Amanda's POV
I first met Kier sa isang business meeting outside the country isa kase ang company namin sa nagbabakasakaling makakuha at maging ka sosyo ng isang malaking company, nong unang mga meeting ay madalang lang kami kung magkita dahil hindi naman ako masyadong sumasama dahil I'm not into it naman, hanggang sa isa sa kaibigan ko na kaibigan din niya ang naging daan para kami ay magkakilala, don nagsimula we talk, hang out and close to each other. Naging panatag kami sa isa't isa simula noon hanggang sa nangyari I mean may nangyari sa sa aming dalawa I'm not proud of it pero ang nasa isip ko kase that time wala naman kaming ginagawang masama dahil ang alam ko ay wala siyang karelasyon dahil wala naman siyang nababanggit sa akin, not until his friend na asawa ng kaibigan ko tinanong nila ako kung ano nga ba ang real status naming dalawa at kung meron man ay kailangan naming itigil iyon at first nagtaka ako kung bakit hanggang sa sinabihan nila ako kung aware ba ako na may asawa't anak na si Kier on that point parang gumuho ang mundo ko hindi ako makapagsalita umiiling-iling nalang ako bilang sagot sa kanila dahil ayaw kong paniwalaan ang mga iyon. Bago kami umuwi sa Pilipinas that time ay tinanong ko na siya and nagtapat naman ni hindi ako makapaniwala sa sarili ko na naging kabit na pala ako ng hindi ko namamalayan, tinapos namin ang lahat dahil ayokong makasakit ng kapwa ko alam ko sarili ko na mahal ko si Kier pero natatakot akong makasira ng pamilya.
Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil matapos ang ilang buwan ay pinagtagpo na naman kaming dalawa and that time hindi ko na inisip ang mga bagay-bagay I let myself love him na walang alinlangan hinayaan ko ang sarili ko na maging kabit masakit pero dahil mahal ko siya at ramdam ko na mahal niya ako ay hinayaan ko, we met sa condo unit ko ako at siya lang ang nakakaalam patago kami na nagkikita at patago rin kaming nagmamahalan, hanggang sa biglang dumating si Lucia sa buhay namin at don na nagsimula ang lahat, lahat nagbago since she came to us halos hindi ako handa pero dahil sa tulog ni Kier ay naging madali na rin para sa akin. Natakot akong sabihin sa mga magulang ko ang nangyayari sa akin but Kier help me, hindi naging madali dahil alam ng mga magulang ko na kasal si Kier at may anak he talk to them, akala ko maayos na ang lahat pero nagkamali ako dahil on that point nagbago ang pakikitungo ng mga magulang ko lalo na ni daddy sa akin he is so vocal about my wrong doings harap-harapan niyang sinasabi sa akin na ayaw niya sa batang nasa loob ko at kahit kailan ay hindi niya ito matatanggap but I tried my best para magbago yun pinakita ko sa kanya na kaya naming itama ang mali.
Kahit sa side ni Kier ay hindi naging madali ang lahat lalo na nang sabihin niya na alam na ng asawa niya ang lahat at yung punto na nais niyang dalhin ang anak nito sa bahay ng mga magulang niya at ang hindi ko alam ay dinala rin niya ito sa bahay nilang mag-asawa, pinag-awayan pa namin yun dahil hindi tamang dalhin niya ang anak namin sa bahay nila at iharap sa asawa nito, kahit sinong legal na asawa ay hindi matutuwa at magigiliw sa ginawa nito pero ang pinagtaka ko ay naging close silang dalawa and she made my daughter feel home kapag nasa kanila.
Don ko nakita na she's beyond perfect and ideal woman for every man, she's really an angel, alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya I mean namin ni Kier sa kanya at sa kanilang anak pero never akong nakarinig ng kung ano matapos naming magharap sa condo unit ko noon, kita ko ang sakit sa mga mata niya na kahit kailan ay hindi na mawawala sa isipan ko at habang buhay ko iyon dadalhin sa isipan ko, kaya nagulat ako na ibigay niya ang annulment paper kay Kier na tapos na at na approve na ng korte.
Kaya nga pilit naming tinatama ni Kier ang pagkakamali namin kahit na alam ko sa mata ng iba ang mali ay mali at kahit kailan hindi na ito maitatama pa.
Friday ng tanghali nang makauwi na ako sa aming condo unit ni Kier, nang makapasok ako agad akong nanlumo, walang tao sa unit namin pero mukhang dito sila nakatira, after 3 months ay pinayagan na rin ako ni daddy na makauwi I did everything para lang mapapayag ko siya kahit na alam kong may possibilidad ito na makasira sa amin ni Kier at sa pamilya namin pero wala naman na akong magagawa dahil kailangan kong makauwi sa pamilya ko lalo na sa mga anak ko. Napatingin ako sa siradong kwarto ng mga anak namin, agad ko naman itong pinuntahan at tinignan miss ko na ang dalawang bulinggit ko, miss ko na sila hindi ko napigilan na mapaluha nang hawakan ko ang picture frame naming pamilya, sana katulad pa rin ng dati na tahimik lang at walang problema sana maibabalik pa yung dati.
BINABASA MO ANG
Broken Vows
FanfictionKaya bang maitama ang isang pagkakamali? Kaya pa bang mabago ang mali na nagawa? Pano kung nagsimula sa isang pagkakamali, maitatama ba ulit ng isa pang pagkakamali? Pano niyo maitatama kung lahat ng tao sa paligid niyo ay pilit na pinaparandam na a...