"nagkasagutan kayo ni mama kuya?" tanong ni Max sa kuya niya sabay umupo sa tabi nito
"ano bang bago jan Max? Always naman sila nagkasagutan ever since nakipaghiwalay si kuya diba? Hindi mo naman kas--" Hindi naman natapos ni Maz ang sasabihin niya dahil sa tinignan siya ng kambal nito ng masama
"Maz!" saway niya sa kambal niya
"what? I'm just saying. And besides hindi naman na bago ito diba? Kaya wag kang ano jan, alam na ni kuya yung reason" depensa naman nito sa kanyang kapatid sabay nag-irap naman siya
"kahit na, isa ka pa ikaw parang wala kang respect kay kuya at ate Amanda kung makapagsalita ka eh! Umayos ka" parang matandang saway niya sa kakambal nito at tahimik lang si Kier na nakikinig sa usapan ng kambal
"tsk! Respect their ass" Inis na sabi niya sa kambal sabay walk out nito naiwan namang naiiling ang kakambal at si Kier na hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin.
"hayaan mo na lang sila kuya, minsan kase hindi ko maintindihan yang kakambal ko ang lalim ng hugot sa buhay" nakangiting sabi nito sa nakakatandang kapatid
"ikaw naman kase dapat hinayaan mo na lang si mama na tumalak para hindi na nagkasagutan pa, simula nang manyari ang sa inyo ni ate Zia hindi na tumahimik yang si mama. Ikaw nalang sana ang umiwas sa kanya kuya" sunod na sabi niya pero more on pinapagalitan niya ito dahil sa pagsagot sa ina nila
"Hindi ko na nakaya kanina kaya nasagot ko na siya, ewan ko ba siguro napuno na rin ako sa mga salita niya na walang preno nakakasakit ba eh, nanahimik lang si Amanda pero dinaramdam niya yung mga naririnig niya kay mama isama mo pa yang si Maz na pati mga bata dinadamay niya" sabat naman ni Kier habang nilalaro ang baso na may laman na juice
"nasaktan lang naman sila kuya" nang sabihin ni Max iyon ay agad namang napatingin sa kanya ang kapatid niya
"bakit ikaw?" nagtatakang tanong nito dahil alam niyang nasaktan niya rin ito ng sobra
"bakit ako? Kase mas pinaiiral ko ang pag-intindi sa inyong lahat like papa kase kung lahat kami sasabog baka mas lalong magkagulo pa at mas masisira ang lahat. Wala naman kaseng magagawa kung lahat kami magagalit eh, besides bago umalis si ate Zia kinausap na niya kami pero ewan kay Maz at hindi ata naalala yung sinasabi ni ate" mahabang paliwanag niya sa kapatid na kung bakit hindi siya nagagalit sa kanya
"nakapag-usap kayo?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Kier sa kanya
"yeah!" simpling sagot nito sa kuya niya
"why you didn't tell me?" medyo napataas ang boses nito na nagtatanong sa kapatid
"kase yun ang sabi ni ate sa amin, what ever we talked about ay sekreto at never dapat banggitin pero dahil nasabi ko na wala na akong magagawa pa, kuya she was so broken that time kahit na nakangiti siya habang nakikiusap sa amin na wag magalit sayo ay alam kase niya na magagalit kami nang sobra kaya napagsabihan kami kaagad. She was genuinely saying na hindi siya galit, naiintindihan niya and she loves you so much kaya kaniya napatawad kahit hindi kapa humingi sa kanya, she want you and ate Amanda to be happy wag mo raw gawin sa kanya yung nangayayri ngayon, learn from your mistake nga raw." mahabang sabi niya sa kuya niya at sinabi ang huling salita ni Zia para maintindihan nila ng kambal niya kung bakit hindi dapat sila magalit sa kanya
"you were too lucky to had ate Zia as your wife and a mother of your child kase mahal na mahal niya kayo, never ka niyang sinumbatan kase alam niyang may mga shorts coming ka rin naman pero siguro nga hindi sapat ang pagmamahal kaya mo nagawa yung mga bagay na yun, hindi sapat ang pagmamahal mo sa kanya para siya lang ang mahal at piliin mo hanggang sa huli. Pero para sa amin kuya sapat na sapat na siya eh, she's almost and beyond perfect nga eh, ikaw lang naman ang tumingin at naghanap ng iba" naghihinayang na sabi nito sa kapatid niya at ngayon ay nakatingin na sa kuya niya
BINABASA MO ANG
Broken Vows
FanfictionKaya bang maitama ang isang pagkakamali? Kaya pa bang mabago ang mali na nagawa? Pano kung nagsimula sa isang pagkakamali, maitatama ba ulit ng isa pang pagkakamali? Pano niyo maitatama kung lahat ng tao sa paligid niyo ay pilit na pinaparandam na a...