Chapter 29

1.6K 20 1
                                    

Zia's POV

Habang nagliligpit ako ng kwarto namin ni Kier ay nakaagaw na naman sa akin ng pansin ang phone nito, nga pala wala si Kier dito sa bahay umalis kase siya kanina at iniwan niya ang phone niya, nong una ay hindi ko nalang pinansin dahil ayoko namang mangialam ng gamit niya never naman kaming naging ganyan. I trust him kahit na palagi niyang sinisira ang tiwala ko wala naman kase akong magagawa kundi ang pagkatiwalaan siya kahit na may mga namumuong katanungan sa akin, I still choose to be with him and trust him.

"mommy" agad naman akong napalingon sa anak ko nakadungaw ito sa may pintuan ng kwarto

"Yes baby?" nakangiting sabi ko sabay gesture sa kanya na pumunta sa akin habang nakaupo ako sa edge ng kama, agad naman itong lumapit sa akin sabay yakap

"Ay sus nagpapalambing ang baby ni mommy, what do you want anak?" malambing na tanong ko sa kanya habang sinusuklay ko ang mahabang buhok nito

"Can I have baby sister?" agad naman akong napatingin sa kanya nang sabihin niya yun

"Huh?" takang tanong ko naman sa kanya sabay hawak sa mga kamay niya, ang lambot talaga ng skin ni Bless parang baby pa rin

"I want a baby sister now, mommy can we have my baby sister? Yuno have Sophia how about me?" pagmamakaawa niyang sabi sa akin sabay hawak sa mukha ko

Jusko akala ata ng anak ko nabibili sa mall ang kapatid, anak hindi mo alam kung gaano kahirap yang gusto mo I mean yung panganganak ang mahirap.

" Baby look at mommy"

"You will give me baby sister? I can tell daddy that" masiglang sabi niya sa akin

Alam kong posibling may mabuo sa loob ko after na may nangyari sa amin ni Kier pero kung ako ang ta tanungin sana wala na lang, ayokong magkaanak pa kami ulit ni Kier na sa ganitong sitwasyon kami, away bati tapos aalis siya kapag nag aaway kami babalik kung kalain niya lang gusto. Ayokong may madamay pang inosenteng bata at maiipit lang sila pagnagkataon.

"Honey, you can't have a baby sister that easily, ayaw mo na bang ikaw lang ang baby ni mommy? Kase ako I just want you to be my baby"

"Bakit nakabusangot ka?" natatawang sabi ko naman sa kanya paano kase hindi maipinta ang pagmumukha niya dahil sa sinabi ko

"You don't want to give me baby sister and I don't want to be a baby anymore, I want another baby mommy, please" nagmamakaawang sabi niya sa akin sabay halik-halik sa pisngi ko

Naku nga naman oh! Tuwing ginagawa ito ni Bless sa akin I always remember her father, ganito si Kier noon kapag may gusto siya na hindi ko pwedeng pagbigyan, kuhang-kuha niya tatay niya.

"In time anak, but now okay na si mommy na ikaw lang ang baby niya" hinalikan ko naman sabay yakap ng mahigpit sa kanya at niyakap naman niya ako pabalik

"Mommy dad's phone ringing" pukaw niyang sabi sa akin sabay tinuro ang phone ng ama niya

Wala naman sigurong masama kung tignan ko ang message diba? I mean I'm his wife may karapatan naman ako, isang beses lang naman eh. Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang mabuksan ko ang phone niya, his wallpaper caught my attention, then my tears starting to fall from my eyes mas dumagdag pa ang nag pop up na message.

Uuwi kaba? I can't meet you there nasa condo ako I can't leave our baby here, can you come nalang?

It was sent to him pero walang nakalagay na pangalan or kahit na ano man lang, nanginginig ang kamay ko habang nakatingin lang sa phone niya, sh*t no Zia wrong send lang ito, baka naman wrong lang he went to meet a client hindi babae and the wallpaper baka may reason siya, trust him, trust him.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon