Chapter 44

201 5 0
                                    

"Letizia wala nang atrasan ito" bulong ni Zia sa kanyang sarili habang nasa harapan ng pintuan ng isang apartment.

Nakailang katok pa siya bago may narinig na sumagot sa loob at bumukas ang pintuan.

"sin---"

"Amanda right?" tanong ni Zia habang nakatingin sa babaeng kaharap niya

"won't you let me in?" nakataas kilay na tanong nito dahil sa inis ay si Zia na mismo ang pumasok sa kanilang bahay at nilibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay

"so ikaw pala yung babae ni Kier?" agad na sabi ni Zia nang makapasok sa pintuan ng condo unit

"mama/Zia" sabay na sabi ng dalawa, agad namang lumapit sa kanya si Lucia at sabay tumayo naman si Amanda na gulat na gulat

"mama, where's ate?" tanong ng bata sabay yakap sa isang paa niya na naabot nito

"she's at home" simpling sabi niya sabay himas sa buhok ng bata at ngiti

"Jasmine, pakidala muna sa park si Lucia" utos ni Amanda sa kanyang kapatid

"okay po ate" sabi naman ni Jasmine kapatid nito at agad na kinuha ang pamangkin sa harapan ni Zia at lumabas ng condo unit

"what are you doing here?" naiilang na tanong ni Amanda kay Zia nang masigurong nakaalis na ang anak nito kasama ang kapatid niya

"may nakapagsabi lang sa akin na dito ko makikita yung bagong pamilya ng asawa ko" nakataas kilay na sabi nito

"ayoko ng gulo please" pabulong na pagmamakaawa nito habang nakatingin kung may ibang tao bang nakakakita o nakakarinig sa kanila

"sana naisip mo muna yan bago ka kumabit sa asawa ko, now I want to hear your side" malditang sabi sa kanya ni Zia

"akala ko ba nakapag usap na kayo ni Kier, nasabi na niya sayo ang lahat diba?" mahinang sabi sa kanya ni Amanda na ngayon ay natatakot na

"I told you I want to hear your side, wala akong pakialam sa side ni Kier I want to hear your side" medyo tumaas ang boses ni Zia sa sunod niyang sinabi kaya napaayos si Amanda

"hindi ka magsasalita? Okay then hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nagsasalita, baka gusto mong hintayin pa natin si Kier dumating dito?" nakangising sabi niya kay Amanda

"hindi ka magsasalita?" mapanghamon niyang sabi sa kalaguyo ng asawa niya

Hindi naman nakapagsalita si Amanda at nakatingin lang siya kay Zia, this is the first time na makita ang asawa ni Kier at hindi niya aakalain na sa ganito sila magkikita.

"mag umpisa kana, as far as I know 5 ang uwi niya" nakangising sabi nito sa babaeng kaharap nito

"wala kang sasabihin?" malditang tanong niya ulit dahil mukhang walang balak na magsalita ang nasa harapan niya

"sige ako na lang total parang wala kang balak magsalita kaya ako na lang" nakangising sabi nito kay Amanda

"bakit sa dinarami-daming lalaki bakit asawa ko pa? Bakit sa taong may pamilya ka talaga pumatol?" naiinis na tanong nito

"sumagot ka ano wala ka bang dila ha?" inis na sigaw nito

"hi-hindi ko sinasadya alam kong huli na ito pero sorry, sorry kase hindi ko napigilang mahalin ang asawa mo, sorry kase hindi ko nagawang mag isip ng tama" nagmamakaawang sabi nito kay Zia

"tsk! I don't need your sorry alam mo yan, hindi mo sinasadya? Really? For 3 years? 3 f*cking years hindi niyo sinasadya? Kag*go naman yan ano yun nagkikita kayo ng hindi niyo sinasadya ha? Nakakaloka naman yang hindi sinasadya niyo, pati ba ang pagbubuntis mo sa anak mo hindi mo sinasadya?" nanggagalaiting tanong ni Zia sa kanya pero pasigaw kaya medyo napa atras si Amanda

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon