Chapter 14

1.9K 30 1
                                    

Nagising ako dahil sa gumalaw ang katabi ko tinignan ko ang bintana at medyo madilim pa naman. Napangiti ako ng nakita ko napakagandang mukha ng aking buhay, she was sleeping peacefully. Dahan-dahan akong bumangon pero mas humigpit ang yakap nito sakin, naku! naman nakilimutan ko nakayakap pala ito sakin.

"babe, it's still early I wanna hug you pa" sabi niya pero nakapikit pa rin at mas hinigpitan ang yakap nito sa akin

"babe, gustuhin ko man kayong soluhin pero may early training kami ngayon para sa game mamaya" sabi ko naman sa kanya habang hinhimas ang malaking tyan niya

"fine" sagot naman niya at pumikit muli pero hindi na nakayakap sa akin kundi sa unan na nasa gilid niya.

Hay, pasaway talaga bakit ba kase nilalabanan ang antok, tsk! pano ko na sabi? pano kase kahit nagsasalita na siya nakapikit pa din. Hay ang bilis ng araw ngayon nine (9) months na siyang buntis at kabuwanan na rin niya anytime raw ay pwede na siyang manganak, kaya natatakot akong maiwan siyang mag-isa. At ilang buwan na rin naman na naayos ko yung tungkol sa pamilya ko tinggap na nila ang sitwasyon namin ni Zia kasabay no'n ay ang pagpasya nila na sa bahay nalang namin (sa mga magulang ko) kami umuwi lalo na at madalas walang kasama si Zia sa bahay pumayag naman si Zia agad dahil si mama na mismo ang kumausap sa kanya na kailangan na may matandang nagbabantay para mas maturuan at mapaalalahan niya sa mga gagawin habang maaga pa.

Mag-aayos na sana ako ng gamit ko ng makita ko ang training bag ko sa kaliwa ng study table nakaayos na ang lahat ng mga gamit na gagamitin ko for today. She always doing this, minsan maaga pa siyang nagiging sakin at siya ang mag-aayos nito ako na nga lang nagagalit sa kanya pero napakang tigas ng ulo niya. Nag ayos na din ako ng sarili ko bago ako lumabas ng kwarto ay hinalikan ko muna siya at pati na din ang tyan niya.

Bumaba na ako at naabutan ko si mama na palabas galing kusina, maaga din atang nagluto si mama kasi may training din naman sina Maz at Max, si papa naman maaga rin ang pasok sa trabaho.

"oh nak, ang aga mo ata" tanong niya nang makita akong naglalakad papunta sa kanyang pwesto habang nakabilis

"early training ma, alam mo naman may laro kami mamaya" sabi ko habang nilapag ko ang training bag ko sa sofa

"ah, ganon ba teka muna dalhin mo itong pagkaing ginawa ni Zia kanina" sabi niya at tinungo ang kusina

"ito oh! pinabibigay niya" sabi nito napangiti naman ako nang inabot ni mama ang pagkain gawa ni Zia, she never miss a day talaga na gawan ako ng snack para sa break time sa training.

"sige na ma, mauna na po ako at kayo na pong bahala sa mag-ina ko" paalam ko naman kay mama sabay nilagay ko sa isang bag na bitbit ko ang snack na pinabaon sa akin

"don't worry Kier nandito naman kami nina Maz at Max, wag ka nang mag-alala kami na bahala sa mag-ima mo" sabi ni mama at tinap ang balikat ko sabay ngiti sa akin

"alam ko naman yun ma, kaso hindi ko lang po maiwasan na mag-isip, tawag nalang po kayo pag emergency ha? Bye na po" sabi ko tumango naman si mama bilang sagot bago ako umalis ay hinalikan ko ulit siya sa noo at umalis na ng bahay.

Nang makarating ako sa gym ay nandon na silang lahat, kaya naman nag-umpisa kami agad halatang excited na kami para sa laro mamayang hapon, at dahil napaaga kami sa pagsisimula ay napaaga din ang aming dismiss, kaya napagpasyahan muna namin na kumain muna bago pumunta sa venue ng game.

"uy, bro kamusta si Zia?" tanong ng isa kong teammate habang kumakain

"ayon okay lang naman, medyo I mean malaki na talaga ang tyan niya, malapit nang lumabas si pakwan este si baby pala" natatawang sabi ko kaya pati sila ay tumawa na din

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon