Ch. 14 -- Closed Books

19 1 0
                                    

1st day pa lang ng klase namin sa Financial Accounting 1 eh binigyan na agad kami ng exam ng prof namin. Well di naman siya ganun kahirap kasi halos nacover naman sa Basic Accounting namin nung 1st year yung laman ng 20-item-pretest namin. Tsaka nung 1st night naman eh nagbasa-basa naman ako ng FinAc kaya nasagutan ko naman ng maayos yung exam.

One question caught my attention. Closing entries? We close nominal accounts in our books for the preparation of a new accounting cycle. This one’s giving me some kind of a message. Is this God’s way of telling me something important?

Habang nasa classroom kami nun eh hindi ko naman mapigilang tingnan si Richard. Doon talaga siya sa dulo nakaupo at ni wala man lang siyang katabi. Hindi naman kasi occupied lahat ng seats sa classroom.

Ako naman sa harap ako naupo. Mas maganda kasi pag nasa harap ka. Focus ka sa prof, sa lessons. Maiiwasan ang distraction. Pero itong ginagawa ko ngayon? Lingon ako ng lingon.

Nagcheck naman agad nun ng exam. Nagpalitan lang naman kaming magkakatabi nun. Pinapagitnaan naman ako nun nung kambal kaya kami na ang nagpalitan ng papel.

Pagkatapos magcheck eh kinolekta naman ng prof yung mga papel, from highest to lowest. Tapos sabi niya eh magpapakilala daw kami isa-isa, starting from the one who got the highest score. And that was Richard.

Tumayo lang siya nung tinawag siya ng prof tapos umupo rin. Ano ‘to? May special treatment?

Ako naman yung sunod na tinawag. Pareho kasi kaming nakaperfect ni Richard. Medyo nahihiya pa nga ako nun eh, siyempre bago lang ako.

“Hi. I’m Carla Fernandez. I’m a transfer student. I hope we’ll be having a nice semester.”

Ok naman din kahit papano. Kung anong daldal nung kambal pag nasa labas kami, ganun sila katahimik sa klase. Halata mong gustung-gusto nilang mag-aral. Unang araw pa lang ‘to pero exam at lecture agad yung prof namin. Sinulit talaga yung tatlong oras.

Dahil 1:30pm naman natatapos yung accounting namin, I guess sa school cafeteria kami kakain every Tuesday and Thursday. 11am-1pm lang kasi ang free lunch sa dorm.

May isang subject pa kami after lunch. Nagpalit naman kami ng upuan nun. Yung prof kasi gusto kaming i-alphabetically arranged. Kaya ayun, nasa harapan ko si Richard nakaupo. Kahit may katabi siya, wala talagang maririnig sa kanya. Para ngang wla siyang pakialam eh. Feeling niya kaya nag-iisa lang siya sa classroom?

Yung Statistics Class namin eh typical 1st day lang di tulad ng accounting. Since maghapon ang klase ko ngayon, wala akong duty sa library. Kailangan lang naman kasi namin magrender ng 20 hours of duty every week.

Nung nasa dorm na ako, nagsusulat naman ako ng schedule ko nun sa planner ko na nakadikit sa study table.

MWF eh 7:30-11:30 ang klase ko. 1pm-5pm duty.

Tuesday 7:30-9:30 PE Class. One hour vacant. Accounting 10:30-1:30. Tapos vacant ulit, then stat ng 3pm-4:30.

Thursday 7-10am duty. Tapos same class as Tuesday.

Saturday 8am-1pm duty.

Ok naman pala ang sched ko. Hindi ako masyadong mahihirapan nito.

Sunod ko namang sinulat eh yung list ng books na kailangan kong bilhin. Binigyan din ako ni Joy ng list ng books na sinulat niya from yesterday’s classes. Hindi naman lahat required na bumili ng book. So I guess, Accounting na lang kaya ang bilhin ko? Tipid eh. May natira pa naman sa perang binigay sakin ni Mama, at ayoko naman kasing humingi ng humingi sa kanya. As much as possible hindi ako hihingi, hihintayin ko na lang yung ipapadala niya.

ShuffleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon