PROLOGUE

6.3K 163 10
                                    


1998

NAGKATINGINAN ang dalawang bata sa magkabilang dulo ng stage. Ang babae na naka-uniform ng yellow skirt, white blouse with yellow ribbon ay pumwesto sa kanang bahagi, samantalang ang batang lalake na  naka-uniform ng black pants,  white polo na may logo ng sikat na school nito ay pumwesto sa kaliwa. 

Inter-school Quiz Bee at championship round na. Ang dalawang bata ang maglalaban kung sino sa kanila ang mag-uuwi ng gold medal at trophy plus ten thousand pesos cash. Ang matatalo ay may trophy pa rin, pero mas maliit kesa sa champion at silver medal. Mag-uuwi naman iyun ng five thousand pesos.

Parehong matalino at listo ang dalawang bata- obvious na parehong gustong manalo. Galing sa private school for boys ang batang lalake samantalang ang batang babae ay galing sa public school- at marami itong dalang taga-pala or tagapalakpak.

Kahit papano ay nadistract ang batang lalake dahil nakikita niyang sikat ang kalabang babae. Cute ito pero mukhang hindi talaga patatalo. Seryoso at salubong ang mga kilay habang nagku-concentrate sa pagsagot sa mga tanong.

Kung mananalo siya, naisip ng batang lalake na tiyak na magagalit sa kanya ang batang babae. Ano ba naman ang medal at trophy? Puwede naman siyang magpabili sa lola niya. Saka hindi naman ganun kadami ang ten thousand pesos- mas mahal pa nga ang hiniling niyang desktop computer noong pasko.

Sa kakaisip niya ay hindi niya narinig ang huling question ng Quiz Bee Master. At nasagot yun ng batang babae kaya ito ang nanalo. Second place lang siya!

Pero okay lang, ngumiti naman sa kanya ang batang babae.

Sana magkita uli kami, nahiling niya habang pinapanood itong tumatawa.


I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon