CHAPTER SEVENTEEN

2.5K 96 4
                                    


HINDI agad nakakilos si Maita sa sinabi ni Kevin.


Okay, confirmed. Panaginip nga ito, sa loob-loob niya. Nang makita niyang unti-unting lumalapit sa kanya si Kevin ay napalunok siya. Naaamoy niya ang pabango ni Kevin, parang baby cologne!


Diyos Ko, ayokong matapos ang panaginip kong ito, dasal niyang bigla.


"Hoy, natulala ka na diyan," narinig niyang wika ni Kevin na natatawa."Yes or no lang ang kailangan kong malaman!"


"Ha?" Nasa tapat na niya ang lalake at hindi niya napigilan ang sarili. Bigla niyang kinurot ang mukha nito!


"Aray!" Automatic na hinawakan ni Kevin ang parte ng mukha na kinurot niya."Masakit ha!" anito.


"Totoo ka ba?" Natawa ng malakas si Kevin sa tanong niya.


"Ano bang akala mo sa akin, ilusyon?"


"H-hindi kasi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi mo kaya iniisip kong panaginip lang lahat ng ito." Lalong napahalakhak si Kevin sa inamin niya.


"Ano ba ang hindi kapani-paniwala dun? Gusto kitang pakasalan... payag ka ba? Yes or no lang naman."


"Pag no ba ang sinagot ko, hindi mo na ako tatanggaping manager sa hotel?"


"Hindiko na kamo itutuloy ang hotel, sira!"


Si Maita naman ang natawa ng malakas. May topak talaga si Kevin, lagi siyang niloloko. Pero masaya siya- sobra!


"Ano, payag ka na bang maging misis ko?" tanong ng lalake sa kanya. Halos naririnig na niya ang pintig ng puso nito sa sobrang lapit nila sa isa't isa. "Bilisan mo na, baka magbago pa ang isip ko, sige ka!" banta pa nito.


"May choice ba ako? Sayang ang hotel e." Napanguso siya kahit deep inside ay kinikilig!


"Mukhakang pera, alam mo yun?" hinawakan ni Kevin ang baba niya at itinaas. "Buti na lang, mayaman ako."


"Paano kung maubos ang pera mo sa akin at mamulubi ka?"


"Okay lang. May mamanahin naman ako kay mama. Saka hihingi ako kay papa. I'm sure hindi ako matitiis ng mga yun," natatawang bulong nito bago siya hinalikan sa labi.


Napapikit si Maita. Nang matapos ang halik ay nakita niyang abot hanggang tenga ang ngiti ni Kevin.


"Alam mo bang na-miss kita ng husto?"


"Ows? Talaga?" Gusto niyang tumalon sa sobrang tuwa ng mga oras na yun pero pinigilan na lang niya ang sarili. Baka masira ang moment!


"Ano, pakasal na tayo?" tanong ni Kevin na bahagya pang kumindat.


"Ni wala kang sinasabi kung mahal mo ako," sumbat niya sa lalake."Paano ko masisigurong gusto mo nga akong pakasalan? Baka bukas ay magbago ang isip mo!"


"Hindi pa ba sapat na handa kong ibigay sa'yo ang katawan ko, kasama na ang lahat ng kayamanan ko? Na nagpatayo pa ako ng resort para langsa'yo." Kevin looked so endearing kahit binibiro siya nito. "Hindi pa ba obvious na mahal kita?"


"Malay ko ba kung totoo...."


"Hindi ka naman masyadong demanding no? Matapos mo akong pahirapan dito ng isang taon?"


Natawa na naman si Maita. Sa isip niya, she couldn't wait to spend the rest of her life with this man!




AKALA ni Maita ay nagbibiro lang si Kevin nang sabihin nitong may pinapatayo itong hotel and resort sa Batangas. She didn't really care kung totoo man or set up ang interview sa kanya ni Sofie Lizardo. Ang mas importante sa kanya ay nagkaintindihan na sila ng lalake sa wakas.


Kaya naman nagulat siya nang makitang on-going talaga ang construction sa katabing lupa ng farm nina Kevin nang umuwi sila ng Batangas.



Natuwa naman ang parents ni Maita na nagkatuluyan din sila ng mahigpit niyang kakumpitensiya sa school noon. Ang parents naman ni Kevin ay malugod siyang tinanggap nang pormal na siyang dalhin doon ng lalake.


Pero higit na natuwa ang papa ni Kevin dahil sa wakas daw ay nagkaroon na ito ng interest sa negosyo nila.


"Di nila alam, ikaw ang magtatrabaho sa hotel. Ako, magpapa-artist lang," biro ni Kevin nang mapag-solo sila sa may garden.


"Ako lang ang magtatrabaho?!" Kunwari ay pinanlakihan niya ng mga mata ang lalake. "Balak mo lang yata akong alipinin ah!"


"Alipin talaga?! Grabe naman to magsalita, halika nga. Baka mamaya, magbago pa ang isip mo."


"Pano nga ba kapag nagbago ang isip ko? Anong gagawin mo?"


"Ewan ko. Feeling ko naman hindi."


"Paano ka nakakasiguro?"


Niyakap siya ng mahigpit ni Kevin-- dinig na dinig niya ang tibok ng pusonito.


"Kapag hindi ka nagpakasal sa akin, kusang titigil ang tibok ng puso ko. Baka mamatay na lang ako kapag hindi kita nakasama habang buhay," bulong nito sa kanya.



Napaiyak siya sa sinabi ni Kevin. "Nakakainis ka, ang drama mo," aniya bago hinalikan ang lalake. 

I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon