NASA Macau na si Maita nang makaramdam ng malaking pagsisisi. Hindi dahil masama ang naging sitwasyon niya doon-- no. In fact maayos ang pinapasukan niya, matino ang mga boss niya at ang mga kasamahan sa dorm ay mababait. Yun nga lang, kung kelan naman siya wala sa Pilipinas- saka naman niya na-realize na nami-miss niya si Kevin. Sa Macau niya naamin ng lubusan sa sarili na mahal niya ang lalake at walang araw na hindi niya ito naiisip.
Sana ay hindi ako nagpadalus-dalos ng desisyon sa pagpunta sa ibang bansa.
Sana ay hindi ko pinairal ang pride ko.
Sana ay pumayag na lang akong bumalik sa condo niya at doon tumira...
Andami kong sana.... sana kasi hindi ako naging tanga.
Naisip niyang masaya sana siya ngayon at hindi malungkot na nakatingin sa Ruins of St Paul, ang sikat na landmark ng Macau. Pangatlong beses palang niyang napupuntahan ang lugar sa loob ng apat na buwan. Hindi naman kasi siya madalas lumabas o maglakwatsa. Mas gusto niyang manatili sa dorm kapag walang trabaho- nagbabasa lang ng pocketbook o kaya ay nagko-cross stitch.
Sinubukan din naman niyang kontakin ang lalake. Tinawagan niya ang cellphone nito pero laging naka-off. Gusto na nga niyang isipin na naka-block ang number niya sa cellphone ni Kevin. Tiningnan din niya ang Facebook account ng lalake pero user cannot be found ang nakalagay kaya feeling niya ay nag-deactivate ito. Tempted na siyang magtanong sa kanila pero hindi na niya ginawa. Bakit pa nga ba siya magri-reach out sa taong obviously ay lumayo na?
'I'm letting you go,'yun ang huli niyang narinig from Kevin. Ni-let go siya ng lalake and at the same time ay lumayo na para wala siyang balikan.
"The basic idea kung bakit tayo lumabas ngayong araw ay para mag-relax...mag-unwind, maglakwatsa at maging masaya," narinig niyang wika ni Fran. "Pero yung itsura mo girl, para kang magpuprusisyon ng Biyernes Santo."
Kasama niya sa Language Center si Fran, taga-Palawan ito at two years nang nasa Macau. Mas matanda sa kanya ng tatlong taon ang babae, mabait ito at kasundo agad niya. Ito ang roommate niya sa dorm.
"Wala...may naisip lang ako," pagdadahilan niya. "Nanghihinayang lang ako sa simbahang yan," aniya- na ang tinutukoy ay ang Ruins of St Paul.
"Asus!Huwag ka na ngang mag-deny, Maita. For sure, yung kababata mo na naman ang naiisip mo. Si Kevin no?"
Hindi na siya sumagot, tumawa na lang siya at umakyat sa mataas ng hagdan patungo sa ruins. Naikuwento na niya sa roommate ang tungkol kay Kevin kaya kilala na ito ng babae. Nailabas na niya ang lahat ng sama ng loob, lungkot at pangungulila sa lalake. Kahit man lang sa pamamagitan ng pagkukuwento ay mabawasan ang dinadala niya sa dibdib.
"Pumunta na lang kaya tayo ng Hong Kong ngayon?" biglang wika ni Fran."Tutal maaga pa naman!"
"Ngayon? Ano naman ang gagawin natin dun?" Hindi siya prepared na tumawid ng Hong Kong!
Malapit lang naman kung tutuusin ang Hong Kong mula sa Macau- halos isang oras lang ang biyahe ng Turbo Jet. Isang beses pa lang siyangnakakapunta doon- namasyal lang ng buong araw. Kahit mura lang naman ang pamasahe, naisip pa rin niya ang gastos. E gusto nga niyang makatipid at mag-ipon.
"E di mag-overnight tayo doon. Ako na ang bahala, magkano lang naman!" Mapilit si Fran at bigla siya nitong hinila pababa. "Kesa dito lang tayo tapos panay emote ka lang. At least doon, mas madami tayong mapupuntahan!"
"Fran, ayoko sanang gumastos pa--"
"Ako nga ang bahala. Minsan lang naman to!" Mabilis maglakad si Fran kaya binilisan na din ni Maita ang paglalakad.
Hindi na sila nag-bus papunta sa dorm, kumuha na sila ng taxi at nagpahintay saglit para madaanan ang kanilang gamit saka dumiretso na sila sa pier. Nagpatianod na rin siya, tutal minsan nga lang naman.
At para hindi ko na muna maisip ang mga panghihinayang ko sa buhay!
RAMRAM talaga ni Maita na may nagmamasid sa kanya. Feeling kasi niya ay uminit ang likod niya at batok, parang kinilabutan siya na hindi niya ma-explain. Lumingon siya mula sa barandilya ng viewing deck ng barko. Maraming pasahero ang naroroon-- nagkukuwentuhan, ang iba ay kumukuha ng pictures, may ibang nagtetext- parang lahat naman ay busy. Nakita niyang palapit sa kanya si Fran na galing sa CR. Agad niyang hinila ang babae at binulungan.
"May napapansin ka bang kakaiba sa paligid?" kaswal na bulong niya.
"Anong kakaiba? Napapaligiran tayo ng tubig, girl. Nasa dagat tayo."
"I mean, sa ibang pasahero."
Nakita niyang tumingin sa paligid si Fran. "Bakit? Ikaw, may napansin ka?"
"Ewan ko... feeling ko kasi parang.... parang may nakatingin sa akin.'
"Siyempre titingin talaga sila sayo kapag nakita ka nila. Hindi ka naman invisible no!" Natatawang wika ng babae na kumuha ng cellphone at nagselfie.
"Hindi e. Parang...." Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang tumigil ang paghinga niya. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang isang lalakeng pamilyar ang pigura! "Si Kevin!"
"Ay talong!" Sa gulat ay muntik nang mabitawan ni Fran ang hawak na cellphone habang nagsi-selfie. "Anong si Kevin ang pinagsasabi mo diyan?"
"Anditosi Kevin! Siya yung nakita ko doon banda!" Itinuro niya ang direksyon kung saan niya nakita ang lalake pero may dalawang babaeng biglang nag-pose sa harap nila-- nag-selfie din! Naharang tuloy ang view nila!
"Saan?"Nagtatakang tanong ni Fran na halos humaba ang leeg. Imbes na ituro lang niya ay si Fran naman ang hinila niya patungo sa dulo ng deck.
Feeling ni Maita ay mabibingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga oras na yun. Pero ganun na lang ang panlulumo niya nang makitang walang Kevin sa inaakala niyang dulo ng barko. Isang foreigner ang nakatayo doon at panay ang kuha ng picture- malayo ang itsura kay Kevin dahil blonde ang buhok. Maliban sa Korean couple na super sweet sa di kalayuan ay wala ni anino ni Kevin.
"Iniisip mo na naman kasi siguro siya kaya nagkakaroon ka na tuloy ng optical illusion. Akala mo nakita mo siya pero wala naman."
"Siguro nga." Napabuntong-hininga siya saka nanlalambot na umupo sa isang bench. Sakto namang tumunog ang barko, senyales na malapit na silang dumaong sa pier ng Hong Kong.
"Kapag natapos ang kontrata mo dito, huwag ka nang mag-renew. Umuwi ka na muna sa Pilipinas at harapin mo siya. Hindi yung nandito ka pero ang puso at isip mo, nasa kanya. Hindi rin healthy, Maita."
Tumango lang siya kay Fran. Alam niyang totoo ang sinasabi nito. Pero ngayon pa lang ay nasasaktan na siya. Babalik siya para kausapin si Kevin kahit alam niyang wala na siyang babalikan.
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You
ChickLitA romantic comedy about two people who were born to compete with each other but destined to fall for each other.