Buong weekend naman akong mag-isa sa kwarto ko sa dorm. Umuwi ata si Joy at si Mae sa kanila. Pareho kasi silang wala. Since wala namang duty at sarado ang library, I really don’t have anything to do nung Sunday. Pwede naman akong mag-aral ng FinAc nun but I don’t feel like doing so. Kaya ayun, nilibot ko yung campus. I received an sms from Daniel that they have a training camp during the weekend kaya di niya rin ako masasamahan.
Dumaan naman ako dun sa garden, walang tao dun. Naupo naman muna ako, nag-earphone at nakinig ng music.. hanggang sa nakaidlip.
“Carla! Ano kaya kung sumali tayo sa liga this summer?”
“Huy! Tanggapin kaya tayo? Eh sooobraaaang tatangkad natin?”
“Kahit MATANGKAD tayo, shooter kaya ako. O diba? Tapos mabilis ka naman tumakbo. At, mabilis ka rin mag-isip ng strategy. Ganda nga ng team up natin eh.”
“Ayoko. Ikaw na lang. haha. Contented naman na ako na naglalaro tayo ng ganito.”
“OUCH!” Napahawak naman ako sa ulo ko. Grabe, naalog yung utak ko ng bonggang bongga! Sino namang napakaswerteng nilalang ang nagbato sakin ng basketball?
Kinuha ko naman yung bola na nasa harapan ko. Pagtayo ko at pagharap ko dun sa papalapit, tsaka ko napansin na may covered court pala sa likod ng garden, which is actually sa likod din ng east dormitory.
Nakatingin lang siya nun. Parang wala naman siyang balak kunin yung bola. Ako naman, may naisip na namang kalokohan.
“Ikaw ba eh walang dila? Di ka man lang ba magsosorry o hihingiin man lang sakin tong bola?”
“Do I need to tell you that? Obviously you have to give it to me. Di ka naman siguro tanga para hindi malamang sakin yang bola.”
“Oh. Si Mr. Ice Prince bossy pala.”
“Oh, si Ms. Stalker matapang pala.”
Stalker? Stalker?
“Stalker?!”
“Stop following me around. Kaya ka tinatamaan ng bola eh.”
“May kayabangan ka rin noh. Hindi kita sinusundan. I was peacefully sleeping here until---“
“I’m not just talking about today. You,” sabay turo sakin, “are always following” tapos turo sa sarili niya, “ME.”
Tinaasan ko naman siya ng kilay nun. Tapos napansin ko, nakatingala pala ako ng bonggang bongga.
“Ah, so observant ka pala Ice Prince. Ok, nacurious lang ako. Para ka kasing taong bato, or YELO.” I told him sarcastically. “If you want to get your ball back,” taas ng kamay hawak ang bola, “play with me.”
“With you? Are you kidding me?” Tingnan ba naman ako mula ulo hanggang paa?
“Sa liit mong yan? Ni hindi mo nga maabutan yung shoulders ko?”

BINABASA MO ANG
Shuffle
SachbücherShuffle *** Alam mo yung super nag-eeffort ka? Tapos di naman pala magiging sayo? Nakakaasar diba? Yung ginawa mo na lahat para sa kanya pero di niya pansin? Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Parang yung kwento ko. Yung tipong binigay ko na lahat...