Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Zia, alam kong kasalanan ko dahil hindi ako nag isip bago magsalita lalo na alam kong masakit yung katagang iniwan ko sa kanya, after ng sinagawan naming dalawa ay medyo naging awkward na kaming dalawa I make sure na kakausapin ko siya at bumabawi naman ako sa kanya pero siya yung umiiwas sa akin, ni simpling pag-alalay ko lang sa kanya ay ayaw niya, mabuti nalang at kinakain pa rin niya yung luto ko.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, nandito ako ngayon sa tambayan naming magbabarkada, wala naman akong trabaho ngayon at training, naiwan naman na kasama si manang Jen sa condo mabuti nalang at bumalik na rin siya kaya medyo hindi na awkward sa unit namin.
"Boy, nandito ka na naman"
"Pre, wala pampalipas oras lang, wala ka na bang class?"
"Wala na akong class nasa taas yung iba bakit hindi ka pumunta don, nga pala si Zia?"
"Ah! May kasama na siya sa bahay kaya tumambay na ako"
"Gang! Tawag ka nila ate Iya at Ell--uy kuya Kier dito ka pala gusto mong sumama sa amin? Nandon si Ate Zia kakarating lang niya kasama sina Ate Iya at Elle"
"Akala ko ba sa bahay niyo?"
"Narinig mo naman sinabi ni Mia diba? Kakarating lang nila, sige na mauna na kayo susunod nalang ako room at bibili pa ako ng pagkain ko hindi pa ako nakakapananghalian"
"Ay! Bad sa health yan kuya, sige mauna na po ako, Gang sumunod nalang kayo ni kuya"
Nang makaalis si Mia ay nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa, naramdaman ko namang inakbayan ako ni Mike kaya napatingin ako sa kanya
"Spill"
"Sus! Kilala na kita bro, nag away ba kayo?"
"Big fight bro"
"Halata nga never naman kayong nagkaroon ng malaking away ni Zia kahit noon paman, so gusto mong ikwento?"
Ikwenento ko naman sa kanya ang lahat simula umpisa hanggang sa huli, nakita ko namang sinamaan niya ako ng tingin dahil sa huling sinabi ko shempre yung sinabi kong masakit sa girlfriend ko.
"kung ako rin siya hindi lang hindi pagpapansin ang ginawa ko sayo hihiwalayan talaga kita" nailing na sabi niya sa akin sabay medyo sinuntok ang braso ko
"G*go ka bro"
"Alam ko yun, kaya nga hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin dahil ngayon parang hangin nalang ako sa kanya, alam mo naman ako minsan kapag pagod at naiinis wala nang isip-isip at magsasalita na kaagad ako. Alam ko naman na kasalanan ko hindi ko yun kinakaila kaso ewan ko ba kung bakit ko sinabi yun"
"Give her time"
"I'm dude kulang na lang umuwi ako sa bahay para lang maibigay ang time na yun"
"Alam kong alam mo naman kung ano ang gagawin mo, nga pala sige na bumili na tayo ng pagkain mo dahil kagagaling mo lang sa sakit baka mas madagdagan pa galit niya sayo"
"Hindi na tol anong oras na rin uuwi na ako, kailangan ko pang daanan yung kailangan ko para bukas sa trabaho, pakihatid nalang siya mamaya ha?"
"Hindi ka ba kakain muna?"
"Hindi na, sige na please take care of her alam mo naman ugali non" natatawang sabi ko sa kanya sabay tap ng shoulder nito at umalis na rin ako
Kahit gustuhin ko man tumambay don ay alam ko namang masisira lang ang araw ni Zia kapag nakita niya ako, ako na lang mag a-adjust sa kanya total kasalanan ko naman, pero hindi naman totoo yung may dadaanan ako alibay ko lang yun para makaalis, hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong sasakyan naka park sa labas ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
Broken Vows
FanfictionKaya bang maitama ang isang pagkakamali? Kaya pa bang mabago ang mali na nagawa? Pano kung nagsimula sa isang pagkakamali, maitatama ba ulit ng isa pang pagkakamali? Pano niyo maitatama kung lahat ng tao sa paligid niyo ay pilit na pinaparandam na a...