Iya's POV
"sure ka sa nakita mo?" paniniguradong tanong ni Elle habang nagtatali ng buhok niya, kanina pa kami dito sa gym pero wala pa rin si Coach mukhang matatagal pa sila, kaya naman nakatambay lang kami dito
"oo nga ikaw pa ba? 4 na nga mata mo pero malabo at hindi pa mapagkakatiwalaan minsan" pang-iinis naman ni Isabel kay Marie, napapailing nalang ako dito sa kinauupuan ko
"ikaw Isabel makapag ano ka sa akin" inis na bulyaw ni Marie sa kanya sabay dinuduro pa nito ang isa
"tumigil kayo, so sure ka?" saway ko naman sa kanila sabay tinaasan ko sila ng kilay, minsan talaga kailangan ko na ring maging maldita para lang umayos sila
"oo nga kase ate, sure ako na siya talaga yung nakita ko medyo malapit kase ako sa area nila" pagpapaliwanag niya sa amin
Kanina pa niya kase sinasabi sa amin na nakita niya itong may kasamang iba, katulad din nang nakita nina Elle at ate Steph pero like them no proof hindi nila nakuhanan ng kung ano man para patunay sa pagtataksil nito sa kaibigan namin, ayaw naman naming magsalita nang wala kaming hawak na kahit na anong evidence kaya ito nagtatalo-talo na.
"kung ganon kilala mo o namumukhaan mo kung sino ang kasama?" parang imbestigador na tanong ni Nigellie na nagtatali ng buhok ni Mia sa may bench
"hindi ko kilala pero familiar ang mukha niya, I think nakita ko na siya somehow" pinipilit nito aalahanin kung ano saan niya nakita ang tinutukoy niya
"nakuhanan mo?" sabay-sabay nilang tanong sa kanya, ako naman nakikinig lang
"yah, thats the most important part" sabi naman ni Kim
"I didn't nagulat kase ako sa nakita ko kaya hindi ko na naisip gawin yun" mahinang sabi ni Marjie na parang nakagawa nang malaking kasalanan
"it's okay, so wala pala tayong magagawa sa ngayon" sabi ni Nagellie
"why?"
"we don't have any concrete evidence sabi nga ni ate Steph hannga't walang patunay walang maniniwala" naiinis na sabi ni Elle
"so we will just wait hanggang sa mahuli na talaga natin at may evidence pa" sabat naman ni Nagellie
"may balita kayo tungkol kay Joan?" tanong ni Gretch na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa bangayan at usapan namin
Nang bumalik ako dito sa Pinas and sa paglalaro ay wala na si Joan akala ko ay nagbabakasyon lang pero lately ko rin napapansin na nagkakaroon ng group sa team namin and yung usapan na nag away-away sila. Hindi ako nagsalita o nagtanong dahil ayokong mag ugat na naman ang kung ano sa kanila, I just leave it with them kahit na kating-kati na ako na magsalita.
"isa pa yun" malditang sabi naman ni Yrenea na nakaupo sa tabi ni Therese
"oo nga noh, MIA na siya" Bie is one of the senior kaya alam kong nag aalala siya para kay Joan dahil close din naman sila
"Isabel?" si ate Gretch na ang nagtanong, mag bff naman kase sila so for sure alam niya kung saan ang kaibigan niya
"wala ate, since the last time we had a fight wala na kaming communication" walang ganang sabi ni Isabel
Napakunot naman ang noo dahil sa sagot nito isa rin siya sa naging kaaway ni Joan? I mean part ng frienship ang away pero parang ang lala ata ng away nila at nagkampihan na sila.
"na try ko siyang tawagan pero unattended kase ate" singgit naman ni Kim
"si Mike tikom din ang mga bibig niya tungkol dito" sabi naman ni Ana
BINABASA MO ANG
Broken Vows
FanfictionKaya bang maitama ang isang pagkakamali? Kaya pa bang mabago ang mali na nagawa? Pano kung nagsimula sa isang pagkakamali, maitatama ba ulit ng isa pang pagkakamali? Pano niyo maitatama kung lahat ng tao sa paligid niyo ay pilit na pinaparandam na a...