Chapter 12

4.1K 47 2
                                    

Paalala bawal bata!!

Mature, Rated SPG!

************************************

"Bakit ngayon ka lang?" bungad ko kay Kier nang makapasok siya sa unit, tinignan naman niya naman ako sabay lumapit sa akin, akmang hahalikan niya sana ako ay agad ko siyang tinulak pero mahina lang naman sapat lang para hindi niya ako mahalikan.

"Galit ka na naman" nailing niyang sabi sa akin habang tinatanggal ang sapatos niya

"Dahil gabe ka na naman umuwi, ano ba balak mo ha? Umaga ka aalis tapos uuwi ka ng ganitong oras Kier aba naman swerte mo ako sa buhay habang ako dito nabubulok" galit na pagparinig ko sa kanya hindi na siya sumagot pa at pumasok nalang siya sa kwarto

"Kausapin mo ako Timothy kundi lalayasan talaga kita" sigaw sa kanya, wala akong planong matulog na magkaaway pa rin kami kaya bahala siya sa buhay niya, game na game ako sa bulyawan ngayon. 😏

Galit pa rin ako sa kanya after that sumbatan last time until now ay hindi kami masyadong nag uusap, wala akong pakialam kaya ko siyang tiisin akala niya ata ako pa susuyo sa kanya, siya naman yung may kasalanan. Its been almost 2 weeks nang mangyari yun and we never had a proper talk kundi iwasan ay sagutan naman, nakakapagod na.

"Kausapin mo nalang ako kung hindi na mainit ulo mo Letizia dahil alam mong mapapatulan talaga kita kapag hindi kapa tumigil sa kakasigaw mo jan" Inis na sabi niya mula sa kwarto, I know him sasabayan niya talaga ang init ng ulo ko, hindi kami katulad ng iba na kapag mainit ang ulo ng isa may isang iintindi hindi kami ganon

"Bakit nga ngayon ka lang? May babae ka?" biglang sabi ko sa kanya, kahit naman alam kong wala dahil kasama niya sina Matt at Kyle minsan sumasagi sa isipan ko na maghahanap talaga siya ng iba lalo na at buntis ako I can't be the same way I'm like before pagdating sa pagtatalik dahil na rin sa iniiwasan kong ma pressure yung tyan ko and nahihiya ako kapag tinatanong ako ng Doctor tungkol sa ganon bagay.

"Babae? Issue ka na naman diba ayaw mo akong makita kaya umaga ako umaalis at gabe na ako umuuwi dahil sa tuwing nakikita tayo puro nalang away at sigawan nakakapagod na Zia, pagod na ako mula trabaho tapos away pa uuwian ko. Alam kong pagod ka na rin kaya please lang let's just stop this kung ano gusto mo susundin ko nalang para wala nang away" mahinang sabi niya sa akin nang makalabas siya sa kwarto nakabihis na ito ng pambahay, I can senses the tiredness in his voice

"Tingin mo ako hindi? Aba naman ano tingin mo sa akon napapakasarap lang dito sa bahay ha? Hindi mo alam na mas mahirap itong magbuntis habang iniisip ko kung kakayanin ba natin ito, I want to go back on my old life Kier I really want pero alam kong hindi pwede. Kaya sabihin mo sa akin na hindi ako pagod, hindi porket ikaw ang nagta-trabaho ikaw lang yung nakakaramdam ng pagod dahil mas nakakapagod ang manatili dito habang buntis" galit din na sabi ko sa kanya, pareho kaming pagod pero alam kong hindi ako susuko

"Let's talk some other times just sleep" tanging sabi niya sa akin

"Kailangan nating pag usapan ito Kier, dahil the more na hindi tayo nagkakalinawan hindi ako mapapanatag" pagsusumamo ko sa kanya, nakatingin siya sa akin habang hinihintay niya ang susunod na sasabihin ko

"Gusto mo pa ito Kier? Kase kung ayaw mo na pwede na akong bumalik sa magulang ko tatanggapin ko lahat ng salita nila para lang maibigay ang kalayaan mo" nakapikit na sabi ko sa kanya, I want to hear his side yun ang kailangan ko mgayon

"Alam kong hindi madali pero sinusubukan ko naman Zia, I'm trying to give you everything the life that suppose you have, ginagawa ko lahat para sa inyo kase mahal ko kayo, kung tatanungin mo ako gusto ko pa ba? My answer always yes kase gusto mo, dahil masaya ka dahil mahal kita. I want to work this babe pero kase mahirap pareho tayong mainitin ang ulo kaya madalas naglilibayab ang bawat away natin--" he look at me parang tinutunaw niya ako gamit ang kanyang mga tingin, those eyes are telling something pero hindi ko mawari kung ano iyon

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon