Chapter 43

236 5 0
                                    

"Besh" biglang sigaw ng dalawa niyang kaibigan nang makapasok sa loob ng bahay

"bakit kayo nandito and hindi uso kumatok bago pumasok?" naiiling na sabi ni Zia sa kaibigan nang makita na papalapit ang mga kaibigan nito

"wala sa bokabularyo ko yan" sabi ni Elle na dere-deretso lang

"naku besh, pagpasensyahan mo na itong si Kaelle dahil wala talagang proper education yan" naiinis na sabi ni Iya sa kaibigan at tumawa naman si Zia sa kanila

"ang g*ga mo talaga Iyanna bwisit" inis na sambit nito sabay upo sa tabi ni Zia

"BTW sino kasama mo rito?" tanong ni Iya habang nklilibot ang paningin sa buong bahay

"si Areumie nasa loob ng kwarto niya kasama si Agatha, so bakit napasugod kayong dalawa dito?" sagot naman no Zia sabay lumapit sa dalawa at nakipag beso

"sira hindi kaya natuloy ang plano natin dahil sa biglaang business meeting namin kaya kami na ang dumayo" naiinis naman na sabi ni Iya dahil napurnada ang kanilang sanang pagkikita noong nakaraan dahil naging busy silang tatlo

"so nakapag-usap na talaga kayo?" biglang tanong ni Elle nang makaupo ito sa sofa

"yes" sabi niya sabay ngiti nang mapait sa mga kaibigan

"so wala na talaga?" tanong ulit ni Elle

"yeah, alam ko naman since the first time na nalaman kong may iba na naman siya alam iba na, alam kong pwedeng niya kaming iwan mas panagutan ang bagong babae niya" Zia na nakangiti sa mga kaibigan

"hinanda ko na ang self ko para dito besh, pero bakit ganon besh? Hindi ko kaya, alam ko na dapat makipaghiwalay na ako sa kanya pero hindi ko magawa dahil umaasa ako na baka bumalik siya, ang g*ga diba?" sunod na sabi nito na may halong pagkabitter sa kanyang boses

"besh" tawag ni Iya

"ang sakit-sakit besh, hindi ko alam kung kakayanin ko ito, hindi ko talaga kaya" sabi ni Zia pero walang luhang kumakawala sa kanyang mga mata

"besh, kakayanin mo remember you have Bless, kay Bless mo ibigay ang lahat na pagmamahal na dapat kay Kier, please besh" pagpapatatag na sabi ni Iya sa kaibigan sabay hawak sa kamay nito at pinisil sabay ngiti

"masama ba ako para hindi ibigay sa kanila ang gusto nila?" tanong ni Zia dahil simula nong nag usap sila ni Kier ay tinatanong na niya ang sarili kung masama bang hindi niya ibigay ang mga nais ng mga ito

"nope, you hindi besh, wag mo namang isipin yan dahil naiintidihan ka namin, alam kong naiintidihan ka ni Kier, its your decision at the end, ikaw ang nasaktan pero hindi ibig sabihin masama kana dahil jan" sabi naman ni Iya sa kanya

"pero kung ako rin ang tatanungin hindi ako makikipaghiwalay kung nagkataon na ako ang nasa sitwasyon mo beshie, aba, swerte nila noh? Maging kabit siya forever" inis na inis na sunod na turan ni Iya sa kaibigan, naiiling naman si Elle sa sinabi ng kaibigan

"bakit hindi ka umiiyak?" out of nowhere na tanong ni Elle dahil kung siya ang sa sitwasyon ay baka humagulgol na siya sa iyak dahil sa sakit ng nararamdaman nito

"ewan ko, bakit gusto niyong umiyak ako?" natatawang sabi nito sa kaibigan dahil kahit siya ay hindi niya alam kung bakit wala nang luha na lumalabas sa kanyang mga mata

"oo naman, para naman mavideo kita tapos ipapakita ko yan sa barkada, pangit ka pa naman kapag umiiyak" sabi ni Elle sabay tumawa kaya napatawa na rin si Zia

"basher ka talaga" sabi naman ni Iya na tumatawa na rin

"just stating the truth" sabi ni Elle sabay irap sa kaibigan, tawa sila ng tawa hanggang sa kung saan na napunta ang kanilang usapan.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon