"Hey ang aga pa saan ka pupunta may meeting ka?" tanong ni Amanda sa asawa dahil naabutan niya itong katatapos lang maligo at kakapasok lang sa kwarto nila
"I went for a run lang kaya maaga akong nagising plus mukhang kailangan kong magluto for our breakfast, I know you're not feeling well" sagot naman ni Kier habang nakakatingin sa asawa
"Ah! I'm good today mukhang nawala na rin ang hilo ko. Gising na ba ang mga bata?" tanong ni Amanda habang inaayos ang kanyang pagkakaupo sa kama sabay naghihikab pa
"Nope, masyado pang maaga para magising silang dalawa and the fact na tulog sila ibig sabihin makakapagpahinga ka ng matagal, effective yung rounds ko sayo kagabe, nawala hilo mo right!" natatawang panunukso niya sa asawa sabay lapit sa kabinet at kumuha ng gamit na susuotin nito while naiiling naman si Amanda sa kanya at tinitignan siya na nagbibihis.
"Stop staring at me baka marape mo ako" pang-aasar na sabi nito
"Ang kapal talaga ng mukha total ikaw nagluluto bilisan mo dahil paggising ng dalawa ay maglalambing na sayo yun you won't be able to cook" naiiling naman na sabi ni Amanda at hindi pinansin ang sinabi sa kanya
"Yes ma'am! Any request that you want to eat?" tanong niya ulit habang nagsusuot ng damit nito pero umiling lang sa kanya si Amanda bilang sagot
"If that's it I will go now and cook baka magising ang dalawang princessa natin go out kapag maayos na pakiramdam mo" nakangiting sabi niya sabay halik sa labi ng asawa
Pumunta naman sa kusina si Kier para magluto, habang nagluluto ito ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina na nagsasabing sa bahay nila sila kumain ng hapunan at agad din naman na ibinababa nito ang tawag.
"Dad" mahinang tawag sa kanya mula sa likuran nito
"Hey, don't run. How was my little girl sleep?" malambing na tanong nito sa bunsong anak na ngayon ay nakayakap sa tuhod niya dahil yun lang ang kaya niyang abutin
"where's ate then?" tanong niya ulit nang makitang tumango ang anak bilang sagot sa kanya
"Sleep"
"Are you still sleepy my baby?" malambing na tanong ni Kier sa anak sabay binuhat ito sabay halik sa noo, agad namang yumakap ang mga maliliit na braso ng anak sa kanyang leeg at dinukdok ang kanyang mukha sa leeg ng ama
"What do you want to eat? Daddy will cook it for you" masuyong tanong niya ulit pero umiling lang sa kanya ang anak nito kaya hinayaan na lang niya at pinagpatuloy ang kanyang pagluto.
Ilang saglit pa ay nakaramdam na rin ng pananakit ng katawan si Kier pero alam niyang hindi niya pwedeng ibaba ang anak kung hindi ay baka hanggang gabe na naman ang pagmamaldita nito kaya kahit na gusto niyang ibaba ang anak ay nagtiis na lang siya.
"B--what is this?" gulat na tanong niya dahil nakita niyang nakatulog sa balikat ng asawa ang bunsong anak
"Baby please wag ka nang magsalita kunin mo muna si Olivia dahil kanina pa ako nangangawit sa kakahawak sa kanya while my other hands are busy cooking" mahinang sabi ni Kier sa kanyang asawa
"Who told you ba naman na kargahin mo ang anak mo while you're cooking? Akala mo ata magaan yang si Via baka nakakalimutan mong malaki yan" naiinis na tanong nito
"naglalambing naman kase by, at isa pa inaantok pa siya siguro naistorbo tulog niya kaya ganyan yan ayaw namang magpababa kaya binuhat ko nalang. By kunin mo siya ng dahan-dahan sa akin" nakangiting sabi nito sa asawa sabay hinarap ang asawa nito
Naiiling naman na kinuga ni Amanda ang kanilang anak sa kanya at dahan-dahan niya itong nilipat sa mat sa sala para mas makatulog siya ng mabuti at hindi mangawit, medyo nagising naman ang anak pero agad din napabalik sa pagkakatulog ni Amanda at nang masigurado na ang pagkakatulog ulit ng anak ay pumunta na naman siya sa kusina.
BINABASA MO ANG
Broken Vows
FanfictionKaya bang maitama ang isang pagkakamali? Kaya pa bang mabago ang mali na nagawa? Pano kung nagsimula sa isang pagkakamali, maitatama ba ulit ng isa pang pagkakamali? Pano niyo maitatama kung lahat ng tao sa paligid niyo ay pilit na pinaparandam na a...