HINDI makatulog si Kevin. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya. Masaya siya na matatapos na ang problema ni Maita- pero natatakot siya na baka maputol na rin ang ugnayan nilang dalawa. Baka bumalik sa dati na para silang mga estranghero- hindi nag-uusap, hindi magkaibigan at ni hindi nagkikita. Ngayon pang nasanay na siya na nandiyan lang ang babae.
Hindi din niya maintindihan kung bakit ayaw niya yung feeling na baka hindi na siya kailangan ni Maita... na hindi na siya magiging parte ng buhay nito. At naiinis siya kapag naiisip niya na maaaring mapunta sa ibang lalake si Maita. The thought itself is slowly killing him. Lalo pa kapag naaalala niya si Lt Jake Diaz.
Bwiset yang tinyente na yan. Alam kong may gusto siya kay Maita at naghahanap lang ng tiyempo!
Lalake siya at matinik sa chicks. At alam niya lahat ng senyales at galawan kapag me gusto ang isang lalake sa isang babae. Gusto tuloy niyang sisihin ang papa niya kung bakit inirekomenda pa ang anak ng kababata nito. Eto tuloy siya- namomoroblema.
Baka akala niya, porke't pulis siya e aatrasan ko siya! Kahit me baril siya, hindi ako takot sa kanya!
Natigilan siya sa huling naisip. Bakit nga ba ganun na lang ang asar niya sa police officer gayun tumulong pa nga ito sa kanila? Saka ano naman kung magkagusto ang lalake kay Maita? Bakit nga ba affected siya?
Lalo siyang nairita. Bakit ba kailangan niyang i-justify lahat ng nararamdaman niya? Kumabog ng husto ang dibdib niya. Ramdam kasi niyang nahuhulog na ang maligalig niyang puso kay Maita!
Anak ng tinapa. Mas malaking problema ito!
"ANDITO na naman yang pulis patola na yan?!!" Hindi makapaniwala si Kevin nang madatnan sa condo niya si Lt Jake Diaz.
It was seven in the evening at kararating niya galing sa isang mahabang meeting. Pagpasok niya sa kanyang unit ay ang pulis ang nabungaran niya sa sala! Kaya kahit tumayo ang lalake at bumati sa kanya ng good evening, isang matipid na tango lang ang ibinigay niya at dumiretso agad kay Maita. Nasa kusina ang babae at kasalukuyang naglalagay ng spaghetti sauce sa noodles.
"Di ba tapos na ang kaso? Nagpirmahan na nga kayo sa Crame two days ago! Don't tell me, may ibibigay na namang update yan sa'yo!"
Lalo siyang nainis nang tumawa lang si Maita. "Hindi, wala nang update."
"O, e bakit nga andito na naman siya? Ano, makikitambay lang?"
"Hindi. Nagpaalam talaga siya kung puwedeng dumalaw."
"Dumalaw? Bakit, ano bang akala niya dito sa condo ko-- ospital? May sakit ka ba para dalawin?"
Biglang bumilis ang heart rate niya. Kinakabahan siya sa itinatakbo ng pangyayari. Kumuha siya ng baso at pitsel ng tubig sa ref para kahit papano ay kumalma ang dugo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/61045200-288-k706523.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You
ChickLitA romantic comedy about two people who were born to compete with each other but destined to fall for each other.