Chapter 45

320 5 6
                                    

I dont know if you will like this chapter haha!! But salamat sa mga magbabasa nito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Habang nasa sala kami ni Bless ay may napansin akong namumula sa kanyang kamay pati na rin sa kanyang paa.

"Areumie come here" tawag ko sa kanya

Agad naman siyang lumapit sa akin, hinarap ko siya sa akin, tinignan ko ang kanyang kamay pati na rin ang kanyang paa.

"is this ouchie baby?" tanong ko sa kanya habang hinahawakan ko ang kanyang pasa pero umiling lang ito sa akin

"how about this?" tanong ko ulit at umiling lang siya sa akin bilang sagot habang busy pa rin siya sa kanyang laruan na hawak nito

"where did you bump this?" takang tanong ko habang pinaharap ko siya sa akin

"I don't know" sagot niya sabay pout sa akin

"Agatha!" tawag ko kay Agatha na nasa kusina naghahanda ng merienda namin, nang marinig niya ay agad siyang lumapit sa amin

"po?"

"where did she get this bruises Agatha?" takang tanong ko sa kanya at tinuro ang mga pasa ng anak ko

Tinignan niya naman muna ito at umiling siya bilang sagot sa akin.

"nong nakaraan pa po yan ate, akala ko nga dahil sa pagkahulog niya sa kama pero hindi naman po, tapos nong nakaraang linggo naman sa likod niya maraming pasa rin po. Akala ko nga po nakita na ninyo" detalyadong sabi niya sa akin

"sa likod niya?" tanong ko at tumango naman siya bilang sagot sa akin

Pinatalikod ko naman si Bless at nakita ko nang may mga pasa ito sa kanyang likod, mas marami pa kaysa sa kamay at paa niya, pero yung sa likod medyo nawawala na rin dahil hindi na masyadong visible sa mata ko.

"tell me Agatha, napalo ba siya ni Kier?" tanong ko sa kanya

Kase minsan hindi kamay ang gamit ni Kier kapag pinapalo niya yung mga bata dahil nga para raw magtanda kaso madalas may pasa ito konti lang naman, ewan ko ba don.

"wala nga po ate, kahit si kuya sinabihan ko na yan, sabi niya baka nahulog lang si Bless dahil malikot masyado, pero ate iba naman po yung pasa na nahulog dahil masakit. Hinintay ko nga po kayong makauwi para sabihin dahil kinakabahan ako" sabi nito sa akin

"tell me Areumie does daddy palo you?" si Bless na ang tinanong ko dahil baka hindi lang alam ni Agatha na napalo siya

"no" simpling sagot niya

"then why do you have this?" tanong ko ulit sa kanya baka this time magsalita na

"don't know" sabi niya at bumalik na naman sa paglalaro niya

"Agatha pakibantayan naman si Bless may tatawagan lang ako sandali" sabi ko kay Agatha sabay tumayo at lumabas sa sala at pumunta sa garden para tawagan si Mia

Yes ate?

May office ka bukas?

Yes ate, bakit magpapacheck up?

Hindi ako, nga pala si Bless ang ipapatingin ko may kilala kang pedia?

Uhhh! Meron ate kaso hindi ko alam kung may duty siya bukas, bakit diba may pedia si Bless?

Wala kase siya ngayon dito sa Pinas, Baby Mia kaya wala akong malapitan and dapat na akong magpalit ng pedia dahil nga nahihirapan akong hagilapin yung pedia niya.

Hahahaha! Busy kase ata yun, sige ate text kita kapag may duty siya bukas, teka bakit ba ipapacheck si Bless?

May mga pasa-pasa kase siya sa katawan Mia, hindi ko alam kung san niya nakuha hindi naman kase nabangga sabi ni Agatha. Basta bukas ha?

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon