Sa unang pagkikita ko palang sa kanya alam kong na siya na ang lalaking mamahalin ko at magiging kabiyak isama pang naiplano ko na rin sa isipan ko na siya ang magiging ama ng mga anak at makakasama ko habang buhay. Nakakaloka diba? Pero yun ang totoo wala na akong ibang minahal na lalaki bukod sa kanya at wala naman na akong plano pa na magmahal ng iba dahil sapat nang mahal ko siya at mahal niya rin ako.
Hindi ko man plinano na maging isang ina at asawa nang ganon kaaga pero tinanggap ko ang lahat ng iyon dahil gusto ko at alam ko na yun ang tamang gawin sa buhay ang buhayin ang batang naging bunga naming dalawa at ang pakasalan siya dahil alam kong mahal niya rin ako. Naging masaya ang pagsasama naming dalawa kahit minsan merong mga hindi pagkakaunawaan pero naaayos naman kaagad dahil na rin sa ayokong matutulog na may hindi kami pag-uunawaan sa isa't isa. Pero akala ko happy ending na yun pala sa iba siya liligaya haha! Nakakatawang isipin na kahit na matagal na kaming makasama nagawa pa rin niya akong lukuhin ng hindi lang isang beses kundi maraming beses at ako namang g*ga panay na lang patawad ang sagot sa bawat kamaliaang ginawa niya.
Haist nako ayoko ko nanag isipin mas naiinis at nagagalit lang ako kapag iniisp ko yung ginawa na naman niya sa akin ngayon e! parang sinasampal na naman ako sa katutuhanan na hindi na talaga siya magbabago pa at wala nang pag-asa pa na magbago siya.
Ilang araw na ang naglipas pagkatapos nang pag uwi namin galing sa gym / training ko kasama ang bulingit kong anak, after that hindi na kami nagkita pa ni Kier yung dapat na mag-usap kami ay hindi nangyari dahil sa hindi siya nilubayan ni Bless hanggang sa kailangan na na naming matulog at uuwi pa siya. And I guess okay din yun dahil hindi pa ako handa na makausap siya I mean na pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa amin ngayon lalo na ang tungkol sa issue na meron kaming dalawa ngayon dahil aaminin ko hindi ko pa lubos na natatanggap na this time bumalik na naman kami sa dati and this time nagpakatanga na naman sa taong akala ko magbabago at naniwala sa mga salita niya. Hayop ang tanga mo Letizia!
"Mommy,are you and daddy fighting?" agad naman akong napatingin sa anak ko nang bigla siyang magsalita, hindi agad ako nakasagot sa kanya and nandito kami ngayon sa bahay dalawa lang kami ulit wala ang parents ko may pinuntahan kase sila ang balak pa sana nilang isama si Maldita kaso sabi ko wag na muna dahil gusto kong masolo ito kahit puro pagmamaldita lang ang ginagawa niya kapag ako kasama niya.
May pinagmanahan nga naman kase sa kamalditahan oo na alam ko na yun mana sa nanay niya.
Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa pagkagulat sa kanyang tanong, siguro napansin niya na napatahimik o nag isip muna ako kaya agad naman na siyang nagsalita.
"Is it because of me?" agad naman akong napakunot ng noo at tinignan ang anak ko nang sabihin niya iyon ang inosente ng mukha niya na alam kong puno ng tanong kung dahil ba sa kanya kaya kami nag-aaway ng magaling niyang ama
"What are you saying and where did you get that idea?" takang tanong ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya para mas maharap sa akin medyo nailang ata siya sa tingin ko kanina baka akala niya galit ako
"Si Rubi kase sabi niya her parents always fight kase dahil sa kanya kaya baka kayo rin ni daddy nag-aaway because of me, kaya kayo hindi happy dahil sa akin—mommy if dahil sa akin I am sorry, promise hindi na ako pasaway basta bati na kayo ni daddy pwede ba yun?" base sa mga salitang binitawan ni Bless she's not asking she's stating a thing kung bakit bakit kami ganito ng daddy niya at gusto kong umiyak dahil sa inisiip ng anak ko, agad ko siyang kinalong at pinaharap sa akin sabay hinawakan ko ang pisngi niya, I look at her angelic face ang mukhang minahal ko at alam kong mamahalin ko hanggang sa huling huninga ko.
"Oh! Gosh! Honey ano bang pinagsasabi mo ha? Sinong nagsabi sayo nang ganyan? That's not true we're not fighting because of you and masaya kami sayo anak, don't ever think about that negative thoughts okay?" halos malagutan ako nang hininga habang kinakausap ko siya, I was taken aback sa mga pinagsasabi niya never kong naisip na ganon ang dinala ni Bless sa buhay ko o sa buhay namin ni Kier, I know she's was unexpected pero she gave me this wonderful experience na kahit kailan hindi ko ipagpapalit at never kong ipagpapalit. Sabi ko nga kahit na bumalik sa nakaraan I will choose to have her kahit na mahirap pa rin, I still want to be a mother to her kahit na anong mangyari.
BINABASA MO ANG
Broken Vows
FanfictionKaya bang maitama ang isang pagkakamali? Kaya pa bang mabago ang mali na nagawa? Pano kung nagsimula sa isang pagkakamali, maitatama ba ulit ng isa pang pagkakamali? Pano niyo maitatama kung lahat ng tao sa paligid niyo ay pilit na pinaparandam na a...