"lola" sigaw ni Bless nang makapasok sila sa bahay ng kanyang mga lolo at lola
"Areumie" sabay na bati ng dalawang matanda na kahit ay gulat sa biglaang pagpunta nila ay niyakap nila ang apo
"lola, lolo I miss you" malambing na sabi nito sa dalawang matanda
"sana nagsabi ka na dadalaw kayo anak para naman nakapaghanda kami" nahihiyang sabi nito habang nakikipag-beso sa kanyang manugang
"biglaan lang naman po kase ma, kakarating ko lang kase tapos nag-aya na itong pumunta rito sa inyo" sabi naman ni Zia sabay lumapit sa anak niya
"ay oo nga pala, hali ka at tikman mo yung binagoong ko anak, Bless sama ka kay lolo may ibibigay siya sayo" pag-aaya nito sa kanya
"yes!"
"behave" madiing paalala nito sa anak at tumango naman si Bless bilang sagot niya
Pumunta sila sa kusina at pinaghain siya ng ginang ng bagong lutong binagoong nito.
"masarap naman po siya ma, kaso hindi naman kumakain nito si Areumie" nahihiyang sabi nito dahil baka ma offend ang matanda sa kanya
"bakit nga ba hindi siya pwede nito?" nagtatakang tanong niya kay Zia habang naghahalo ng linuto nito
"may allergy po kase siya pero hindi naman po yung sobra kaso iniiwas ko lang po talaga ma" nakangiting sabi nito habang kumakain
"Zia" nahihiyang tawag ng matandang babae sa kanya
"po ma?" nakangiting sagot niya habang hinahawakan ang kamay ng matandang babae
"ma, wag kang kabahan masarap naman talaga itong luto mo wag kang mag alala nagsasabi ako ng totoo sa inyo" sabi ni Zia sa kanya dahil pansin niyang medyo kinakabahan ito
"sorry anak ha?"
"para saan po ma?"
"sa ginawa ni Kier sa naging decision ni Kier na iwan kayo" maluha luhang sabi ng ginang sa kanya
"ma, okay na po. Tanggap ko na po, ako nga po ang dapat humingi ng tawad 'coz I can't give the annulment na hinihingi nila" malungkot niyang sabi sa ina ng kanyang asawa
"you don't need to be sorry anak, karapatan mong panghawakan yan, bahala silang mamuhay basta wag mong bitawan yan anak. Kung hindi mo pa kaya, wag muna hintayin mong makakaya mong pakawalan ang kasal niyo para hindi mabigat" nakangiting sabi niya at hinawakan ang kamay ni Zia
"ma, wag kang mag alala kapag kaya ko na ibibigay ko naman po sa kanila kaso now I just can't" she was assuring her mother in law na kapag handa na siya ay siya na mismo ang gagawa ng paraan
"I'm so proud of you anak kahit na ganito na yung nangyari at nagawa nila hindi ka pa rin natutong magtanim ng sama ng loob, hindi ka parin nagbabago" talagang proud siya sa kanyang manugang dahil hindi ito nagtatamin ng sama ng loob kahit na sobra na ang ginawa sa kanya
"For my daughter ma, hahayaan ko na lang po, ayoko rin na magkagulo pa kami total nakapili na rin si Kier kaya hahayaan ko na sila, as long as hindi siya nagkukulang kay Bless wala kaming magiging problema" nakangiting sabi nito
"hay! Sana lumaki si Bless na katulad mo, you deserve the happiness anak" nakangiting sabi nito
"wag naman po sanang lumaki siyang katulad ko in all aspect ma, kawawa na talaga anak ko" natatawang sabi niya pero yun talaga ng gusto niya ang hindi mamana ng anak ang lahat ng traits niya dahil magiging kawawa lang ito
"basta wag kang mag-alala dumalaw lang kayo rito sa bahay ni Bless. Nga pala dito na rin kayo nag lunch ha? Magluluto ako ng paborito niyo" sabi sa kanya ng mother in law niya
BINABASA MO ANG
Broken Vows
FanfictionKaya bang maitama ang isang pagkakamali? Kaya pa bang mabago ang mali na nagawa? Pano kung nagsimula sa isang pagkakamali, maitatama ba ulit ng isa pang pagkakamali? Pano niyo maitatama kung lahat ng tao sa paligid niyo ay pilit na pinaparandam na a...