"anong meron at napaaga kayo rito sa bahay anak?" tanong ni mama nang makapasok kami nag kiss naman sa kanya ang dalawang bata pati na rin kay papa
"Asan pala sila Fourth at yung kahmbal?"
"nasa galaan anak, alam mo naman mga yun" sagot ni papa sa akin
"teka asan ang asawa mo?" singgit na tanong naman ni mama nang makaupo na siya sa sofa
"may trabaho kase siya ma eh! Pero susunod yun mamaya" dahil sa sagot ay tumaas na naman ang kilay ng nanay ko, ay naku nalang talaga
Oo nga pala hindi namin kasama si Amanda dahil meron siyang business meeting na kailangang tapusin plus may hindi kami pagkakaunawaan kaya for sure gusto lang no'n malakayo para hindi kami magkasagutan ulit.
"aba yang asawa mo akala mo naman ginugutom mo kung inalagaan niya na lang kaya itong mga apo mas okay pa hindi yung panay trabaho pati Sunday hindi pinalampas" naiinis na sabi ni mama sa akin habang hinihimas ang buhok ni Cia nakaupo kase ito sa lap niya while si bunso naman ay na kay papa
"ma!" saway ko sa kanya
Immune na kami ni Amanda sa mga salita ni mama always naman kase niyang napupuna ang asawa ko kahit na anong gawin nito eh, hindi naman pinapansin ni Amanda dahil alam niyang may mga bagay na mahirap para kina papa lalo na kay mama. Pero minsan shempre nakakainis at nakakarindi na rin yung mga sinasabi niya.
"ipagtatanggol mo na naman?"
"ma, nandito yung mga bata at isa pa ang pinunta namin dito ay para maka bonding niyo ang dalawa hindi yung punahin mo na naman ang asawa ko" saway na sabi ko sa kanya
"pa--"
"Darling, hayaan mo na kase si Amanda buhay naman niya yun hindi niya naman napapabayaan ang mga bata at ang anak natin kaya let her do what she want at isa pa pinayagan naman siya ni Kier" mahinang saway din sa kanya ni papa at tumayo sa sofa habang buhat-buhat si bunso
"Cia let's go may ipapakita si lolo sayo" sabi niya at tumayo naman si Cia sabay lumapit kay papa at pumunta sa playroom for sure alam ko na ang mangyayari
"ngayon kinakampihan mo na asawa mo? Jusko Kier sinasabi ko sayo yang babaeng yan parang walang asawa at mga anak ah!"
Sabi ko na nga ba hindi talaga matatapos ito nang basta - basta lang eh! Knowing my mother pagdating sa asawa ko.
"ma naman ginagawa naman niya yung mga dapat niyang gawin sa amin pero hindi naman po dapat na pagsabihin niyo siya nang ganyan, she was doing this para rin naman sa mga bata hindi lang para sa kanya" sabi ko naman sa kanya sabay hinarap ko siya
"para sa mga bata at sayo? Aba! Bakit hindi mo ba siya o sila kayang buhayin? Mabubuhay mo sila kahit na hindi na siya magtrabaho pa pero mas pinili niya ito" sabi naman ni mama at medyo tumataas na talaga ang boses niya
"ma, intindihin mo naman siya may mga bagay na gusto niya sa buhay niya at may mga gusto siya na hindi naman niya pwedeng iasa pa sa akin. She want to give them naman sa mga bata yung galing sa kanya, hindi naman siya nagkukulang sa amin kaya, okay lang" I was defending my wife shempre alam ko naman na hindi naman siya nagkukulang kaya go lang hangga't gusto niya
"bahala ka sa buhay mo, total mas mabuti nga naman yun para hindi na siya umaasa sayo" pabulong na sabi ni mama yung huling mga salita niya napailing na lang ako dahil alam ko naman kung saan na naman siya nanggaling sa mga salita niya
"why can't you give her chance to prove herself" sabi ko naman sa kanya pero ngayon ay parang sinusuyo ko siya
"Hindi niya kailangang na prove ang sarili niya dahil alam mong walang magbabago diba? Bakit kapag ba na prove niya angd sarili niya maibabalik ba ang mga nawala? Maibabalik ba yung mag-ina mo?" sarkastikong sabi ni mama sa akin
BINABASA MO ANG
Broken Vows
FanfictionKaya bang maitama ang isang pagkakamali? Kaya pa bang mabago ang mali na nagawa? Pano kung nagsimula sa isang pagkakamali, maitatama ba ulit ng isa pang pagkakamali? Pano niyo maitatama kung lahat ng tao sa paligid niyo ay pilit na pinaparandam na a...