CHAPTER SIXTEEN

2.3K 98 6
                                    


8 months later.

DALAWANG araw pa lang siyang nakakabalik ng Pilipinas nang makatanggap ng tawag mula sa isang nagngangalang Sofie Lizardo. Humihingi ito ng immediate appointment sa kanya for a job offer. Nagtataka man kung pano nakuha ng babae ang number niya ay pumayag na rin si Maita na makipagkita the next day dahil na-overwhelm siya sa sinabi nitong may magandang offer sa kanya.

This would change your life, sabi pa sa kanya ng nakausap niya.

"Baka networking yan!" komento agad ni Fran nang mag-video chat sila that night. "O baka kulto! Naku, Maita, mag-ingat ka!"

Natawa siya sa reaksyon ng kaibigan. Nasa Macau pa rin si Fran dahil may ilang buwan pa itong tatapusin para makumpleto ang 3 years na kontrata. Samantalang siya, pagkatapos ng one year contract ay lumipad na agad pabalik ng Pilipinas. Hindi pa siya sure kung magre-renew. Depende pa yun sa magiging pagkikita nila ni Kevin kung saka-sakali. Kung wala na talagang pag-asa, e di move on na siya.  At least may closure.

Kaya nga gusto din niyang subukan ang job offer na sinasabi nung nagpakilalang Sofie Lizardo. Kahit naka-schedule na siyang umuwi ng probinsiya ay nag-confirm pa rin siyang makipagkita. Naisip niyang puwede naman siyang bumiyahe after ng interview, o kaya ay sa gabi para di gaanong traffic at mainit. Curious siyang malaman kung magbabago nga ba ang buhay niya after the appointment.

"Mukhang legit naman yung tumawag. Ang sabi pa nga, this would change my life daw."

"Ay....nakakaintriga ha!"

"Kaya nga naengganyo ako! At least kung di ko gusto, tatanggi lang ako.Pero kung maganda, why not? Saka sosyal magsalita yung babae, alam mo yung kapag nag-English ay parang Amerikano? Ganun!"

"Baka nire-recruit ka papuntang America!" ani Fran. Then pareho silang napahagikhik. "E kumusta ka naman diyan? At kumusta naman yang apartel na nirentahan mo, maayos naman?"

Si Fran ang nagrekomenda ng apartel kesa mag-hotel pa siya habang nasa Maynila. Pinsan daw nito ang may-ari at malaki ang discount kaya doon siya nag-stay pansamantala. Hindi na kasi siya bumalik sa dating boarding house.

"Okay naman. Salamat sa discount na binigay mo ha."

"Ayos lang yan. Ikaw pa? So ano, nagkita na ba kayo nung kababata mo? Pinuntahan mo na ba? Nagkausap na ba kayo?"

"Pinuntahan ko kahapon sa condo niya kaso wala daw, matagal nang hindi umuuwi doon."

"Baka nasa probinsiya. Or baka nag-abroad."

"Baka nag-asawa na," sabad niya. Kahit papano ay nakaramdam siya ng kirot sa puso.

"Bakit siya mag-aasawa? Sabi mo nga, chickboy yun. Malabong mag-asawa agad," ani Fran. "Unless napikot."

"Pupuntahan ko nga ang parents niya kapag nauwi ako."

"Tama yan girl. Sugurin mo nang magkaalaman na"

Natawa siya sa sinabi ni Fran. "Baka sa makalawa na ako makapunta kasi gabi na ako darating sa bahay bukas."

"O basta mag-ingat ka diyan ha. Welcome ka pa rin namang bumalik dito kapag nagbago ang isip mo at magrenew ka na ng kontrata. Nami-miss kana namin dito!"

"Miss ko din kayo. Hayaan mo, Fran-- magkikita naman tayo pag-uwi mo dito."

"Oo nga pero matagal pa yun. Halos 8 months pa."

"Sandali na lang yun, kita mo nga ako. Halos hindi ko namalayan na nag-end na pala ang kontrata ko diyan." Nagkuwentuhan pa sila ng ilang minuto bago tuluyang nagpaalam sa isa't isa.

I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon