CHAPTER NINE

2.1K 89 5
                                    




BANDANG alas-dose ng gabi, lumabas ng guest room si Maita at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Nakaramdam kasi siya ng uhaw.


Hindi siya makatulog matapos makipag-usap sa nanay at tatay niya sa probinsya. Tinawagan kasi niya ang mga magulang para ipaalam na maayos naman siya. Kasalukuyang nasa farm nina Kevin ang pamilya niya. Alalang-alala ang nanay niya dahil hindi nito maintindihan kung ano ang kinasasangkutan niyang gulo. Ang tatay naman niya ay kalmado pero pinapag-ingat siya. Kung puwede nga lang daw na umuwi nalang siya doon, para magkakasama sila. Nangako siyang aayusin ang lahat bago umuwi. Ang sumunod na tinawagan niya ay si Mrs Leonidas. Umiyak ito nang marinig ang boses niya dahil akala umano nito ay nadukot na siya dahil ilang araw na siyang hindi nakakauwi sa boarding house. Pinakiusapan na lamang niya ang landlady niya at itago ang mga gamit niyang naiwan at babalikan na lang niya.


Nahilamos ng dalaga ang mukha habang nakaupo sa komedor. Gusto na niyang matapos ang gulo para maging normal na uli ang buhay niya! Madami nang taong nadadamay at ayaw niyang maging pabigat sa ibang tao habang-buhay.


"Bakit gising ka pa?" Muntik nang mapalundag ang dalaga nang marinig ang boses ni Kevin sa likod niya.


Madilim kasi sa kusina. Reflection mula sa mga poste ng Meralco sa labas ng building at ilaw mula sa guest room na tumatagos sa ilalim ng pinto ang tanging nagsisilbing liwanag sa condo.


"Uminom ako ng tubig," sagot niya.


Nagbukas ng ref ang lalake at kumuha ng orange juice. Nagkaroon ng karagdagang ilaw sa kusina. Nakita ng dalaga na naka-boxer shorts lang si Kevin at wala itong suot na tshirt. Napalunok siya. Lalo yata siyang nauhaw!


"Gusto mo?" alok ni Kevin sa kanya. Mabilis na inalis ng dalaga ang mga mata sa katawan ng lalake. Umiling siya.


"Tubig lang ang nakakagamot sa uhaw ko," nasabi niya bago pa napigilan ang sarili. "M-matamis kasi ang orange juice," dagdag pa niya na napatingin uli kay Kevin.


Uminom ang lalake, nanatiling nakatingin si Maita. Dapat yata sa mata niya ay patakan ng Holy Water nang maibsan ang kasalanan!


"S-salamat pala dun sa cellphone," wika niya nang maalala ang ibinigay ng lalake. "Ang mahal-mahal nun ah."


"E di bayaran mo," biro ni Kevin sa kanya.


"Ibabalik ko na lang," kunwari ay natatawang sagot niya- para lang maalis ang asiwang nararamdaman. Bakit ba kasi mahilig mag-topless ang lalakeng ito? Dapat man lang sana ay may government warning sign para preparedsiya!


"Angdrama mo lagi! Pasalamat ka at malaki ang downpayment sa akin kaninasa bago kong project. I decided to share my blessings!"


"Salamat ha." Bukal sa loob ang pagpapasalamat niya kay Kevin. Hindi na nganiya alam kung paano makakabawi sa kabutihan nito sa kanya. The factna pinatuloy siya at kinupkop nang walang hesitasyon ay malaking utang na loob na niya sa lalake.


"Saka ka na magpasalamat kapag naayos na ang gulong napasok mo," narining niyang wika ni Kevin. Hinawakan nito ang baba niya. "Next time kasi, mag-iingat ka."


Napatingin ang dalaga sa lalake. Madilim na uli sa komedor dahil naisara na nito ang ref. Pero ang reflection ng ilaw mula sa bintana ng condo ay tumatama sa mukha ng lalake. Iisa lang ang pumasok sa isip niya.


Shit, ang guwapo ni Kevin!


May ilang segundo din silang nagkatinginan ng lalake. Unti-unti pa itonglumapit sa kanya. Siya naman ay nakatanga lang sa lalake na para bang tumigil ang inog ng mundo nila.


"Kevin?" biglang bumukas ang ilaw sa may sala.


Paglingon niya ay nakita niyang nakatayo sa may sala si Antonina, nakatapis lamang ng puting tuwalya. Pakiramdam niya ay bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig! Biglang ibinaba ni Kevin ang kamay na kani-kanina lang ay nakahawak sa baba niya!


"You want some juice too?" kaswal na tanong ni Kevin sa Venezuelan.


"I want some cold water." Lumapit ito sa kusina.


Mabilis namang tumalikod si Maita at nagtungo na sa guest room. Nang maisara niya ang pinto ay napasandal muna siya. Ang bilis ng tibok ng puso niya- parang nasa karera!








KANINA pa tulog si Antonina sa tabi ni Kevin pero nanatili siyang gising. Hindi na siya dinalaw ng antok matapos makainom ng orange juice. What happened back there at the kitchen? Yun ang hindi naaalis sa isip niya. He wanted to kiss Maita!


Marami na siyang nakilalang babae sa Maynila- lalo na sa trabaho niya- models, actresses, designers, Vjs, stylists, advertising executives-lahat nakasalamuha na niya. Hindi na niya mabilang ang mga babaeng nakapunta sa condominium niya- and yet, kanina lang niya uli naramdaman ang ma-excite ng husto!


Pakiramdam niya kanina ay eleven years old uli siya.


Yun ang edad niya nang una niyang makita si Maita noon. Sa isang all-boys private school siya nag-elementary samantalang sa public school ang babae. Pareho silang nagrepresent sa eskwelahan nila sa isang Quiz Bee at si Maita ang nag-first, second lang siya. Gusto niyang batiin noon si Maita, kausapin at maging kaibigan dahil parang sikat na sikat ito sa mga kaklase. Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya ng babae- labas ang mga dimples kaya't tuwang-tuwa siya. 


Nang mag-highschool ay sa co-ed na siya nag-aral. Naging magka-klase sila ni Maita. At para mapansin ay pinagbuti niya ng husto ang grades at extra curricular activities. Lagi silang pinapadala ni Maita sa mga inter-school competitions at natutuwa siya kapag magkasama sila. Pero imbes na maging malapit sila, kumpetisyon ang naging tingin sa kanyang babae. Nilayuan siya nito at hindi na siya kinakausap. Hanggang sa student council at ibang organizations ay sila ang mahigpit na magkalaban. Siya ang naging president ng student council dahil natalo niya si Maita pero ang babae naman ang naging Editor in Chief ng school paper nila.


Nang seniors' prom nila, tinukso pa siya ng mga kaklase nila na bakit hindi si Maita ang kunin niyang date? Pero nalaman niyang umuo na pala si Maita na maging partner ni Dwight- ang varsity captain ng basketball team nila. He ended up bringing Rema, ang muse ng basketball team.


Hanggang sa mag-graduation na nga- at maging salutatorian si Maita. Hindi na siya kinausap kailan man ng babae. Ni hindi pumasok sa isip niya na darating ang pagkakataong titira sa mismong condominium niya si Maita.


Sometimes, life indeed is full of surprises. Wonderful surprises, naisip ni Kevin. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit after all these years, sa ganitong pagkakataon pa uli nagkrus ang landas nila ni Maita? At bakit bigla na naman niyang naramdaman ang kabog ng dibdib na una niyang naramdaman noon kay Maita?

I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon