CHAPTER ONE

4K 107 2
                                    


2010


FEELING ni Maita ay naka-jackpot siya sa Greenhills. Isang high-end cellphone ang inialok sa kanya- mataas ang memory at specs, touch screen at original! Hindi gawa sa tabi-tabi! Kahit second-hand ang unit, makintab iyun at walang gasgas- mukhang bago pa. Kaya naman kahit mabigat sa bulsa niya ang four thousand pesos, pikit mata niyang binili ang cellphone!


Pagkapirma niya sa resibo at matapos makuha ang kopya ay agad na umalis ang bente tres anyos na dalaga. Baka kasi magbago pa ang isip ng nagbenta sa kanya at bawiin pa ang cellphone!


Mula sa Greenhills ay sumakay siya ng G-Liner na bus patungong Sta. Mesa dahil doon siya nakatira. May boarding house siyang inuupahan sa may likod ng SM. Nagtuturo siya ng English sa mga Koreano habang naghahanap ng mas stable na trabaho. Kahit medyo maganda ang kinikita niya sa kasalukuyang 'raket' ay gusto pa rin niya yung normal sanang trabaho- regular at may benefits. Graduate naman siya ng Tourism sa probinsya nila at nagbabakasakali siyang makakita ng maayos na mapapasukan sa Maynila.


Ilang hotels na rin ang napagpasahan niya ng resume pero wala pang tumatawag sa kanya. May working experience naman siya kung tutuusin-nagtrabaho siya bilang service crew sa fastfood noong nag-aaral pa hanggang sa maging Assistant Manager. Pero gusto naman niya ng bagong working environment. Ang target niya ay maging receptionist ng isang five star hotel. Or kahit 4 star hotel. Okay din sa kanya ang magtrabaho sa isang travel agency- basta't maganda ang sweldo. Gusto kasi niya na mai-apply naman ang napag-aralan kahit papano.


At parte nga ng kanyang positive motivation in life ay ang pagbili ng bagong cellphone- kahit segunda mano lang, basta't mapalitan niya ang kanyang lumang cellphone na kaedad pa yata ni Zuma! Ni hindi colored at wala kahit polytones. Mas presentable pa ang remote control ng landlady niya! Pero pinagtiyagaan niya ang jurassic cellphone dahil hindi naman siya makapag-ipon ng malaki. Nagpapadala pa kasi siya ng pera sa probinsya dahil dalawa pa ang mga kapatid niyang nasa elementary. Ano lang ba ang kinikita ng mamang niya? May tindahan sila ng bigas sa palengke pero siyempre, hindi pa rin sapat iyun. Ang papang niya ay barangay tanod sa kanila, allowance lang din ang nakukuha. Kaya't hindi man siya ino-obliga ng mga magulang, kusang loob siyang nagpapadala sa pamilya para makatulong.


Kaya ang apat na libo na cellphone- kung tutuusin ay luho nang matatawag.Pero kahit papano, gusto rin naman ni Maita na magkaroon ng magandang cellphone bilang representation. Para naman hindi nakakahiya sa mga tinuturuan niya. At para hindi na siya pagtawanan ng mga boardmates.Palibhasa mga mata-pobre yata ang mga kasama niya- kung laitin ang luma niyang cellphone, sagad sa buto! Para bang mortal na kasalanan ang magkaroon ng cellphone na mukhang pangkudkod ng yelo!


Puwes, mamatay kayo ngayon sa inggit! Di napigilan ni Maita ang mapangiti habang nasa loob ng bus. Nagtaka tuloy sa kanya ang kundoktor.


Bumaba ang dalaga sa kanto bago kumanan ang G-Liner bus patungong SM Centerpoint sa Sta. Mesa. Naglakad lang siya ng konti at narating na niya ang dalawang palapag na boarding house. Agad siyang dumiretso sa isang maliit na kuwartong inuupahan at ini-lock yun. Kinuha niya ang bag at inilabas ang bagong biling cellphone- pati na rin ang lumang cellphone para mailipat niya ang sim card.


Tuwang-tuwa si Maita dahil mamahalin na ang gamit niyang cellphone. In-explore niya iyun at sinubukan ang ibang application na naka-install. Pero nagulat siya nang buksan ang media files dahil may naka-store pa rin doon na mga pictures at video!


Lalong nanlaki ang mga mata ni Maita nang mabuksan ang isang malaswang video ng dalawang taong nagtatalik!


Sexscandal! Agad na konklusyon niya. Napa-sign of the cross tuloy ang dalaga. Feeling ni Maita ay hindi alam ng babae na kinukunan pala siya ng video kaya nakaramdam siya ng awa. Hindi niya nakayanan ang pinapanood- ini-stop niya yun. Tiningnan niya ang ibang video- pati mga photos. May mga solo photos yun, may ilang family pictures pa- na naroroon ang babae. Pero ang lalakeng kasama niya sa video ay iba.


Ohshit. Saka lang napagtanto ni Maita na may kalaguyo ang babaeng dating may-ari ng cellphone!


Hinala ng dalaga ay nakaw ang cellphone na hawak niya at ibinenta lamang sa Greenhills- na binili naman niya.


Kaya mura! Nakaramdam ng guilt si Maita. Anong gagawin niya? Bakit naman kasi hindi niya agad chineck kanina bago binili? Pero alam din niya ang sagot. Nasilaw siya dahil mura ang presyo at maganda ang cellphone! Tao lang siya at natukso. Pero alam niyang mali.


Sayang ang four thousand. Katumbas din yun ng 20 hours na trabaho niya sa loob ng sampung araw. 200 per hour kasi ang bayad sa kanya ng mga Koreano kapag one-on-one tutorial. Mas mababa pag sa Korean Center siya tumanggap ng mga estudyante. May cut ang center- 150 na lang ang napupunta sa kanya per hour na turo niya.Naisip din niya na kung ibabalik nga niya ang cellphone- pero paano? Wala naman ang number ng babae sa mismong unit- baka nasa lumang sim card yun na itinapon na.


Gusto tuloy magsisi ng dalaga. Bakit ba kasi naisipan pa niyang bumili ng second hand? Sana brand new na lang ang binili niya kahit simple lang. Naisip din niyang sana ay sa SM na lang siya bumili at di na dumayo pa sa Greenhills. Wala sana siyang problema ngayon.


Pero sabi nga sa librong nabasa niya- everything happens for a reason. Hindi siya dapat magsisi sa mga desisyon niya. Ang dapat niyang gawin ay mag-isip ng mga positive na bagay. Para pumasok ang grasya. 

I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon