hindi talaga ako sanay magluto pero natuto ako kina Carla na maghiwa ng mga gulay at karne. Lagi akong tumutulong pag nagluluto si tita tuwing nandito ako. Parang dati lang.

“Alam mo, medyo nalungkot talaga ako nung nawala sa scholarship si Carla. Nung una, hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi nga kasabay nun natanggal ako sa trabaho. Buti pa ang anak ko, malakas ang loob niya. Nainspire na rin ako sa kanya.

Kahit na nalinaw na yung kaso niya at napatunayang hindi siya nandaya, tinanggihan niya na yung scholarship ng school at nakipagsapalaran sa ibang lugar.

Sana malayo ang marating ng anak ko, alam ko namang kaya niya eh. Matapang siyang bata.”

Mahal na mahal talaga si Carla ng parents niya. Buti pa siya, kahit di sila binless sa pera na tulad ko eh masaya naman sila. She went through a lot pero maraming taong nagmamahal sa kanya.

Wait… Anong sabi ni Tita? Nalinaw na yung kaso niya? Hindi kaya…?

Nung hinihintay na lang naming maluto yung ulam, naupo lang ako sa sala at si Tita naman eh may inasikaso pa sa kusina. Nakita ko naman yung family picture nila na nasa side table. Bakit ng aba nandito ako sa picture na ‘to? I’m not even part of this family. Saling pusa lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ShuffleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon