Chapter 25

251 3 0
                                    

3rd Person's POV

"ano na naman Kier" inis na sabi ni Zia sa asawa niya dahil kanina pa sila nagtatalong dalawa simula nang dumating si Zia sa kanilang tahanan

"bakit mo nga kase kasama si Jason? Ang sabi mo lang barkada wala kang sinabing kasama yung lalaki na yun" tanong nito pinipigilan niyang magalit nang husto

"come on Kier, kaibigan ko rin naman siya and hindi lang kami ang naruroon I'm with the barkada" depensa naman ni Zia dahil ayaw siyang tigilan ng asawa sa kakalagay ng issue sa kanya

"kaibigan ba talaga? As I know ex mo yung g*gong yun kapag ex na hindi na pwedeng gawing kaibigan" giit naman ni Kier na medyo napapataas na ang boses niya dahil sa galit na kanina pa niya pinipigilan

"Kier naman ang tagal na noon, ilang taon na ang nakalipas, may anak na nga tayo, kasal pa nga. Ano pa ha? Selos ka ng selos wala naman sa lugar" bulyaw ni Zia sa kanya pabalik at napapataas na rin ang kanyang boses dahil sa inaakto ng asawa nito

"hindi naman ako magseselos kung wala eh, pero jusko halos 3 araw na kayong nagkikita, ano gusto mong isipin ko?" galit na sabi nito sabay tapon ng baso sa pader

"Kier" sigaw ni Zia dahil sa pagkagulat niya, halos mapatalon siya dahil sa gulat nang itapon ng asawa ang baso sa pader

"letse naman kasi Zia!" galit na sigaw ni Kier sa kanya sabay pinantatapon na naman ang ilang mga gamit na mahagip nito

"hindi mo kailangan mambasag o sumigaw, natutulog na ang anak mo ano kaba naman, mag-usap tayo nang mahinahon hindi yung ganito" saway naman sa kanya ni Zia na pilit tinatago ang takot na nararamdaman niya habang nakatingin sa asawang puno ng galit

"wala akong pakialam, ano may relasyon kayo?" sigaw ni Kier sabay dinuduro niya ang asawa

"ano na naman bang pumapasok sa isip mo ha? Sa tingin mo may oras pa akong magloko ha? Ni hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko tapos makikipaglandian pa ako sa iba?" sarkastikong sabi ni Zia

"malay ko ba naman na naisisingit mo ang makipaglandian sa ex mo na yun, sa bagay sa tagal niyo ba naman alangan di mo isipin na balikan diba?" nakangising sabi ni Kier sa kanya

"Alam mo yan ang problema sayo eh and wag mong ipasa sa akin ang gawain mo dahil hindi ako ganong tao" sabi naman ni Zia sabay labas ng kwarto nila

Nang makalabas siya sa kwarto ay parang namutla siya dahil nakita niyang nakatayo sa harapan ng pintuan ng kanilang kwarto ang anak nito na umiiyak.

"Bless" gulat na tawag niya sa anak na nalumuluha habang nakatayo sa harapan niya

"mommy" umiiyak na sabi ng anak niya

"Hey, don't cry baby" sabi niya at pinantayan ang anak nito sabay niyakap niya

"shhhh!" pagpapatahan niya sa anak sabay buhat nito at dinala sa kwarto ng anak

Nang makapasok sila sa kwarto ay umupo siya sa kama ng anak at hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak ang anak nito.

"stop crying" paaalo niya habang hinihimas ang mahabang buhok ng anak niya

"Are you fighting?" umiiyak na tanong nito sa akin

"not baby may hindi lang kami napag intindihan ni daddy, stop crying na" sagot na lang ni Zia sa anak at pinunasan ang mga luha nito

"mommy!" tawag ng anak nito sa nito

Hinarap niya naman sa kanya ang anak niya para itanong kung ano ang gusto nito pero umiling lang sa huli ang bata at sinubsub ang mukha niya sa dibdib ng ina. Sinusuklay-suklay naman ni Zia ang buhok ng anak hanggang sa naramdaman niyang nagpantay na ang hininga nito, inilapag niya sa kama ang anak nito, inayos niya ang kanyang pagkakahiga at natulog na rin sa tabi ng anak.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon