CHAPTER FIVE

2.5K 98 2
                                    


HINDI agad nakatulog si Maita. Alam naman niyang safe siya sa guest room ni Kevin pero binabalot pa rin siya ng tensiyon sa dinanas. Sino ba naman ang hindi matu-trauma? Saka tiniis niya ang pride at hiya sa pagpunta sa kanyang mortal na kaaway- para lang maka-survive. In a way, napatunayan niyang mabait naman pala talaga si Kevin dahil sa kabila ng pagsusungit niya noon sa lalake ay tinanggap pa rin siya nito.


Kung hindi pa niya nakitang mag-aalas-singko na pala ng umaga, hindi pa niya pinilit ang sarili niyang ipikit ang mga mata. Alam niyang kailangan niya talagang magpahinga at kailangan niya ng lakas mamaya dahil bibiyahe pa siya pauwi ng probinsya.



NAALIMPUNGATAN si Maita nang marinig ang sunud-sunod na katok sa labas ng kuwarto. For a while ay na-disorient siya kung nasaan siya dahil napakaganda ang kuwartong kinaroroonan niya. Carpeted yun at crema ang kulay ng paligid. May dalawang paintings na nakasabit sa dingding- itim ang frames. May side table at lamp shade, may maliit na table sa corner with two comfortable chairs. May TV at DVD rin sa isang sulok- maliban doon ay wala nang ibang laman ang malawak na kwarto. Feeling niya ay nasa hotel siya. Pero kelan siya nag-check in? Then she remembered na guest room pala iyun at nasa condo unit siya ni Kevin!


Dali-daling bumangon ang dalaga at pilit na inayos ang sarili, kahit alam niyang ni hindi siya nakapagpalit ng damit. Yun pa rin ang suot niya- ni wala siyang mga toiletries or personal na gamit. Nakakahiya namang mag-demand pa siya.


"Hi. Sorry, tinanghali ako ng gising," agad na pahayag niya pagbukas ng pinto. Nagulat siya nang makitang hindi si Kevin ang naroroon.


"Pinabibigay ho ni Sir Kevin. Gamitin nyo raw ho muna. Nasa banyo ho siya ngayon at naliligo." Sa tantiya niya ay nasa early 50s ang babae, medyo mataba at masayahin ang aura. May iniabot ito sa kanya.


Mga nakatuping damit yun, may kasamang toothbrush. May nakita naman siyang toothpaste, shampoo at sabon sa banyo ng guest room so may magagamit na siya.


"Salamat po." 


"Kung may kailangan ka pa, magsabi ka lang. Kahit sa akin na lang. Wag kang mahihiya," wika ng may edad na babae.


"Opo." Isinara na ni Maita ang pinto saka tiningnan ang iniabot sa kanya. Habang iniisa-isa niya ang mga gamit ay hindi niya napigilang ma-touch. May ESP ba si Kevin at alam nito ang kailangan niya? Lalo pa siyang napangiti nang makitang may kasamang dalawang bra at ilang panty ang mga damit. Mga brand new yun at hindi pa nagagamit- nasa plastic at may tag-price pa.


Namili ba si Kevin habang tulog ako?  Naisip niyang alangan namang may stock na mga pambabaeng damit at underwear ang lalake sa condominium! Boy Scout laging handa?!


Pero hindi na siya nagtanong pa. Agad siyang naligo at nagbihis. Kahit papano ay presko na ang pakiramdam niya paglabas ng banyo. Medyo maikli ang maong shorts na ibinigay sa kanya, kumpara sa mga nakaugalian niyang isuot na halos umabot lang ng tuhod. May sleeveless blouse din na fuschia ang kulay at itim na spaghetti strapped blouse. Mabuti nalang at may tshirt na puti na may nakalagay na I Love New York kaya yun ang pinili niyang isuot. Ang mahabang buhok ay sinuklay niya ng sinuklay para kahit papano ay matuyo ng konti. Saka siya lumabas ng kuwarto.

I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon