EPILOGUE

3.4K 133 21
                                    


MABILIS na natapos ang hotel-resort na ipinatayo ni Kevin para kay Maita.Tinawag itong GREEN VILLA PARADISE na tribute daw ni Kevin sa Greenhills dahil ang naturang lugar ang naging dahilan ng pagkakalapit nilang dalawa.


One week after ng blessing ay idinaos doon ang engrandeng kasal nila na dinaluhan ng may limang daang guests- kasama na si Fran na nagkumahog na makauwi mula sa Macau. Halos himatayin ito sa kilig para sa kanila ni Kevin. Ang hindi lang nito maintindihan ay kung bakit ipinaimbita pa ni Maita ang lahat ng ex ni Kevin. Pero sabi nga ni Maita, alam niya ang ginagawa niya kaya di na nagprotesta pa si Fran.


"At least ngayon ay nakita na ng lahat ng naging ex at girlets mo na ako ang pinakasalan mo," bulong ni Maita kay Kevin habang hinihiwa ang wedding cake nila.


"Kitang-kita ka talaga nila, hindi naman bulag ang mga yan no!" ngisi ni Kevin.


Inirapan ni Maita ang lalake kahit natatawa siya sa hirit nito. Ibinaba ni Kevin ang hawak na platito na may cake saka biglang hinapit si Maita.


"Aba misis, ano pa ba ang dapat kong patunayan sayo? Iyung-iyo na ako o! Sa katawan ko pa lang, quota ka na!"


"Sira ka talaga!" Natawa ng malakas si Maita. Natahimik lang siya nang hinalikan ng asawa.


Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. "Mabuhay ang bagong kasal!"



E N D

I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon